Pumunta sa nilalaman

Hyderabad, India

Mga koordinado: 17°22′N 78°29′E / 17.37°N 78.48°E / 17.37; 78.48
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hyderabad)
Hyderabad
Paikot sa kanan mula sa pinakataas: Panoramang urbano ng distritong pinansiyal ng Hyderabad; Kutang Golconda; Hussain Sagar; mga minarete ng Charminar; HITEC City, ang pusod ng mga kompanya ng teknolohiyang pang-impormasyon; Lehislatura ng Telangana.
Palayaw: 
Lungsod ng Mga Perlas
Hyderabad is located in Telangana
Hyderabad
Hyderabad
Kinaroroonan ng Hyderabad sa Telangana, India
Hyderabad is located in India
Hyderabad
Hyderabad
Hyderabad (India)
Mga koordinado: 17°22′N 78°29′E / 17.37°N 78.48°E / 17.37; 78.48
Bansa India
EstadoTelangana
RehiyonKalakhang Rehiyon ng Hyderabad, Deccan
Distrito
  • Hyderabad
  • Ranga Reddy
  • Medchal-Malkajgiri
  • Sangareddy
Itinatag1591
NagtatágMuhammad Quli Qutb Shah
Pamahalaan
 • UriKorporasyong munisipyo
 • KonsehoGreater Hyderabad Municipal Corporation,
Hyderabad Metropolitan Development Authority
 • AlkaldeBonthu Ram Mohan
Lawak
 • Lungsod ng Hyderabad650 km2 (250 milya kuwadrado)
 • Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad7,257 km2 (2,802 milya kuwadrado)
Taas
505 m (1,657 tal)
Populasyon
 (2011)
 • Lungsod ng Hyderabad6,809,970
 • RanggoPang-apat
 • Kapal10,477/km2 (27,140/milya kuwadrado)
 • Metro
9,700,000
 • Ranggo ng metro
Pang-anim
DemonymHyderabadi
Sona ng orasUTC+5:30 (IST)
(Mga) kodigong postal
500 xxx, 501 xxx, 502 xxx.
Kodigo ng lugar+91–40, 8413, 8414, 8415, 8417, 8418, 8453, 8455
Plaka ng sasakyanTS 07 to TS 15 (earlier – AP09 to AP-14 and AP 28,29)
Metro GDP (PPP)$40–$74 billion[1]
Mga opisyal na wikaTelugu, Urdu
Websaytghmc.gov.in

Ang Hyderabad ( /ˈhdərəbɑːd/ HY-dər-ə-baad) ay ang kabisera ng estado ng Telangana at de jure na kabisera ng Andhra Pradesh.[A] Sumasakop ito sa 650 kilometro kuwadrado (250 milya kuwadrado) na lawak sa kahabaan ng mga pampang ng Ilog Musi. Mayroon itong populasyon na 6.9 milyon sa city proper nito at humigit-kumulang 9.7 milyon sa Kalakhang Rehiyon ng Hyderabad, kaya ito ang pang-apat na pinakamataong lungsod sa bansa at pang-anim na pinakamataong pook na urbano sa India. Ito ay nasa karaniwang taas na 542 metro (1778 talampakan) at nakapuwesto sa maburol na lupa sa paligid ng mga lawang artipisyal, tulad ng Hussain Sagar sa hilaga ng sentro ng lungsod at umiiral na bago ang pagtatatag ng lungsod.

Itinatag ni Muhammad Quli Qutb Shah ang Hyderabad noong 1591 at nanatili ito sa ilalim ng pamumuno ng dinastiyang Qutb Shahi sa loob ng halos isang dantaon bago kinuha ng mga Mughal ang rehiyon. Noong 1724, idineklara ni Mughal na viceroy Asif Jah I ang kaniyang soberanya at itinatag ang sarili niyang dinastiya na nakilala bilang mga Nizam ng Hyderabad. Ang mga kinasasakupan ng Nizam ay naging isang pamprinsipeng estado noong panahon ng British Raj, at nanatili ito sa loob ng 150 taon kalakip ang lungsod na nagsisilbi nitong kabisera. Tumuloy ang Hyderabad bilang kabisera ng Estado ng Hyderabad pagkaraang sinama ito sa Unyong Indiyano noong 1948, at naging kabisera ito ng Andhra Pradesh kasunod ng States Reorganisation Act, 1956. Mula noong 1956, ang Rashtrapati Nilayam na matatagpuan sa lungsod ay naging tanggapan ng Pangulo ng India kapag taglamig. Noong 2014, humiwalay mula sa Andhra Pradesh ang bagong-tatag na estado ng Telangana, at naging kabisera ng kapuwang mga estado ang Hyderabad, isang pansamantalang kaayusan na nakatakdang matatapos pagsapit ng taong 2025.

  1. Ayon sa Andhra Pradesh Reorganisation Act, 2014 bahaging 2 Seksiyon 5:(1) On and from the appointed day, Hyderabad in the existing State of Andhra Pradesh, shall be the common capital of the State of Telangana and the State of Andhra Pradesh for such period not exceeding ten years.
    (2) After expiry of the period referred to in sub-section (1), Hyderabad shall be the capital of the State of Telangana and there shall be a new capital for the State of Andhra Pradesh.
    The common capital is defined as the existing area notified as the Greater Hyderabad Municipal Corporation under the Hyderabad Municipal Corporation Act, 1955. Though Andhra Pradesh uses facilities in Hyderabad during the transition period, Telangana state is responsible for day-to-day administration of the city. City MLAs are members of the Legislature of Telangana (§ 3 and 18(1) of the Act).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Global city GDP 2014". Brookings Institution. 22 Enero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2017. Nakuha noong 4 Marso 2017. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]
[baguhin | baguhin ang wikitext]


India Ang lathalaing ito na tungkol sa India ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.