Pamantayang Oras ng India
Pamantayang Oras ng India | |
---|---|
Agwat sa UTC | |
IST | UTC+05:30 |
Kasalukuyang oras | |
22:00, 24 Oktubre 2024 IST [refresh] | |
Pagsunod sa DST | |
Hindi ginagamit ang DST sa pook ng oras na ito. |
Ang Pamantayang Oras sa India (sa Ingles: Indian Standard Time o IST ) ay ang sona ng oras na sinusunod sa buong India, na may offset na oras na UTC+05:30. Walang DST (daylight saving time o oras na nakapagtitipid ng liwanag ng araw) o iba pang mga pag-aayos sa panahon ang India. Sa oras ng militar at abyasyon ang IST ay itinalaga bilang E* ("Echo-Star").[1]
Ang Pamantayang Oras sa India ay kinakalkula batay sa 82.5′ Silangang longhitud, sa Mirzapur, Uttar Pradesh, na halos nasa kaukulang linya ng sanggunian ng longhitud.[2]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos lumaya noong 1947 mula sa Gran Britanya, itinatag ng pamahalaan ng India ang IST bilang opisyal na oras para sa buong bansa, bagaman ang Kolkata at Mumbai ay nagpapanatili ng kanilang sariling lokal na oras (kilala bilang Oras sa Kolkata at Oras sa Bombay) hanggang 1948 at 1955, ayon sa pagkakabanggit.[3] Panandaliang ginamit ang Daylight Saving Time noong panahon ng Digmaang Tsina-India noong 1962 at ang mga Digmaang Indo-Pakistani noong 1965 at 1971.[4]
Kritisismo at mga panukala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang layo mula silangan patungong kanluran ng bansa na higit sa 2,933 kilometro (1,822 milya) ay sumasakop sa higit sa 29 degri ng longhitud, na nagreresulta sa pagsikat at paglubog ng araw ng halos dalawang oras na mas maaga sa silangang hangganan ng India kaysa sa Kutch ng Rann sa malayong kanluran.[5] Ang mga naninirahan sa mga estado sa hilagang-silangan ay kailangang iwasto ang kanilang mga orasan sa maagang pagsikat ng araw at maiwasan ang labis na pagkonsumo ng enerhiya pagkatapos ng mga oras na may araw.[6]
Noong huling bahagi ng dekada 1980, isang pangkat ng mga mananaliksik ang nagmungkahi na paghiwalayin ang bansa sa dalawa o tatlong sona ng oras upang makatipid sa enerhiya. Ang sistemang binaryo o dalawahan na iminungkahi nila ay kinakasangkutan ng pagbabalik ng mga sona ng oras noong panahon ng Briton. Ang kanilang mga rekomendasyon ay hindi pinagtibay.[6][7]
Noong 2001, itinatag ng pamahalaan ang isang apat na miyembrong komite sa ilalim ng Ministeryo ng Agham at Teknolohiya upang suriin ang pangangailangan para sa maraming mga sona ng oras upang makatipid ng liwanag ng araw. Ang mga natuklasan ng komite, na ipinakita sa Parliyamento noong 2004 ng Ministro para sa Agham at Teknolohiya na si Kapil Sibal, ay hindi inirerekomenda ang mga pagbabago sa pinag-isang sistema, na nagsasaad na "ang punong meridyano ay pinili gamit ang sanggunian sa isang sentral na istasyon, at ang kalawakan ng Estado ng India ay hindi malaki."[8]
Bagaman patuloy na tumatanggi ang pamahalaan na hatiin ang bansa sa maraming mga sona ng oras, ang mga probisyon sa mga batas sa paggawa tulad ng Plantations Labor Act, 1951 (Batas sa Paggawa sa mga Pataniman) ay pinapayagan ang mga pamahalaan ng Sentral at Estado na tukuyin at itakda ang lokal na oras para sa isang partikular na lugar ng industriya.[9] Sa Assam, ang mga hardin ng tsaa ay sumusunod sa isang hiwalay na sona ng oras, na kilala bilang Chaibagaan o oras ng Bagan ('Oras ng Hardin ng Tsaa'), na isang oras nang mas maaga sa IST.[10] Nanatili ang Pamantayang Oras ng India bilang ang tanging opisyal na ginagamit na oras sa India.[5]
Sa loob ng nakaraang 25 taon, nangangampanya ang tagagawa ng pelikula na si Jahnu Barua para sa isang hiwalay na sona ng oras (daylight saving time). Noong 2010, iminungkahi niya ang paglikha ng isang hiwalay na sona ng oras para sa Pag-unlad ng Rehiyong Hilagang-silangan.[11] Noong 2014, sinimulan ng Punong Ministro ng Assam na si Tarun Gogoi na mangampanya para sa isa pang sona ng oras para sa Assam at iba pang mga estado sa hilagang-silangan ng India.[12] Gayunpaman, kailangang linawin pa ito sa Pamahalaang Sentral ng India.[12]
Noong Hunyo 2017, ipinahiwatig ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya na muli silang nag-aaral ng posibilidad ng dalawang sona ng oras para sa India. Naipadala para sa pagsasaalang-alang ang mga panukala para sa paglikha ng isang karagdagang Oras ng Timog India (EIT sa UTC+ 06:00), paglilipat ng unang-pili o default na IST sa UTC+05:00 at Daylight saving (Indian Daylight Time para sa IST at Eastern India Daylight Time para sa EIT) na nagsisimula sa 14 Abril (Ambedkar Jayanti) at nagtatapos noong 2 Oktubre (Gandhi Jayanti).[13]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Military and Civilian Time Designations". Greenwich Mean Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-09-14. Nakuha noong 2006-12-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Two-timing India". Hindustan Times (sa wikang Ingles). 4 Setyembre 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Mayo 2013. Nakuha noong 24 Setyembre 2012.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Odds and Ends" (sa wikang Ingles). Indian Railways Fan Club. Nakuha noong 2006-11-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "India Time Zones". Greenwich Mean Time (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Mayo 2007. Nakuha noong 25 Nobyembre 2006.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 Cook, Sharell (2019-06-04). "India's Time Zone and What Makes it Unusual". TripSavvy (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-06-03. Nakuha noong 2019-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2019-06-03 sa Wayback Machine. - ↑ 6.0 6.1 Sen, Ayanjit (2001-08-21). "India investigates different time zones". BBC News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2006-11-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ S. Muthiah (2012-09-24). "A matter of time". The Hindu (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2002-03-24. Nakuha noong 2006-11-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2002-03-24 sa Wayback Machine. - ↑ "Standard Time for Different Regions". Department of Science and Technology (sa wikang Ingles). 22 Hulyo 2004. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Setyembre 2007. Nakuha noong 25 Nobyembre 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "A matter of time". National Resource Centre for Women (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Marso 2006. Nakuha noong 25 Nobyembre 2006.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2006-03-19 sa Wayback Machine. - ↑ Rahul Karmakar (24 Setyembre 2012). "Change clock to bagantime". Hindustan Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2011. Nakuha noong 22 Setyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2011-06-06 sa Wayback Machine. - ↑ "Gogoi for separate time zone for Assam - Times of India". The Times of India (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-05-10.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 12.0 12.1 "India could get second time zone with Assam one hour ahead". ndtv.com (sa wikang Ingles).
- ↑ "Government assessing feasibility of different time zones in India". The Economic Times (sa wikang Ingles). 2017-06-22. Nakuha noong 2017-08-18.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)