Ikatlong Krusada
Ang Ikatlong Krusada | |||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Mga Krusada | |||||||||
The Siege of Acre was the first major confrontation of the Third Crusade | |||||||||
| |||||||||
Mga nakipagdigma | |||||||||
| |||||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||||
Crusaders |
Saracens | ||||||||
Lakas | |||||||||
English: 8,000 men[1] French: 2,000 men[2] Germans: 100,000 men[2] | Unknown |
Ang Ikatlong Krusada (1189–1192) na kilala rin bilang Krusada ng mga Hari ang pagtatangka ng mga pinunong Europeo na muling masakop ang Banal na Lupain mula kay Saladin(Ṣalāḥ ad-Dīn Yūsuf ibn Ayyūb). Ito ay malaking tagumpay ngunit nagkulang sa huling layunin nito na muling masakop ang Herusalem. Pagkatapos ng pagkabigo ng Ikalawang Krusada, ang dinastiyang Zengid ay kumontrol sa isang pinag-isang Syria at lumahok sa isang alitan sa mga pinuno ng dinastiyang Fatimid ng Ehipto na humantong sa pagkakaisa ng mga pwersang Ehipsiyo at Syrian sa ilalim ng pamumuno ni Saladin na ginamit ang mga ito upang paliitin ang mga estadong Kristiayno at muling mabihag ang Herusalem noong 1187. Sa kanilang kasigasigang relihiyoso, winakasan nina Henry II ng Inglatera at Philip II ng Pransiya ang kanilang alitan at namuno sa isang bagong krusada(bagaman ang kamatayan ni Henry noong 1189 at naglagay sa kontinhenteng ingles sa ilalim ng pamumuno ni Richard Lionheart). Ang matandang Banal na Emperador Romanong si Frederick Barbarossa ay tumugon sa pagtawag sa digmaan at nanguna sa isang malaking hukbo sa buong Anatolia. Gayunpaman, siya ay nalunod at namatay sa Asya menor noong Hunyo 10, 1190 bago makarating sa Herusalem. Ang kanyang kamatayan ay nagsanhi ng pinakamalaking kalungkutan sa mga nagkrusadang Aleman. Ang karamihan ng kanyang mga napanghinaan ng loob na hukbo ay umuwi sa kanilang mga tahanan. Pagkatapos ng pagtataboy sa mga Muslim mula sa Acra, ang kahalili ni Frederick na si Leopold V ng Austria at Philip ay lumisan sa Banal na Lupain noong Agosto 1191. Nabigo si Saladin na talunin si Richard sa anumang mga digmaan at nakuha ni Richard ang ilang mga mahahalagang siyudad na pang-baybayin. Gayunpaman, noong Setyembre 2, 1192, ginawang pinal ni Richard ang isang kasunduan kay Saladin kung saan ang Herusalem ay mapapasailalim ng kontrol ng mga Muslim ngunit pumapayag rin sa mga walang sandatang Kristiyanong mga pilgrim at mangangalakal na bumisita sa Herusalem. Nilisan ni Richard ang Banal na Lupain noong Oktubre 9. Ang mga tagumpay ng Ikatlong Krusada ay pumayag sa mga nagkrusada na panatilihin ang malaking kaharian batay sa Cyprus at baybaying Syrian. Gayunpaman, ang pagkabigo na muling mabihag ang Herusalem ay humantong sa pagtawag ng Ikaapat na Krusada pagkatapos ng anim na taon.