Operasyong Ten-Go
Operasyong Ten-Go 天號作戰 o 天号作戦 | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng Teatrong Pasipiko ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig | |||||||
Nasa ilalim ng pag-atake ang Yamato. Isang malaking sunog ang nagaganap sa apto ng superestruktura ng barko at kasalukuyang lumulubog dahil sa pag-atake ng mga torpedo. | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Estados Unidos | Imperyo ng Hapon | ||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
Marc A. Mitscher |
Seiichi Itō † Keizō Komura Kosaku Aruga † | ||||||
Lakas | |||||||
Task Force 58: 11 aircraft carrier 386 aircraft 6 battleship 11 cruiser Ilang destroyer |
Ikalawang Boke, Pinagsamang boke: 1 battleship 1 light cruiser 8 destroyer 115 aircraft, karamihan kamikaze | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
Pag-atake sa Yamato : 12 ang napatay Pag-atake ng mga kamikaze: 227 kabuuan kasama ang 65+ namatay Isang carrier ang bahagyang nasira Isang battleship ang bahagyang nasira Isang destroyer ang lubhang nasira |
Yamato: 3,700–4,250 ang napatay[1] Kamikaze: 100 aircraft ang nasira, 100+ ang namatay |
Ang Operasyong Ten-Go (天號作戰 (Kyūjitai) o 天号作戦 (Shinjitai) Ten-gō Sakusen) ay ang huling pangunahing operasyong pandagat ng mga Hapones sa Teatrong Pasipiko ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Operasyong Heaven One at Ten-ichi-gō ang ibang pamagat ng operasyong ito.
Noong Abril 1945, umalis ng Hapon ang Hapones na battleship, ang Yamato (ang pinakamalaking battleship sa buong mundo) kasama ang siyam na iba pang barkong pandigma ng mga Hapon para gawin ang isang napakadelikadong pag-atake at pagdepensa dahil sa pag-atake ng mga pwersang alyado sa Labanan sa Okinawa. Subalit, inatake kaagad ang pwersang Hapones ng mga sasakyang panghimpapawid mula sa Estados Unidos na nagresulta sa pagkaambala at hindi pagkakaabot sa Okinawa. Sanhi nito, lumubog ang Yamato at lima pang barkong pandigma ng Hapon.
Ipinakita sa labanang ito ang pamamayani ng mga Amerikano sa himapapawid sa Teatrong Pasipiko at ang panganib ng mga barkong ibabaw na walang depensang panghimpapawid sa pag-atake mula sa himapapawid . Ipinakita rin ng labanang ito ang kagustuhan ng Hapon na magsakripisyo ng malaking bilang ng kanilang mamamayan sa pamamagitan ng pag-atakeng kamikaze na may layuning pabagalin ang pagabanse ng mga alyado sa kapuluang Hapones.
Mga sanhi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagsisimula ng 1945, pagkatapos lamang ng kampanya sa Kapuluang Solomon, ang Labanan sa Dagat Pilipinas at ang Labanan sa Golpo ng Leyte, nabawasan ng malaki ang kinikilalang malakas na pinagsamang boke ng Hukbong Pandagat ng Imperyo ng Hapon sa iilang magagamit na barkong pandigma, sasakyang panghimpapawid at ilang bihasang tao na lamang. Karamihan sa mga natitirang barkong pandigma ng Hapon sa pinagsamang boke ay makikita na lamang sa mga daungan ng Hapon, karamihan sa mga malalaking barkong pandigma ay makikita sa daungan ng Kure, Hiroshima.[2]
Dahil sa matagumpay na pagsalakay ng mga Alyado sa Saipan at Iwo Jima, sinimulan na nila ang kampanya laban sa kapuluang Hapones. Bilang pagsunod sa itinakda bago ang pinaplanong pagsalakay sa kapuluan, sinalakay nila ang Okinawa noong 1 Abril 1945. Noong Marso, sa isang pagpupulong kay Emperador Hirohito upang labanan ang inaasahang pagsalakay sa Okinawa, ipinapaliwanag ng mga pinuno sa militar ng Hapon na binabalak ng Hukbong Sandatahan ng Imperyo ng Hapon ang malawakang pagsalakay mula sa himpapawid, kasama na ang paggamit ng kamikaze. Sumagot ang emperador, "Subalit paano na ang sa Hukbong-dagat? Ano ang gagawin nila upang sumaklolo sa pagsalakay sa Okinawa? Mayroon pa ba tayong sapat na barko?". Dahil sa nararamdamang hapit mula sa pagilanglang ng emperador na magkaroon din ng ilang pagsalakay, naisip ng mga kumander ng Hukbong Hapones ang isang misyong kamikaze para sa kanilang natitirang malalaking barkong pandigma, kasama na dito ang battleship Yamato.[3]
Tinawag ng natapos na plano—nagawa sa ilalim ng direksiyon ng Punong Kumander ng Pinagsamang Boke na si Admiral Toyoda Soemu[4]—ang Yamato at ang kanyang mga kasama para atakihin ang boke ng Estados Unidos na sumusuporta sa katihan ng Estados Unidos na makikita sa kanluran ng pulo. Pupunta ang Yamato at ang kanyang mga kasama sa Okinawa at dadaong sa dalampasigan sa pagitan ng Higashi at Yomitan at lalaban bilang bateryang dalampasigan hanggang sila ay masira. Kapag nasira na, ang mga taong nakaligtas sa barko ay dapat lisanin ang barko at labanan ang mga sundalong Amerikano na nasa lupa. Kahit na nasabing magkakaroon ng pananggalang sa himpapawid para protektahan ang mga barko, hindi pa rin ito natupad kaya hindi nila kinaya ang mga pag-atake mula sa mga eroplanong galing sa tropang Amerikano.[3] Sa paghahanda para sa pagsasagawa ng plano, umalis ang mga barko sa Kure papuntang Tokuyama, Yamaguchi, at dumaan sa Mitajiri, Hapon, noong Marso 29.[5] Subalit, kahit na sinunod nila ang kautusan para paghandaan ang misyon, patuloy pa ring tumatanggi si Bise-Admiral Seiichi Itō—ang kumander ng pwersang Ten-Go—na gawin ang plano dahil sa kanyang paniniwalang mawawalan lamang ng saysay at nakakapanghinayang ang misyong ito.[6]
May ilang kumander ng Hukbong Pandagat ng Imperyo ng Hapon ang mayroong negatibong opinyon tungkol sa operasyong ito, sa paniniwalang magsasayang lamang ito ng buhay at gasolina. Kritikal na si Kapitan Atsushi Ōi—na siya namamando ng mga kasama ng Yamato—nang malipat ang lahat ng mga gasolina at yaman sa kanyang operasyon. Nang sinabi sa kanya ang layunin ng kanyang operasyon ay "ang tradiyon at dangal ng Hukbong Pandagat," sumigaw siya:[7]
Ang digmaan ito ay para sa ating bansa at bakit mas dapat bigyang respeto ang ating "bokeng pangibabaw"? Sinong mangengealam ng kanilang dangal? Mga inutil!
- (Tumutukoy ang "bokeng pangibabaw" sa mga kapital na barko, partikular na ang mga battleships na "dapat nanalo sa digmaan".)
Lumipad si Bise Admiral Ryūnosuke Kusaka mula Tokyo noong Abril 5 papuntang Tokuyama para sa huling pagkumbinse sa mga nagpupulong na kumander ng Pinagsamang Boke—kasama na si Admiral Itō—na tanggapin na ang plano. Nang una nilang marinig ang minumungkahing plano (nanatili itong sikreto sa ibang kasamahan nila), sinamahan ng mga kumander at kapitan ng Pinagsamang Boke si Admiral Itō sa pagtalima nito para sa parehong dahilan na kanyang sinabi. Ipinaliwanag ni Admiral Kusaka na makakatulong ang pag-atake ng hukbong pandagat na ilihis ang mga sasakyang panghipapawid ng Estados Unidos paalis mula sa pinaplano ng katihan na mga pag-atakeng kamikaze sa boke ng Estados Unidos sa Okinawa. Ipinaliwanag din niya na umaasa ang mga pinuno ng Hapon, kasama na ang emperador, sa hukbong pandagat na gagawin nila ang kanilang makakaya na suportahan ang depensa sa Okinawa.
Nang marinig nila ito, nagbago bigla ang pag-iisip ng Pinagsamang Boke at tinanggap ang minumungkahing plano. Agad na binigyan ng mga tagubilin ang mga tripulante ng barko sa kung ano ang kanilang misyon at binigyan ng pagkakataon na limisan kung gugustuhin nila—subalit walang gumawa nito. Ngunit, inutusan ang 80 tripulante ng barko na baguhan, may sakit na lumisan na sa barko .[8] Sinimulan ng mga tripulante ang mga huling minutong pagsasanay para paghandaan ang misyong ito, kadalasang nilang hinahanda ang mga pamamaraan sa pagkontrol sa pinsala.[9] Noong hatinggabi, nilagayan na nang gasolina ang mga barko. Samantalang iniulat, sa isang sikretong pagsuway sa utos na dapat bigyan lamang ng sapat na gasolina ang mga barko para maabot ang Okinawa, ibinigay ng mga tauhan ng Tokuyama sa Yamato at iba pang mga barko ang lahat ng mga natitirang gasolina sa pantalan, kahit na hindi na ito sasapat para sila makabalik ng Hapon mula Okinawa.[10]
Labanan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 16:00 ng Abril 6, umalis na ang Yamato, nasa loob nito si Admiral Ito , ang light cruiser Yahagi at walong destroyer para simulan ang kanilang misyon.[11] Nakita ng dalawang submarino—ang USS Threadfin at Hackleback—ang mga pwersang Hapones na patungong Bungo Suido. Kahit na hindi sila makaatake (dahil sa bilis ng mga barko), sinusundan naman nila ang umaatakeng Hapones at nagpapadala ng mga balita sa boke ng Estados Unidos. Nakuha rin ng mga nagpaandar ng radyo ng mga barkong Hapones ang mga mensahe mula sa mga submarino, na kung saan ay naiulat na hindi nakakodigo.[12]
Noong gabi, pangpulong ang lahat ng mga tauhan ng Yahagi para marinig ang pagbabasa ni Kapitan Hara ng mensahe ni Admiral Soemu Toyoda:
“Maglulunsad ng isang opensiba ang Hukbong Pandagat kontra sa mga kalaban sa Okinawa, nang may buong kooperasyon ng lahat ng pwersang pandagat ng hukbong katihan na ilagay lahat ng kanilang pagpupunyagi sa operasyong ito para baliktarin ang sitwasyon ng laban.
Inaasahan na ang lahat ng mga tauhan at sundalo ay lalaban para panghawakan ang espirito at pabaksakin ang kalaban, para ang habangbuhay na magkaroon ng bagong pagasa ang ating bansa, at para sa kinabukasan ng bansa.[13]”
At dagdag pa ni Kapitan Hara:
“Matapos ninyong marinig ang espesyal na menasahe ng ating punong kumandante, gusto ko lamang magdagdag ng ilang mahahalagang salita tungkol sa ibinigay sa ating tungkulin. Sa pagkakaalam ninyo, ilang daang sundalo natin ang nakabalik sa kanilang laban. Ilang daan din ang handang sumakay sa isang submarinong magpapatiwakal. Ilang libo ring sundalo ang magpapatakbo ng mga sasakyang panghimpapawid na may sumasabog na torpedo at papabaksakin sa mga sasakyang pandagat ng mga kalaban.
Ang ating trabaho, sa gagampanin nating tungkulin, ay ang ipamahagi ang katapangan sa ating mga kakampi. Mukhang pagpapatiwakal ang ating gagawin, at ito nga ang katotohanan. Subalit, gusto ko lamang ipabatid sa inyo na hindi ito ang ating dahilan. Manalo ang ating layunin. Huwag magalinlangan na protektahan ang kanilang mga buhay. Tatangkain nating labanan ang mga kaaway ngunit hindi ang magbuwis ng buhay.
[...] At kapag nakikita na nating papalubog na ang barko, maaari ninyong iligtas ang mga sarili ninyo dahil matatalo na tayo sa labanang ito. Uulitin ko lamang na ang ibinigay na gampanin sa inyo ay hindi isang pagpapatiwakal bagkus talunin ang ating kalaban.[14]”
Noong madaling araw ng ikapito ng Abril, dumaan ang pwersang Hapones sa Tangway ng Ōsumi papunta sa bukas na dagat patimog mula Kyūshū patungong Okinawa. Nagpalit sila sa depensibong talatag, na kung saan nangunguna si Yahagi mula sa Yamato at nakakalat ang walong destroyer sa singsing na nakapalibot sa dalawang malaking barko, na may layong 1,500 m (1,600 yd) mula sa bawat isa at umaandar sa bilis na 20 kn (23 mph; 37 km/h).[15] Isa sa mga Hapones na destroyer—ang Asashimo—ang nagkaroon ng diperensiya sa makina at kinakailangang bumalik. Nagsimula namang bumuntot ang mga eroplanong rekurida ng Estados Unidos sa pangunahing pwersa ng mga barko. Noong 10:00, kumanluran ang pwersang Hapones upang magmukhang susuko na sila, ngunit noong 11:30, pagkatapos na makita ng dalawang Amerikanong PBM Mariner na lumilipad na bangka pinaputukan ng Yamato ng isang salvo sa kanyang prowang baril na may habang 460 mm (18.1 pul) gamit ang espesyal na "beehive shells" (三式焼散弾 (san-shiki shōsan dan) subalit hindi nito napigilan ang dalawang eroplano na sumunod sa kanila), bamalik sila papuntang Okinawa.[8]
Nang matanggap ang ulat noong ikapito ng Abril, inutusan kaagad ng komander ng Ikalimang Boke ng E.U. na si Admiral Raymond Spruance ang Pwersang Layunin 54, sa ilalim ng pamumuno ni Admiral Morton Deyo at binubuo ng mga beteranong battleship (na kung saan ay sumabak na sa pambobomba sa pampang), para sabatin at sirain ang pwersang Hapones. Gumalaw agad si Deyo at isinagawa ang kautusan, subalit winalambahala ni Bise Admiral Marc A. Mitscher, na siyang namuno sa Pwersang Layunin 58 (TF 58), sina Spruance at Deyo sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang matinding pag-atake sa himpapawid mula sa kanyang mga barkong dagapagdala, nang wala man lang pagpapalam kay Spruance hanggang sa pagkatapos ng mga paglunsad.[16]
Noong mga 10:00 ng ikapito ng Abril, sinimulan na nang Pwersang Layunin 58.1 at 58.3 (TG 58.1 and 58.3) ang paglulunsad sa humigit kumulang 400 sasakyang lumilipad sa maramihang alon mula sa walong barkong tagapagdala (TG 58.1: USS Hornet, USS Bennington (CV-20), Belleau Wood, San Jacinto; TG 58.3 USS Essex, Bunker Hill, Hancock at Bataan) na makikita lamang sa silangan ng Okinawa. Binubuo ng nga sasakyang lumilipad ang F6F Hellcat at eroplanong pandigmang F4U Corsair, sumisisid na tagapagbombang SB2C Helldiver, at tagapagbomba ng torpedo TBF Avenger. Pagkatapos malaman ang paglulunsad ni Mitscher, sinangayunan ni Spruance na ang mga pag-atake sa himpapawid ay maaring magpatuloy na naaayon sa pinagkasunduan. Bilang pasumala, inutusan ni Spruance si Admiral Deyo na bumuo ng isang pwersang bubuuin ng anim na battleship (USS Massachusetts, Indiana, New Jersey, South Dakota, Wisconsin, at Missouri), kasama ang pitong cruiser (kasama ang USS Alaska at Guam) at 21 destroyer, at para maghanda sa isang aksiyong pangibabaw laban sa Yamato kapag pumalya ang mga pagatake sa himpapawid.[18][19]
Noong 11:00, nakarating ang unang Amerikanong sasakyang panghimpapawid sa ibabaw ng Yamato; ito ay ang F6F Hellcat at F4U Corsair, na kung saan ay nabigyan ng utos na labanan ang mga sasakyang panghimpapawid ng mga Hapon na maaaring magprotekta sa mga barko nito. Subalit wala silang nakita.[20]
Magmulang kitang-kita na ang mga pwersang Hapones ay walang proteksiyon sa himpapawid, naghanda kaagad ang mga sasakyang panghimpapawid ng E.U. para umatake ng wala nang pangamba mula sa mga sasakyang panghimpapawid ng mga Hapones. Nagpangkat kaagad ang mga tagapagbomba ng torpedo at bomba ng E.U. nang dumating na sila sa Yamato—pagkatapos ng dalawang oras na paglipad mula Okinawa—para maikutan nila ang ayos ng mga barkong Hapones at malagpasan ang ranggo ng kontra sa sasakyang panghimpapawid para makapaghanda sa kanilang pagatake sa ilalim ng mga baerkong pandigma.[8] Nagsimula ang unang alon ng mga sasakyang panghimpapawid ng E.U. mula sa sasakyang tagapagdala noong 12:30. Binilisan naman ng mga barkong Hapones ang kanilang bilis sa 25 kn (29 mph; 46 km/h), sinimulan ang mailap na maneobra, at tumirang wlang humpay gamit ang kanilang mga baril kontra sa sasakyang panghimpapawid. Nagdadala ang Yamato ng humigit kumulang 150 baril kontra sa sasakyang panghimpapwid, kasama na ang kanyang malaking baril na may laking 460 mm na maaaring bumaril ng espesyal na batotoy kontro sa sasakyang panghimpapawid na "Parehong Kaurian 3".[21] Pangunahing tinitira ng mga sasakayng tagapagdala ng torpedo ang bahaging daungan upang mapabilis ang paglubog ng tinitirang barko, kung sakaling tumama lahat ng torpedong kanilang tinitira.[22]
Noong 12:46, direktang tumama ang isang torpedo sa kwartong pangmakina ng Yahagi, na pumatay ng lahat ng tao sa kwartong panginhinyeryo at naging kadahilanan ng kanyang paghinto. Tinamaan pa ang Yahagi ng hindi bababa sa anim na torpedo at 12 bomba sa magkakasunod na alon ng pagatake sa himpapawid. Sinubukan ng isang Hapones na destroyer, ang Isokaze, na lumapit at tulungan ang Yahagi subalit inatake rin, mabigat na tinamaan, at napaloob sa ilang saglit lamang. Tumigil at lumubog ang Yahagi noong 14:05.[24]
Habang ginaganap ang unang alon ng pag-atake, kahit na nagkaroon ng mailap na maneobra na nagsanhi sa mga torpedo at bomba na pumalya, tinamaan pa rin ang Yamato ng dalawang bombang armor-piercing at isang torpedo.[25] Hindi naapektuhan ang kanyang bilis, ngunit isa sa mga bomba ang nagsimula ng isang sunod apto sa kanyang superestrukta na hindi na naapula . Karagdagan, habang ginaganap din ang unang alon ng pag-atake, mabigat na tinamaan ang mga destroyer ng Hapon na Hamakaze at Suzutsuki at inialis na lamang na lamang. Subalit lumubog din ang Hamakaze kinalaunan.[23]
Sa pagitan ng 13:20 at 14:15, umatake na ang ikalawa at ikatlong alon ng mga sasakyang panghimpapawid ng E.U. na pangunahing puntirya ay ang Yamato. Sa oras na ito, tinamaan na ang Yamato ng hindi bababa sa wlang torpedo at 15 bomba. Nasira ng mga bomba ang hilagang bahagi ng barko, kasama na ang pagpapawalang kuryente sa baril pangdirektor at napwersa ang mga baril kontra sa sasakyang panghimpapawid na isahang paganahin at paputikin ito, na nakapagbababa sa kanilang mabisang paggamit.[26] Nagsanhi ang mga pagtama ng mga torpedo—na karamihan ay tumama sa lahat ng daungang bahagi nito—ng paglilista ng Yamato na maaari na silang lumubog.[27] Nasira na rin ang estasyon ng pagkontrol sa pagsira ng tubig na nagsanhi na maging imposible na ang kontrahin ang baha sa mga espesyal na lugar sa katawan ng barko para kontrahin ang pagkasira ng hull. Noong 13:33, sa isang desperadong hakbang para mapanatili na hindi lumubog ang barko, kinontra ng pangkat ng mga kumokontrol sa baha ng Yamato at pinapunta ito sa makinang kanang barko at kwarto ng pagpapakulo. Pinausbong nito ang panganib at nilagay sa pagkalunod ang ilang daang tauhan na nagpapatakbo sa estasyon, na wala man lang ibinibigay na paalala na ang kanilang mga kwarto ay mapupuno na nang tubig.[28][29] Naging sanhi ng pagkawala ng makinang kanang barko—kasama na ang bigat ng tubig—ang pagkabagal ng Yamato sa 10 kn (12 mph; 19 km/h).[30]
Dahil sa pagbagal ng Yamato at kung kaya madali na ito tirahin, itinuon ng mga sasakyang tumitira ng torpedo ng E.U. ang kanyang timon at hulihang bahagi ng barko para maapektuhan ang pagpapaliko at pagpapabilis sa barko, na kung saan ay patuloy nilang ginagawa.[31] Noong 14:02, pagkatapos masabihan na hindi na kayang palikuin at pabilisin ang barko at hindi na maiiwasang lumubog ito, agad na kinansela ni Admiral Ito ang misyon, ang mga tauhan para iwanan na ang barko, at simulan na nang mga natitirang barko na sumagip ng mga nakaligtas.[23] Gumamit ang Yamato ng watawat na pagsenyas sa iba pang na titirang barko dahil ang kanyang mga radyo ay nasira na.[32]
Noong 14:05, napatigil na ang Yamato sa tubig at nagsisimula nang tumaob. Tumanggi sina Admiral Ito at Kapitan Aruga na iwan ang barko kasama ang ilang nakaligtas. Noong 14:20, tumaob na ang Yamato at nagsisimula nang lumubog (30°22′N 128°04′E / 30.367°N 128.067°E). Noong 14:23, nagkaroon ng isang malaking pagsabog sa Yamato na kung saan ay napaulat na narinig at nakita sa layong 200 km (110 nmi; 120 mi) mula Kagoshima at nakabuo ng ulap na may hugis kabute na may taas na 20,000 tal (6,100 m).[33] Sinasabing napapaba nito ang ilang sasakayang panghimpapawid ng E.U. na nagoobserba sa kanya habang sumasabog.[33] Pinaniniwalaan na nagsimula ang pagsabog nang nasindihan ng sunog ang mga bomba na nakaabot sa pangunahing magasin.[34]
Nang sinubukang bumalik sa daungan, binomba at pinalubog ang Hapones na destroyer, ang Asashimo, nga mga sasakyang panghimpapawid ng E.U.. Binaldado rin ang isang Hapones na destroyer, ang Kasumi, ng mga sasakyang panghimpapawid mula sa barkong tagapagdala ng E.U. habang nagaganap ang labanan at binuntutan ng iba pa, na naging sanhi na maging isa siya sa mga barkong Hapones na destroyer na hindi nagkaroon ng pinsala. Nagawa naman ng Suzutsuki—kahit na pinasabog ang kanyang prowa—na makabalik sa Sasebo, Japan, sa pamamagitan ng pagpapaandar papatalikod.[23]
Nagawa namang magligtas ng 280 na nakaligtas mula sa Yamato (nagiiba ang iba pang sanggunian sa bilang ng mga tauhan ng Yamato sa pagitan ng 2,750 at 3,300) ang tatlong Hapones na destroyer na walang natamong pinsala (Fuyuzuki, Yukikaze, at Hatsushimo), dagdag pa ang 555 nakaligtas mula sa Yahagi (mula sa 1,000 tauhan) at humigit 800 nakaligtas mula sa Isokaze, Hamakaze, at Kasumi. Sa pagitan naman ng 3,700 at 4,250 na tauhang pangnabal ng Hapon ang namatay sa labanan.[23][35] Dinala ng mga barkong ito ang mga nakaligtas sa Sasebo.[36]
May kabuuang sampung sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos ang napabaksak ng mga baril kontra sa mga sasakyang pnghimpapawid ng mga barkong Hapones, ilan sa mga tauhan mula sa sasakyang ito ay nailigtas ng sasakyang pangdagat o submarino. Sa kabuuan, 12 Amerikano ang nagbuwis ng buhay sa operasyong ito. Inuiulat naman ng ilang nakaligtas na Hapones na tinitira pa rin ng ilang sasakayng panghimpapawid ng E.U. ang mga Hapones na nakalutang sa tubig.[37][38] Iniulit din ng ilang Hapones na nakaligtas na itinigil pansamantala ng mga sasakyang panghimpapawid ng E.U. ang pagpapaputok sa mga Hapones na destroyer na nagsisimulang kumuha ng mga nakaligtas mula sa tubig.[39]
Habang nagaganap ang laban, nagsagawa naman ng pagsalakay sa himpapawid ang Katihan ng Hapones sa bokeng nabal ng E.U. sa Okinawa bilang pagtugon sa napagkasunduan, subalit pumalya na makapagpalubog ng ilang barko. Inatake ng humigit kumulang 115 sasakyang panghimpapawid—karamihan sa kanila ay kamikaze—ang mga barko ng E.U. sa buong araw ng ikapito ng Abril. Tinamaan ng mga sasakyang panghimpapawid na gumamit ng Kamikaze ang USS Hancock, battleship na USS Maryland, at destroyer na USS Bennett, na nagsanhi sa pagkapinsala sa Hancock at Maryland at mabigat na pinsala sa Bennett. Humigit kumulang 100 sa mga Hapones na sasakyang panghimpapawid ang nasira at napabaksak.[40]
Mga kinahinatnan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Huling pangunahing operasyon ng Hukbong Pandagat ng Hapon ang Ten-Go sa digmaan, at mayroong maliit na lamang na pakikilahok ang natitirang barkong pandigma ng mga Hapones. Hindi na naayos ang Suzutsuki. Naayos naman ang Fuyuzuki subalit tinamaan niya ang isang nakatanim na mina sa Moji, Japan, noong 20 Agosto 1945, at hindi na rin naayos. Nakaligtas naman ang Yukikaze nang hindi man lang napipinsala kahit na natapos na ang digmaan. Tinamaan naman ang Hatsushimo ang isang mina noong 30 Hulyo 1945 na malapit sa Maizuru, Japan, at siya na ang ika-129, at kahuli-hulihang Hapones na destroyer na napalubog sa digmaan.[41] Maryland was kept out of the war following the kamikaze attacks.
Idineklara namang malaya ang Okinawa ng mga pwersang Alyado noong 21 Hunyo 1945,[42] pagkatapos ng isang matindi at magastos na digmaan. Sumuko ang Japan noong Agosto ng 1945, pagkatapos ng dalawang pambobomba ng atomikong sandata. Isa sa mga salik kung bakit napagdesisyonan ng mga Amerikano na gamitin ang bomba atomika sa Hapon ay ang nakikitang kagustuhan ng Hapon na magsakripisyo ng maraming tauhan nito sa pamamagitan ng paggamit ng tatktikang pagpapatiwakal tulad ng Operasyong Ten-Go at ang Labanan sa Okinawa, na kung saan ay nagsimula noong Labanan sa Golpo ng Leyte.[43]
Iginagalang naman ang kuwento ng Operasyong Ten-Go sa ilang antas bilang ebidensiya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kuwento sa kulturang Hapones na kung saan ay inilalarawan ang kaganapan bilang isang matapang, hindi makasarili, subalit walang katuturan, simbolikong pagpupunyaging pakikisangkot ng mga Hapones na protektahan ang kanilang bansa.[44] Isa sa mga dahilan kung bakit mahalaga ang pangyayaring ito sa kulturang Hapones ay ang paggamit sa Yamato bilang poetikong pangalan sa Hapon. Kaya, ang pagkatapos ng Yamato ay magsisilbing katapusan ng Emperyong Hapones.[45]
Tignan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Talababa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Initala ng Jentshura at CombinedFleet.com. Abe, Saburo, at ang Tokko Yamato Kantai (The Special Attack Fleet Yamato)", Kasumi Syuppan Co. 1995, isang librong Hapones na hindi pa naisasalin sa Ingles o Filipino, ang mga namatay sa operasyon: Yamato- 3056 ang namatay, 276 ang nakaligtas; Yahagi- 446 ang namatay; Isokaze- 20 namatay; Hamakaze- 100 namatay; Yukikaze- 3 namatay; Kasumi- 17 namatay; Asashimo- 326 ang namatay (lahat); Fuyuzuki- 12 namatay; Suzutsuki- 57 namatay.
- ↑ Hara, Japanese Destroyer Captain, 274.
- ↑ 3.0 3.1 Feifer, The Battle of Okinawa, 7.
- ↑ Minear, Requiem, xiii.
- ↑ Yoshida, Requiem, 6–7.
- ↑ Yoshida, Requiem, 62.
- ↑ Atsushi Ōi, Kaijō Goeisen.
- ↑ 8.0 8.1 8.2 Hara, Japanese Destroyer Captain, 277.
- ↑ Yoshida, Requiem, 15.
- ↑ Spurr, A Glorious Way to Die, 162–165.
- ↑ Yoshida, Requiem, 30.
- ↑ Skulski, The Battleship Yamato, 12. Walong Hapones na destroyer ang kasangkot sa operasyon: Isokaze, Hamakaze, Yukikaze, Kasumi, Hatsushimo, Asashimo, Fuyuzuki at Suzutsuki.
- ↑ Tameichi Hara Yamamoto 1974, p. 233
- ↑ Tameichi Hara Yamamoto 1974, p. 233,234
- ↑ Yoshida, Requiem, 47–49.
- ↑ Tagumpay sa Pasipiko ni E.B. Potter, kasama rin ang Kasaysayan ng mga Operasyon ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ni Samuel Elliot Morrison.
- ↑ 17.0 17.1 17.2 Nova: Sinking the Supership.
- ↑ Order of Battle - Final Sortie of the Imperial Japanese Navy - 7 Abril 1945
- ↑ Pinag-aralang mabuti nina Garzke at Dulin na maaaring manalo ang mga Alyado laban sa pagitan ng dalawang pwersang pangibabaw, subalit magkakaroon ng malaking gastos dahil sa lakas ng Yamato laban sa mga battleship ng Amerikano sa pwersang panira (460 mm laban sa 356 mm), sandata at bilis (27 knot (50 km/h; 31 mph)) laban sa 21 knot (39 km/h; 24 mph). (Garzke at Dulin (1985)), p. 60.
- ↑ Garzke at Dulin (1985), pp. 60–61.
- ↑ Yoshida, Requiem, 62–64.
- ↑ Yoshida, Requiem, 74.
- ↑ 23.0 23.1 23.2 23.3 23.4 CombinedFleet.com
- ↑ Hara, Japanese Destroyer Captain, 298.
- ↑ Yoshida, Requiem, 66.
- ↑ Yoshida, Requiem, 78.
- ↑ Yoshida, Requiem, 80.
- ↑ Yoshida, Requiem, 82.
- ↑ Feifer, Ang Labanan sa Okinawa, 17–25.
- ↑ Yoshida, Requiem, 83.
- ↑ Yoshida, Requiem, 95–96.
- ↑ Yoshida, Requiem, 108.
- ↑ 33.0 33.1 Yoshida, Requiem, 118.
- ↑ Skulski, The Battleship Yamato, 13.
- ↑ Sinasabi naman ni Jentshura, p. 39 na may 2,498 na tauhan ang namatay sa Yamato. Ayon naman sa CombinedFleet.com, may 3,063 ang namatay sa Yamato. Isang posibleng dahilan kung bakit hindi tumutugma ang mga impormasyon dahil sa komplemento ng kabuuang tauhan na hindi naisama sa talaan mayroon si Admiral Itō. Inisa-isa naman ng Abe, Saburo, Tokko Yamato Kantai (The Special Attack Fleet Yamato)", Kasumi Syuppan Co. 1995, isang librong Hapones na hindi pa naisasalin sa Ingles o Filipino, ang mga namatay sa operasyon: Yamato- 3056 na namatay, 276 ang nakaligtas; Yahagi- 446 na namatay; Isokaze- 20 nakaligtas; Hamakaze- 100 namatay; Yukikaze- 3 nakaligtas; Kasumi- 17 namatay; Asashimo- 326 ang namatay (lahat); Fuyuzuki- 12 namatay; Suzutsuki- 57 namatay.
- ↑ Yoshida, Requiem, 140.
- ↑ "At sinimulan na ngang pagbabarilin ng mga Amerikano ang mga taong nakalutang, kaya kinakailangan namang sumisid sa ilalim." Naoyoshi Ishida; Keiko Bang (2005). "Survivor Stories: Ishida". Sinking the Supership. NOVA.
{{cite web}}
: Unknown parameter|month=
ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hara, Japanese Destroyer Captain, 301.
- ↑ Yoshida, Requiem, 144.
- ↑ Hara, Japanese Destroyer Captain, 304.
- ↑ Hara, Japanese Destroyer Captain, 281.
- ↑ Minear, Requiem, xiv.
- ↑ Feifer, Ang Labanan sa Okinawa, 410–430.
- ↑ IMDB.com (1990–2009). "Uchû senkan Yamato". Internet Movie Database. Nakuha noong 26 Marso 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link); IMDB.com (2005). "Otoko-tachi no Yamato". Internet Movie Database. Nakuha noong 26 Marso 2009.{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Minear, Requiem, xvii.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Feifer, George (2001). "Operation Heaven Number One". The Battle of Okinawa: The Blood and the Bomb. The Lyons Press. ISBN 1-58574-215-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Garzke, William H.; Dulin, Robert O. (1985). Battleships: Axis and Neutral Battleships in World War II. Annapolis, Maryland: Naval Institute Press. ISBN 0-87021-101-3. OCLC 12613723.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Hara, Tameichi (1961). "The Last Sortie". Japanese Destroyer Captain. New York & Toronto: Ballantine Books. ISBN 0-345-27894-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) A first-hand account of the battle by the captain of the Japanese cruiser Yahagi. - Jentschura, Hansgeorg; Dieter Jung and Peter Mickel (1977). Warships of the Imperial Japanese Navy, 1869–1945. Annapolis, Maryland: United States Naval Institute. ISBN 0-87021-893-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Ōi, Atsushi (1992). Kaijo Goeisen. Asahi Sonorama. ISBN 4-05-901040-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Skulski, Janusz (1989). The Battleship Yamato. Annapolis, Maryland: Naval Institute Press. ISBN 0-87021-019-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Spurr, Russell (1995). A Glorious Way to Die: The Kamikaze Mission of the Battleship Yamato, Abril 1945. Newmarket Press. ISBN 1-55704-248-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - Yoshida, Mitsuru; Richard H. Minear (1999). Requiem for Battleship Yamato. Annapolis, Maryland: Naval Institute Press. ISBN 1-55750-544-6.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) A first-hand account of the battle by Yamato's only surviving bridge officer.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- "navweaps.com: Utos ng Labanan".
- "CombinedFleet.com: Pagkasunod-sunod na kasaysayan ng Yamato at ang kanyang mga aksiyong habang nagaganap ang Ten-Go".
- "NOVA documentary: Paglubog ng Malaking Barko". Ang opisyal na sayt ng dokumentaryong NOVA na may karagdagang impormasyon sa paksa.
- Labanan noong 1945
- Hapon noong 1945
- Labanan ng Hukbong Pandagat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kasangkot ang Estados Unidos
- Labanan ng Hukbong Pandagat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na kasangkot ang Hapon
- Mga operasyon at labanang panghimpapawid ng hukbong pandagat
- Teatrong Pasipiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig