Norman Bethune
Norman Bethune | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Kapanganakan | Henry Norman Bethune 4 Marso 1939 Gravenhurst, Ontario, Canada | ||||||
Kamatayan | 12 Nobyembre 1939 Bayan ng Tang, Hebei, Tsina | (edad 49)||||||
Edukasyon | Unibersidad ng Toronto | ||||||
Trabaho | Doktor, siruhano | ||||||
Amo | Royal Victoria Hospital, Montreal; Hôpital du Sacré-Coeur de Montréal | ||||||
Partido | Partido Komunista ng Canada Partido Komunista ng Tsina | ||||||
Pangalang Tsino | |||||||
Tsino | 白求恩 | ||||||
| |||||||
Transkripsyon ng buong panalan | |||||||
Tradisyunal na Tsino | 亨利·諾爾曼·白求恩 | ||||||
Pinapayak na Tsino | 亨利·诺尔曼·白求恩 | ||||||
|
Si Henry Norman Bethune ( /ˈbɛθ.juːn/ Marso 4, 1890 [1] – Nobyembre 12, 1939) ay komunista at siruhanong Canadian at isa sa mga sinaunang nagsulong ng sosyalisadong kalusugan. Nakilala siya sa kanyang serbisyong medikal para sa gobyernong republikano noong giyera sibil sa Espanya at kamakalawa, para sa Ikawalong Hukbong Larangan ng Partido Komunista ng Tsina noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dinala ni Bethune ang modernong medisina sa mga kaparangan ng Tsina kung saan pareho siyang nanggamot sa mga maysakit na residente at sugatang mandirigma.
Bumuo si Bethune ng serbisyo ng paglilipat ng dugo na lumilipat-lipat sa iba't ibang pook. Namatay siya sa pagkalason ng dugo matapos niyang masugatan ang kanyang daliri habang nagsasagawa ng operasyon sa mga sugatang sundalo.[2]
Kinilala at ginunita ni Mao Zedong ang paglilingkod ni Bethune sa PKT sa pamamagitan ng isang parangal noong 1939. Ginugunita pa rin ang kanyang alaala sa Tsina magpasa-hanggang ngayon.
Pamilya at maagang yugto ng buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isinilang si Bethune sa Gravenhurst sa Ontario noong ika-4 ng Marso, 1890. Mayroon siyang dalawang kapatid.
Matapos ang maigsing panahon bilang guro sa elementarya, nag-aral siya ng pisyolohiya at biokimika sa Unibersidad ng Toronto noong 1909.[3] Pansamantala niyang hininto ang pag-aaral nang magboluntir siyang maging guro sa isang liblib na kampo ng mga mangangahoy sa lalawigan ng Sudbury.[3] Bumalik siya sa pag-aaral noong 1912 ngunit lumipat siya sa kursong medisina.[3]
Muli na naman siyang huminto sa pag-aaral nang pumutok ang Unang Digmaang Pandaigdig sa Europa at naging bahagi ng kwerpong medikal ng hukbo ng Canada. Sa Pransiya, naging tagadala siya ng langkayan ng mga sugatan at nasugatan nang mabubog ng sumabog na bomba sa Ikalawang labanan sa Ypres.[3] Nang gumaling siya mula sa kanyang pagkakasugat, bumalik siya sa Toronto upang tapusin ang kanyang pag-aaral ng medisina.[4]
Noong 1917 naman, sumali si Bethune sa Hukbong Pandagat ng Britanya bilang Tinyente-Siruhano ospital ng Chatham sa Inglatera. Nag-aral din siya sa panggagamot ng sakit ng mga bata at kalauna'y pumunta sa Edinburgh kung saan nakamit nya ang kwalipikasyong maging siruhano mula sa Royal College of Surgeons.[5] Sa isang ospital sa Toronto siya nagsimulang magsapraktika ng pagiging siruhano noong 1921.
Nagpakasal siya sa isang nagngangalang Frances Penney noong 1923 at matapos maglakbay sa Europa, ay nanahan silang mag-asawa sa Detroit, Michigan kung saan naging pribadong doktor si Bethune, kasabay ng pagtuturo ng medisina. Nang magkasakit siya ng tuberkulosis noong 1926, nagdiborsyo silang mag-asawa. Nagkabalikan sila noong 1929 subalit naghiwalay rin ulit noong 1933.
Mula 1928 hanggang 1936, pinaghusay ni Bethune ang kanyang mga kasanayan sa operasyon ng dibdib (thoracic surgery) at nakapagbuo at nagpaunlad ng mga kasangkapang ginagamit sa paninistis, isa na rito ang Bethune Rib Shears na nananatiling ginagamit hanggang ngayon.[6]
Mga gawaing pampulitika bago siya pumunta sa Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa panahon ng kanyang pagiging doktor, namulat si Bethune sa aspektong panlipunan at ekonomikal ng sakit.[7] Kinalinga ni Bethune ang mga dukha sa kasagsagan ng matinding depresyong ekonomikal na tumama rin sa Canada noong dekada 1930, kung kailan nagbigay siya ng libreng serbisyong medikal. Nagtangka rin siyang magsagawa ng ahitasyong pagmumulat sa kanyang mga kapwa doktor at nagpanawagan sa pamahalaan noong panahong iyon na magpatupad ng reporma sa serbisyong medikal at pangkalusugan.
Noong 1935, pumunta si Bethune sa Unyong Sobyet kung saan una niyang nasaksihan ang kanilang unibersal at libreng serbisyong pangkalusugan. Bunga ng karanasang ito, nahikayat siyang maging komunista at sumapi sa Partido Komunista ng Canada.
Di naglaon, nang pumutok ang digmaang Sibil ng Espanya, nagboluntaryo si Bethune para sa panig ng mga republikano noong 1936. Bumalik siya sa Canada noong 1937 upang lumikom ng pondo at magrekluta ng mga mandirigmang bluntir bilang suporta sa mga republikano.
Bago siya lumisan papuntang Espanya, isinulat ni Bethune ang sumusunod na tula na inilathala sa isang magasin noong 1937:
Maputla pa rin ang buwan ngayong gabi,
Kayhinhin gumapang, maliwanag at mataas
Salamin ng nag-aalala at nanghihinang paningin
Nakalingon sa maginaw na himpapawid ng Canada
Sa itaas ng biyak-biyak na kabundukan
Kagabi'y bumangon nang mababaw, mabalasik, at pula
Naaaninaw sa kanyang brukil na makintab
Ang mga patay na duguan ang mukha
Sa madilim na lidong, aming itataas ang aming kamao
Para sa mga walang-ngalang bangkay, muli kaming nanunumpa
"Mga kasama, kayong lumaban para sa kalayaan at hinaharap,
Kayong bumagsak, gugunitain namin kayo."
Isiniwalat din ni Bethune ang kanyang pananaw hinggil sa praktika ng medisina:[8][9][10]
Sa kaparaanang sinasapraktika natin ito, ang panggagamot ay isang napakamaluhong empresa. Ibinebenta natin ang tinapay sa presyo ng alahas... Alisin natin ang tubo, ang pribadong tubo, mula sa panggagamot at lantayin ang ating hanay mula sa pagkagahaman ng indibidwalismo... Tanungin natin ang mga mamamayan hindi ng 'Magkano ang dala mo?' kundi 'Paano namin kayo mapaglilingkuran nang husto?'
Mga gawain sa Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Libano-Amerikanong doktor na si George Hatem ang nagsilbing kontak ni Bethune sa Tsina at siyang tumulong sa kanya na makapunta roon.[11] Noong Enero 1938 naglakbay si Bethune sa Yan'an sa rehiyon ng Shanbei sa lalawigan ng Shaanxi sa Tsina. Doon siya sumapi sa mga Komunistang Tsino sa pamumuno ni Mao Zedong.
Doon, nagsagawa si Bethune mga operasyong medikal sa mga sugatan sa labanan at nagsanay rin ng mga doktor, nars, at kaakibat na mga manggagawang medikal.[12] Ginamot niya maging ang mga sugatan ng Kuomintang na kalaban ng mga komunista.[13]
Noong tag-init ng 1939 at sa kasagsagan ng pakikipaglaban ng Ikawalong Hukbong Larangan ng Partido Komunista ng Tsina sa pananalakay ng mga Hapones, naitalaga si Bethune na maging tagapayong medikal sa distrito-militar ng hangganang rehiyon ng Shaanxi-Chahar-Hebei na nasa pamumuno ng heneral na si Nie Rongzhen.[14]
Noong Oktubre 29, 1939, aksidenteng nasugatan ni Bethune ang kanyang panggitnang daliri habang tinitipon niya ang nadurog na mga buto ng isang sundalong sugatan ang binti. Makalipas ang tatlong araw, muling nabuksan ang sugat sa kanyang daliri habang nagsasagawa siya ng operasyon sa isang sundalo na may erysipelas sa leeg. Naimpeksyon ang kanyang sugat na humantong sa pagkalason ng dugo na kanyang ikinamatay noong Nobyembre 12, 1939.[15]
Sa kanyang huling habilin, pinakiusap niya ang mga sumusunod:
Mahal na Kumander Nie,
Ngayong araw, hind maganda ang pakiramdam ko. Maaaring habambuhay na akong magpapaalam sa iyo! Mangyaring pakipadalhan ng liham si Tim Buck, ang Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina. Ang patutunguhan ng sulat ay Blg. 10, Kalye Wellington, Toronto, Canada. Mangyaring bigyan din ng sipi ng liham ang Komite sa Pandaigdigang Lingap para sa Tsina at ang Alyansang Demokratiko ng Canada... Mangyaring pakibigay ang aking kamerang Kodak Retina II kay Kasamang Sha Fei.
— Norman Bethune, 04:20nh, ika-11 ng Nobyembre, 1939. [16]
Mga paggunita at pagpaparangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa Canada
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kumpara sa Tsina, hindi masyadong kilala at laganap ang gunita ni Bethune sa Canada kung saan siya isinilang. Gayunman, may mangilan-ngilang monumentong itinayo upang alalahanin ang kanyang naging ambag sa larangan ng medisina, tulad ng tansong estatwa niya sa Gravenhurst at sa lungsod ng Montréal. Noong 1976, inayos ang labi ng bahay kung saan siya isinilang at binuksan bilang museo ng Bethune Memorial House sa publiko. Pinamamahalaan ng ahensyang Parks Canada bilang pambansang makasaysayang lugar ang museo.
Sa Tsina
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman hindi siya kilala ng publiko habang siya ay nabubuhay, nakarating si Bethune sa pandaigdigang pansin nang nilathala ni Mao Zedong ang kanyang parangal na Sa Alaala ni Norman Bethune kung saan nabanggit niya ang huling mga buwan sa buhay ng doktor.[17] [18] Ang parangal na ito ay naging bahagi ng mga kailangang aralin at basahin sa mga mababang paaralan sa Tsina noong dekada 1960s at kasama pa rin sa mga batayang babasahin ng mga mag-aaral sa elementarya hanggang sa kasalukuyan:
Ang diwa ni Kasamang Bethune, ang kanyang dalisay na paglilingkod sa iba nang walang pag-iimbot, ay napakita sa kanyang dakilang paggampan sa kanyang mga tungkulin at sa kanyang mainit na pakikipagkapwa sa lahat ng mga kasama at sa mga mamamayan. Ang bawat komunista ay dapat matuto mula sa kanya. ... Lahat tayo'y dapat matutuhan ang diwa ng lubos na kawalang-kayamuan mula sa kanya. Sa pagkakaroon ng diwang ito, ang lahat ay magiging napakakapaki-pakinabang sa mga mamamayan. Ang kakayanan ng isang tao ay maaaring mataas o mababa, subalit kung siya ay may diwang [mapaglingkod na] ito, siya ay marangal at tunay, isang taong may katapatang angat sa mga mahalay na pagnanasa, isang taong mahalaga sa mga mamamayan. [19][20][21]
Noong nagsagawa ng kampanyang industriyalisasyon sa mga nayon ng Tsina na tinaguriang "Ikatlong Larangan," madalas na ipinababasa sa mga manggagawa ang parangal kay Bethune.[22]
Si Bethune ay ilan sa mangilan-ngilang dayuhan na may mga monumentong itinirik sa Tsina bilang pag-alala.[23] Nakahimlay ang kanyang mga labi sa Sementeryo ng mga Rebolusyonaryong Martir sa Shijiazhuang, sa lalawigan ng Hebei, sa tapat ng dambana ni Dwarkanath Kotnis, isang doktor na Indian na pinarangalan din sa kanyang makataong paglilingkod sa Tsina.
Sa Espanya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa lungsod ng Malaga sa Espanya, may lakaran sa tabing-dagat na inialay sa kanyang alaala na pagkilala na rin sa ginawa niyang pagkalinga sa mga mamamayan ng naturang lungsod noong panahon ng digmaang sibil.[24]
Mga larawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]-
Monumento ni Bethune sa Plaza Norman Bethune sa Montreal
-
Karatulang pampropaganda noong 1968 na naglalaman ng isang sipi mula sa parangal ni Mao para kay Bethune
-
Ang tanggapan ng Bethune Memorial House sa Gravenhurst para sa mga bisita nito na binuksan noong Mayo 2013.
-
Dambana ni Norman Bethune
-
Mga kagamitang medikal ni Bethune
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Canada, Library and Archives (Pebrero 24, 2015). "Henry Norman Bethune". www.bac-lac.gc.ca. Nakuha noong Marso 5, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Henry Norman Bethune Biography". Encyclopedia of World Biography. Thomson Corporation.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 Shenwen Li, “Bethune, Henry Norman” in Dictionary of Canadian Biography, vol. 16, University of Toronto/Université Laval, 2003, accessed May 25, 2020.
- ↑ McEnaney, Marjorie (Setyembre 13, 1964). "The early years of Norman Bethune". CBC Digital Archives. Canadian Broadcasting Corporation. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ MacLean, Lloyd D.; Entin, Martin A. (2000). "Norman Bethune and Edward Archibald: sung and unsung heroes" (PDF). Annals of Thoracic Surgery. 70 (5): 1746–1752. doi:10.1016/S0003-4975(00)02043-9. PMID 11093539. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Innovative Healer". Norman Bethune 1890 - 1939. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 16, 2018. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Russell, Hilary (Agosto 8, 2008). "Norman Bethune". The Canadian Encyclopedia (ika-online (na) edisyon). Historica Canada. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rakoff, V. M. (1979). "Patients, Practitioners, & Medical Care". Canadian Medical Association Journal. 120 (12): 1500–1501. PMC 1704189.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Patterson, Robert, MD (Nobyembre 1, 1989). "Norman Bethune: His Contributions to Medicine and CMAJ" (PDF). Canadian Medical Association Journal. 141 (9): 947–953. PMC 1451431. PMID 2680011. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong Setyembre 4, 2015. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link) - ↑ Allan, Ted; Gordon, Sydney. The Story of Doctor Norman Bethune. p. 130.
- ↑ Porter, Edgar A (1997). The People's Doctor: George Hatem and China's Revolution. University of Hawaii Press. pp. 115–118. ISBN 0-8248-1905-5.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Alexander, C A, New York-tidewater chapters' history of military medicine award: The military odyssey of Norman Bethune, Military Medicine, April 1999
- ↑ Taylor, Robert (1986). America's Magic Mountain. Boston, Massachusetts: Houghton Mifflin. ISBN 0-395-37905-9.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Porter (1997), p. 122–123.
- ↑ Russell, Hilary (Agosto 8, 2008). "Norman Bethune". The Canadian Encyclopedia (ika-online (na) edisyon). Historica Canada. Nakuha noong Agosto 5, 2015.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Photographic history: Bethune's camera was given to comrade Sha Fei". Zhao Junyi (sa wikang Tsino). vision.xitek.com. 2010-09-08. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 15, 2010. Nakuha noong Setyembre 13, 2010.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Norman Bethune". ChinesePosters.net. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 9, 2015. Nakuha noong Agosto 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Three Constantly Read Articles". ChinesePosters.net. Inarkibo mula sa orihinal noong Nobyembre 14, 2015. Nakuha noong Agosto 6, 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mao Zedong, In Memory of Norman Bethune, December 21, 1939. Selected Works, Vol. II pp. 337-38. Quoted in the Quotations of Chairman Mao Zedong, Chapter 17: Serving the People.
- ↑ "Chinese still cherish memory of Norman Bethune". People's Daily Online. Disyembre 22, 2004. Nakuha noong Agosto 6, 2015.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jingqing Yang (Nobyembre 3, 2008). Serve the People: Ethics of Medicine in China (PDF). EASP 5th Conference: Welfare Reform in East Asia. National Taiwan University, Taipei, Taiwan: East Asia Social Policy. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 2022-10-09. Nakuha noong Agosto 6, 2015.
{{cite conference}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Meyskens, Covell F. (2020). Mao's Third Front: The Militarization of Cold War China. Cambridge, United Kingdom: Cambridge University Press. ISBN 978-1-108-78478-8. OCLC 1145096137.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "North China Martyrs Cemetery". www.tracesofwar.com.
- ↑ "Inauguration of the Canadians' Promenade in tribute to Norman Bethune in Malaga, Spain". Government of Canada (sa wikang Ingles). Pebrero 7, 2006. Nakuha noong Mayo 25, 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)