Nissin Foods
Ang Nissin Food Products Co., Ltd. ay isang kompanyang pampagkain na mula sa bansang Hapon na gumagawa at nagbebenta ng mga pagkaing kombenyente at madaliang nudels o instant noodles.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakatatag at mga naunang taon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naitatag ang kompanya sa bansang Hapon noong Setyembre 1, 1948, ni Momofuku Ando bilang Chuko Sosha (中交総社 Chuukou-sousha).[1] Pagkalipas ng sampung taon, ipinakilala ng kompanya ang unang produkto na madaliang nudel na ramen, ang Chikin Ramen (Ramen na Manok). Pagkatapos nito agad, pinalatan ng kompanya ang pangalan sa Nissin Food Products Co., Ltd. (日清食品株式会社 Nisshin Shokuhin Kabushiki-gaisha). Naitatag ng kompanya ang isang sangay sa Estados Unidos noong 1970 at, simula noong 1972, nagbenta ng mga produktong madaliang ramen sa ilalim ng pangalang Top Ramen. Ang instant noodles (1958) at Cup Noodles (1971) ay parehong inimbento ni Momofuku Ando.[2][3] Ang punong himpilan ng Nissin Foods ay nasa Yodogawa-ku, Osaka.[4][5]
Mga sumunod na mga taon at pagpapalawak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lumipat ang kompanya sa kasalukuyang punong himpilan noong 1977, nang matapos konstruksyon ng gusali.[6]
Noong 2007, naging ganap na pagmamay-ari ng Nissin Foods ang Myojo Foods Co., Ltd.[7]
Pangalan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sang-ayon sa kompanya,[8] nagmula ang pangalang 'Nissin' sa pinaikling ekspresyon na 「日々清らかに豊かな味をつくる」, na nilikha ng tagapagtatag ng kompanya na si Momofuku Ando, at kinakatawan ang kanyang hangarin para sa kompanya. Maluwag na maisasalin ang ekspresyon bilang "dalisay na napakabuting lasa araw-araw."
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Nissin Foods - About Nissin Foods" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-10-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "日清食品グループ". www.nissinfoods.co.jp (sa wikang wikang Hapon).
{{cite web}}
: CS1 maint: unrecognized language (link) - ↑ "日清食品グループ". www.nissinfoods.co.jp (sa wikang Hapones).
- ↑ "Nissin Food group net profit up 6.6% in 1st half. Naka-arkibo 2011-06-15 sa Wayback Machine." Japan Weekly Monitor. Nobyembre 12, 1984. Hinango noong Marso 5, 2010. "On an unconsolidated basis, the Osaka-based firm recorded a 194.4% jump to 5.46." (sa Ingles)
- ↑ "Company Profile." Nissin Foods. Hinango noong March 5, 2010 (sa Ingles).
- ↑ "History Naka-arkibo 2012-03-01 sa Wayback Machine.." Nissin Foods Germany. Hinango noong Marso 5, 2010 (sa Ingles).
- ↑ "History" (sa wikang Ingles). Nissin Foods Holdings Co., Ltd.
- ↑ "日清食品の社名の由来を教えてください。". Nissin Foods (sa wikang Ingles). Nissin Group. Nakuha noong 28 Mayo 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)