Sinclair Lewis
Sinclair Lewis | |
---|---|
Kapanganakan | Harry Sinclair Lewis 7 Pebrero 1885 Sauk Centre, Minnesota |
Kamatayan | 10 Enero 1951 Roma, Italya | (edad 65)
Trabaho | Nobelista, mandudula, manunulat ng maikling-kuwento |
Nasyonalidad | Amerikano |
(Mga) parangal | Gantimpalang Nobel para sa Panitikan 1930 |
Si Sinclair Lewis[1] (7 Pebrero 1885 – 10 Enero 1951) ay isang Amerikanong nobelista, manunulat ng mga maiikling-kuwento, at mandudula. Noong 1930, siya ang naging kaunaunahang Amerikanong ginawaran ng Gantimpalang Nobel para sa Panitikan, "para sa kaniyang masigla at grapikong sining ng paglalarawan at sa kaniyang kakayahang lumikha, na may karunungan at katatawanan, ng mga bagong uri ng mga tauhan."[2] Kilala ang kaniyang mga akda dahil sa kanilang mga mapangkaalaman at mapanuring mga pananawa sa lipunang Amerikano at mga pagpapahalagang pang-kapitalista, maging ang kanilang matatag na paglalarawan ng makabagong manggagawang kababaihan.
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak siya sa Saulk Centre, Minnesota noong 1885. Naging palabasa si Lewis noong bata pa lamang, at nagsimulang magsulat ng poesya noong panahon ng kaniyang pagbibinata. Makaraang mag-aral sa Akademyang Oberlin, pumasok siya sa Yale noong 1903. Nakapagambag siya ng mga kuwento at tula sa mga magasing pampanatikan habang nasa kolehiyo. Nagsulat rin siya para sa Journal and Carrier ng New Haven, at nakatanggap ng trabaho sa New York, bilang katulong na patnugot para sa Transatlantic Tales bago pumunta sa Panama para maghanap-buhay sa ginagawang kanal na pansasakyang-dagat doon. Bumalik siya sa Yale at nakapagtapos noong 1908.[1]
Naging tagapagbasa siya ng mga manuskrito sa New York para sa kompanyang Frederick A. Stokes. Noong 1914, naging patnugot siya para sa kompanyang George H. Doran.[1]
Noong taon din ng 1914, nakaisang-dibdib ni Lewis si Grace Hegger, ngunit sumailalim ng diborsiyo noong 1928. Makaraan ang paghihiwalay, sa taon ding ito, nagpagkasal naman si Lewis kay Dorothy Thompson, isa ring manunulat. Muling dumanas ng diborsiyo si Lewis noong 1942.[1]
Namalagi siya sa Europa noong mga huling panahon ng kaniyang buhay. Sumakabilang-buhay si Lewis habang nasa Roma noong 1951.[1]
Larangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nilarawan ni Lewis ang buhay sa Gitnang Kanluran ng Amerika. Napagwagian niya ang Gantimpalang Nobel para sa Panitikan dahil sa kaniyang * 1925 - Arrowsmith
- 1926 - Mantrap
- 1927 - Elmer Gantry
- 1928 - The Man who knew Coolidge
- 1929 - Dodsworth
- 1933 - Ann Vickers
- 1934 - Work of Art
- 1935 - It Can't Happen Here
- 1938 - The Prodigal Parents
- 1940 - Bethel Merriday
- 1943 - Gideon Planish
- 1945 - Cass Timberlane
- 1947 - Kingsblood Royal
- 1951 - World so Wide
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Sinclair Lewis". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinalin mula sa Ingles: "for his vigorous and graphic art of description and his ability to create, with wit and humour, new types of characters."