Pagtatalik na premarital
Ang pagtatalik na premarital, pagtatalik bago ikasal, pagtatalik bago ang kasal, o pagtatalik bago ang kasalan (Ingles: premarital sex o pre-marital sex) ay isang gawaing seksuwal na isinasagawa ng mga taong hindi kasal. Pangkasaysayang itinuturing ito na bawal sa maraming mga kultura at itinuturing na isang kasalanan sa maraming mga relihiyon, subalit naging mas karaniwang katanggap-tanggap sa loob ng huling ilang mga dekada.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hanggang sa pagsapit ng dekada 1950,[1] ang katagang "pagtatalik na premarital" ay tumutukoy sa ugnayang seksuwal sa pagitan ng dalawang mga tao bago sila ikasal sa isa't isa.[2] Noong panahong iyon, ang mga lipunang Kanluranin ay umaasa na ang kalalakihan at kababaihan ay magpapakasal sa pagdating ng gulang 21 o 22; bilang ganyan, walang konsiderasyon na ang isang tao na nakipagtalik na ay hindi magpapakasal. Ang kataga ay ginamit sa halip na ang salitang pornikasyon, dahil sa negatibo o masamang konotasyon o pahiwatig ng panghuling salita.[1]
Magmula noon ay nagbago na ang kahulugan nito, na tumutukoy na sa lahat ng mga relasyong may pagtatalik na nagkaroon ang isang tao bago ang kasal; inalis nito ang pagbibigay ng diin sa kung kanino naganap o nangyari ang ganitong mga relasyon.[2] Ang kahulugan ay mayroong antas ng kalabuan o kawalan ng kalinawan. Hindi malinaw kung ang pagtatalik sa pagitan ng mga indibiduwal na legal na pinagbabawalang magpakasal, o mga relasyong seksuwal ng isang hindi nagnanais na magpakasal ay maituturing na premarital.[1]
Ang panghaliling mga kataga para sa seks na premarital ay naimungkahi, katulad ng pagtatalik na walang kasalan (na sumasalabat sa pangangalunya, pagtatalik na mapangkabataan, patatalik ng adolesente, at pagtatalik ng kabataang adulto. Ang mga katagang ito ay nakakaranas din ng antas ng pagkamalabo, dahil sa ang kahulugan ng pakikipagtalik ay nagkakaiba-iba mula sa isang tao papunta sa isa pang tao.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.