Pygmalion
Si Pygmalion (/pɪɡˈmeɪliən/; Griyego: Πυγμαλίων, gen.: Πυγμαλίωνος) ay isang maalamat na tauhan sa Cyprus. Bagama't ang Pygmalion ay ang Griyegong bersiyon ng royal na pangalan Phoenician na Pumayyaton, siya ay higit na kilalá mula sa tulang salaysay ni Ovid na Metamorphoses, kung saan si Pygmalion ay isang manlililok na nahulog (napamahal) sa isang rebulto na nililok niya.
Sa Ovid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa salaysay ni Ovid, si Pygmalion ay isang manlililok na naglilok ng isang babae mula sa garing. Ayon kay Ovid, matapos makita ni Pygmalion ang mga Propoetide siya ay "hindi na interesado sa mga babae," ngunit ang rebultong nilikha niya ay napakarikit at makatotohanan na nahulog siya rito.
Dumating ang araw ng pista ni Aphrodite at si Pygmalion ay nagbigay ng alay sa altar ni Aphrodite. Natahimik siyang humiling ng isang nobya na magiging "ang buháy na katawan ng kaniyang babaeng garing". Nang makauwi siya, hinalikan niya ang kaniyang rebultong garing, at naramdaman niya na ang mga labi nitó ay medyo mainit. Hinalikan niya ito muli at naramdaman niya na nawala na tigas nitó. Tinupad ni Aphrodite ang hiling ni Pygmalion.
Pinakasalan ni pygmalion ang rebultong garing na naging tunay na babae na sa ilalim ng pagbabasbas ni Aphrodite. Sa salaysay ni Ovid, nagkaroon sila ng anak na babae, si Paphos, kung saan nakuha ang pangalan ng lungsod.
Sa mga ibang bersiyon, si Paphos ay isang anak na laláki, at nagkaroon din sila ng anak na babae, si Metharme.