Pumunta sa nilalaman

Wenceslao Vinzons

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Wenceslao Vinzons
Kapanganakan28 Setyembre 1910
  • (Camarines Norte, Bicol, Pilipinas)
Kamatayan15 Hulyo 1942
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas
Trabahopolitiko
Opisinamiyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas ()

Si Wenceslao Quinito Vinzons (28 Setyembre 1910 – 15 Hulyo 1942) ay isang politikong Pilipino at lider ng mga gerilya laban sa mga puwersang Hapon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isa siya sa unang nag-organisa ng paglaban sa mga Hapones nang sumalakay sila noong 1941.[1] Ipinapatay siya ng mga Hapones noong 1942. Siya rin ay kilala bilang "Dakilang Bayani ng Bikolandia."[2]

Buhay at Edukasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Selyo para kay W. Vinzons
Ang lumang bahay ni W. Vinzons sa Daet, Camarines Norte
Bantayog ni W. Vinzons sa harapan ng Kapitolyo Probinsyal ng Camarines Norte

Si Vinzons ay ipinanganak sa bayan ng Indan, Camarines Norte. Nakatapos siya ng balediktoryan sa lokal na mataas na paaralan at pumunta ng Maynila upang mag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas.

Habang nasa unibersidad siya, si Vinzons ay naging sikat na lider ng estudyante. Isa siyang miyembro ng Upsilon Sigma Phi. Siya rin ay mahahalal bilang pangulo ng lupon ng mga estudyante at punong patnugot ng Philippine Collegian. Kilala rin siya sa pagbigay ng isang talumpati na may pamagat ng "Malaysia Irrendenta", kung saan pinamunkahi niya ang pagkakaisa ng mga bansa sa Timog Silangang Asya na may pinagmulang Malay[3]. Ginantimpala siya ng Gintong Medalya ni Manuel L. Quezon ng Kagalingan.

Nakuha ni Vinzons ang kaniyang degree sa Batas mula sa Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Batas noong 1932 at pumangatlo siya sa pagsusulit sa bar nang sumunod na taon.

Pagkatapos ng patatapos niya, kasama sina Narciso J. Alegre at Arturo Tolentino, itinaguyod nila ang isang bagong partido kung tawagin ay ang "Young Philippines Party". Pinapamunkahi ng partido na ito ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos. Pagkatapos mapasa ang Batas Tydings-McDuffie, nahalal bilang delegato si Vinzons sa pagkatawan sa Camarines Norte sa Kumbensiyon ng Saligang Batas ng 1935. Bilang miyembro ng Kumbensiyon, mahalaga siya sa pagmumuhkahi ng Tagalog bilang pambansang wika ng Pilipinas. Siya ay ang pinakabatang delegato at ang pinakabatang lumagda sa Saligang Batas ng 1935.

Kumampanya si Vinzons para sa pagkahalal ni Emilio Aguinaldo sa pagkapangulo. Pangunahing katunggali ni Aguinaldo si Manuel L. Quezon, Pangulo ng Senado noon. Napalalunan ni Aguinado ang Camarines sa tulong ni Vinzons, pero natalo pa sila kay Quezon. Pagkapos ng halalan, tumigil sa politika si Vinzons at naging pangulo ng isang korporasyong pagminina sa lalawigan niya.

Bumalik sa politika si Vinzons noong 1940 at nahalal siya bilang punong-lalawigan ng Camarines Norte. Nagtagumpay siya sa halalan sa Batasang Pambansa. Kinakatawan niya ang Nag-iisang Distrito ng Camarines Norte. Naantala ang paglilingkod niya sa lehislatura nang sumalakay ang mga Hapon sa Pilipinas noong Disyembre 1941.[4]

Gawaing gerilya at pagbitay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ilang araw pagkatapos dumating ang mga Hapon sa Pilipinas, bumuo si Vinzons ng isang samahan laban sa mga Hapon sa buong Kabikulan. Sinamsam ni Vinzons lahat ng mga taguan ng bigas mula sa isang Intsik na negosyante sa Camarines Norte[4] at sinamsam din lahat ng mga pampasabog sa lalawigan para gamitin ito laban sa mga Hapon. Noong 12 Disyembre 1941, pinamunuan niya ang isang pagsalakay sa mga sundalong Hapon sa Basud, Camarines Norte. Lumaki ang mga sundalong gerilya sa bilang 2,800, at sa 1 Mayo 1942, pinamunuan niya ang matagumpay na paglaya ng kabisera ng lalawigan na Daet[5]. Mayroong mga bulong-bulongan na sa kalagitaan ng Disyembre 1941 at Mayo 1942, naka-armado ang mga sundalo ni Vinzons ng mga nakakalasong palaso at naka patay sila ng higit sa 3,000 na sundalong Hapon. Naging pangunahing tudlaan ng mga Hapon dahil dito.

Nadakip si Vinzons ng mga Hapon kasama ng kanyang ama noong 8 Hulyo 1942. Nahuli si Vinzons dahil sa kaalaman na binigay ng isang impormante na isang dating gerilya.[6] Tumanggi si Vinzons na pangakuan ng katapatan sa nakahuli sa kanya at dinala sa kampamento ng Hapon sa Daet. Dito sa Daet, sinaksak si Vinzons ng isang galit na sundalong Hapon noong 15 Hulyo 1942 sa dahilang sa tuluyang pagtanggi ni Vinzons sa pagpapangako ng katapatan sa Hapon.[2] Pagkatapos ng pagpatay kay Vinzons, sumunod ang ama, asawa, kapatid na babae at dalawa sa anak niya.[2]

Ang bayan ng Indan, kung saan siya pinanganak, ay pinangalan sa kanyang alaala. Pati din isang mababang paaralan sa Maynila. Ang student activity center ng Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman ay pinangalan Vinzons Hall noong 1959. Sa Vinzons Hall nakalagay ang mga opisina ng Philippine Collegian.

Pumasok ang ilan sa mga kamag-anak ni Vinzons sa politika. Ang pamangkin niya na si Liwayway Vinzons-Chato ay nagsilibing Tagapangasiwa ng Kawanihan ng Rentas Internas sa pamahalaang Aquino. Nahalal si Liwayway Vinzons-Chato sa parehong katungkulan na inupuan ng kanyang tito na bilang congresista ng Camarines Norte noong 2007.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Filipinos in History Vol. II. Manila, Philippines: National Historical Institute. 1990. pp. p. 267. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 Agoncillo, Teodoro A. (1965). The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines Vol. II, 1941-45. Diliman, Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. pp. p.663. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Agoncillo, Teodoro A. (1965). The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines Vol. II, 1941-45. Diliman, Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. pp. p.657. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Agoncillo, Teodoro A. (1965). The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines Vol. II, 1941-45. Diliman, Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. pp. p.656. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Agoncillo, Teodoro A. (1965). The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines Vol. II, 1941-45. Diliman, Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. pp. p.658. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Agoncillo, Teodoro A. (1965). The Fateful Years: Japan's Adventure in the Philippines Vol. II, 1941-45. Diliman, Quezon City, Philippines: University of the Philippines Press. pp. p.661. {{cite book}}: |pages= has extra text (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Froilan Pimentel
Representante of Camarines Norte
1941–1942
Susunod:
Esmeraldo Eco