The Metamorphosis
Ang The Metamorphosis ( Aleman: Die Verwandlung ) ay isang nobela na isinulat ni Franz Kafka at unang nailathala noong 1915. Isa ito sa mga pinakatanyag niyang naisulat. Ito ay patungkol sa isang salesman na si Gregor Samsa kung saan natagpuan niya ang kaniyang sariling nagising na lamang bilang isang malaking insekto ( (German ungeheures Ungeziefer, na may literal na kahulugang "monstrous vermin") at kung paano niya ginawang makasanayan ang ganitong kalagayan. Mayroong malawak na pagdidiskurso tungkol sa novella na ito, higit na sa mga kritiko sa literatura. Mayroon itong iba't ibang kapaliwanagang ibinabahagi.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagising si Gregor Samsa isang araw bilang isang malaking insekto(monstrous vermin). Noong una'y akala niya pansamantala lamang ito subalit pinagnilayan niya pa rin ang mga kaakibat na suliranin ng pagbabagong anyong ito. Dahil sa hindi siya makaalis sa kaniyang kinahihigaan, naisip niya ang kaniyang trabaho bilang isang naglalakbay na salesman at taga-benta ng mga tela, na inilalarawan niya bilang nakakapagod at walang humpay na pagkukumahog. Nagkaroon siya ng pagkasuklam sa kaniyang manager at naisip niyang umalis na sa trabaho, kung hindi lang nga sa dahilan na siya ang bumubuhay sa buong pamilya. Kasama pa rito ang pagbabayad sa mga utang ng kaniyang ama. Habang sinusubukan niyang gumalaw, napagtanto niyang dumating ang kaniyang manager, ang pinakapunong kleriko, upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Nagagalit ito dahil sa biglaang pagliban ni Gregor sa trabaho. Sinubukan ni Gregor na magpaliwanag mula sa loob ng kaniyang kwarto subalit walang ibang narinig ang mga nasa labas kung hindi mga hindi maipaliwanag na tunog lang. Pinilit ni Gregor na hatakin ang sarili at buksan ang pintuan. Umalis ang kaniyang manager matapos na makita ang kasalukuyang itsura ni Gregor. Napuno ng takot ang kaniyang pamilya kaya pinilit siya ng kaniyang ama na bumalik sa kaniyang kwarto. Ito ay may halong pagbabanta.
Dahil sa hindi inaasahang pangyayari kay Gregor, nanganib ang estado pinansiyal ng kaniyang pamilya. Kahit pa nga napupuno ng pandidiri ang kaniyang kapatid na si Grete sa kaniya, patuloy pa din ito sa pagbibigay sa kaniya ng rasyon na pagkain, subalit ng lumaon natuklasan niyang tanging mga panis lang na pagkain ang kinakain ni Gregor. Natanggap na din naman ni Gregor ang kaniiyang kalagayan at nagsimula siyang gumapang sa sahig, sa pader, pati na rin sa dingding. Dahil sa nadiskubre ni Grete, inalis nito ang ilan sa mga gamit sa kwarto upang malayang makagapang ang kaniyang kapatid. Inalis nila ng kaniyang ina ang isang gamit, subalit hindi naging komportable si Gregor sa ginawa nila. Para bang nais ng kaniyang kapatid na isalba ang isang larawan ng babae na nakasabit sa pader. Nawalan ng malay ang kaniyang ina ng makita nito kung paanong protektahan ni Gregor ang larawan. Sa dali-daling pagsaklolo ni Grete sa kaniyang ina, natabig nito ang isang medicine bottle na tumama naman sa mukha ni Gregor. Dumating na mula sa trabaho ang kanilang ama at sa sobrang galit nito'y pinagbabato niya ng mansanas si Gregor. Isa sa mga ito ang tumama sa sensitibong parte ng kaniyang likod na naging sanhi upang masugatan siya.
Lubhang pinagdusahan ni Gregor ang sugat na ito sa loob ng ilang linggo. Kaunti na lamang ang kaniyang nakakain. Halos nawalan na rin ng pansin sa kaniya ang buong mag-anak at naging imbakan na lang ang kaniyang kwarto. Upang mapanatili ang kita ng mag-anak, kumuha ito ng tatlong taong uukopa sa bahay. Hinahayaan na lamang na nakabukas ang pintuan sa kwarto ni Gregor upang maibsan naman ang kaniyang pag-iisa. Dahil sa isang araw narinig ni Gregor na tumutugtog si Grete ng kaniyang violin, pinilit niyang lumabas ng kaniyang kwarto. Isa sa mga umuupa ang nakakita sa kaniya kaya nagreklamo ito tungkol sa pagiging marumi ng tirahan, dahilan upang umalis ang mga ito. Nakita ni Grete na dahan-dahan nang nalulugmok ang buong mag-anak kaya nagpasya siya na kailangan na nilang malayo kay Gregor sa kahit ano pa man na paraan. Naisip ni Gregor na talagang hindi na rin nais ng kaniyang pamilya na mabuhay pa siya kaya napagpasiyahan niyang gutumin ang sarili hanggang sa mamatay. Lumipat ng tirahan ang mag-anak sa isang mas maliit na kwarto upang mabawasan ang mga gastusin at makapag-ipon na din ng pera. Sa maiksing biyahe papalayo sa dati nilang tirahan, napansin ng mag-asawa na kahit pa nga pumutla ang mukha ni Grete sa dami ng paghihirap na dinaanan nila, napakaganda pa rin nito, pati na rin ng hubog ng kaniyang katawan. Nagpasya ang mag-asawa na kailangan na ni Grete magkaroon ng mapapangasawa.
Mga Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Gregor Samsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Gregor ang pangunahing karakter ng kwento. Nagtatrabaho siya bilang isang salesman upang makapagbigay ng pera para sa kanyang kapatid at magulang. Nagising siya isang umaga bilang isang malaking insekto. Matapos ang metamorphosis, si Gregor ay hindi na nakapagtrabaho at nakakulong na lamang sa kanyang silid sa halos lahat ng nalalabing parte sa kwento. Ito ang nag-udyok sa kanyang pamilya na magsimulang magtrabaho muli. Si Gregor ay inilalarawan bilang isang karakter na nakahiwalay sa lipunan at madalas na hindi maintindihan ang totoong hangarin ng iba at madalas na hindi maunawaan.
Ang pangalang "Gregor Samsa" ay lumilitaw na nakakuha ng bahagya mula sa mga akdang pampanitikan na binasa ni Kafka. Ang isang karakter sa The Story of Young Renate Fuchs, ng isang German-Jewish novelist na si Jakob Wassermann (1873-1919), ay pinangalanang Gregor Samassa. Ang may-akda ng Vienna na si Leopold von Sacher-Masoch, na ang sekswal na imahinasyon ay nagbigay ng ideya sa masochism, ay isang impluwensya din. Isinulat ni Sacher-Masoch ang Venus in Furs (1870), isang nobela na ang bayani ay kinilala din bilang Gregor sa isang punto. Ang "Venus in furs" ay literal na matutunghayan sa The Metamorphosis sa larawan na isinabit ni Gregor Samsa sa kanyang dingding sa kaniyang silid-tulugan. [1]
Grete Samsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Grete ay ang nakababatang kapatid na babae ni Gregor. Siya ang naging tagapangalaga nito matapos na magi siyang insekto. Sa una, mayroong malapit na ugnayan ang dalawa subalit nang lumaon, naglaho din ito. Habang noong una'y boluntaryo pang nagpapakain ito at naglilinis ng kaniyang kwarto, hindi rin gaanong nagtagal at napagod ito at hinayaan na lamang na maging makalat ang kwarto ni Gregor. Marahil, ang kaniyang unang intensiyon sa pag-aalaga sa kapatid ay mula sa kagustuhan niyang makatulong sa kaniyang pamilya. Naiinis kasi siya sa tuwing ang nanay nila ang maglilinis ng kwarto ni Gregor. Sa kwento, makikita kung paano pandirihan ni Grete ang kaniyang kapatid. Binubuksan niya muna ang bintana ng kwarto nito sa tuwing papasok siya at kung nakikita niya si Gregor, halos wala lang siyang ginagawa. Tumutugtog siya ng violin at nangangarap na magtungo sa conservatory. Ito rin ang hinahangad ni Gregor para sa kaniyang kapatid. Pinaplano pa nga ni Gregor na ianunsyo ito sa araw ng pasko. Upang makatulong sa pamilya dahil sa hindi na rin makapagtrabaho ang kapatid, nagsimula siyang magtrabaho bilang isang tinderang babae. Si Grete rin ang unang nagbigay ng suhestiyon na lumayo na lamang sa kapatid at ito naman ang naging sanhi upang planuhin ni Gregor ang sarili niyang kamatayan. Sa pagtatapos ng kwento, napagtanto ng kaniyang mga magulang na gumaganda na siya, pati na rin ang hubog ng kaniyang katawan, kaya nagdesisyon ang mag-asawa na kailangan nang maghanap ni Grete ng mapapangasawa.
Mr. Samsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Mr. Samsa ay ang ama ni Gregor. Pakatapos ng metamorphosis ni Gregor, naobliga siyang bumalik sa trabaho upang maitaguyod ang pamilya. Hindi gaanong kaaya-aya ang kaniyang pakikitungo sa kaniyang anak na si Gregor. Halos pa nga katakutan niya ito at may ilang pagkakataong sinaktan niya din si Gregor.
Mrs. Samsa
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Mrs. Samsa ay ang ina nina Gregor at Grete. Noong una'y nabigla siya sa nangyari kay Gregor subalit ng lumaon ay gusto niya na ring pumasok sa silid ni Gregor. Totoong naging malaki ang epekto nito sa kaniya. Nahahati siya sa pagitan ng pagiging ina, ang kaniyang simpatiya at ang kaniyang takot at panlulumo sa bagong porma ng anak.
Ang Charwoman
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Charwoman ay isang matandang babae na kinuha ng pamilya Samsa upang maging katu-katulong sa mga gawaing bahay. Maliban kay Grete at sa kaniyang ama, isa siya sa mga nakakalapit kay Gregor. Siya ang nakapansin na patay na si Gregor at siya rin ang nag-alis ng bangkay nito.
Pagsasalin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsasalin sa Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1961: Edwin Muir at Willa Muir
- 1986: Stanley Corngold
- 1993: Joachim Neugroschel
- 1996: Stanley Appelbaum
- 1999: Ian Johnston (pampublikong domain)
- 2006: audio ni David Barnes
- 2012: audio ni David Richardson
- 2014: audio ni Bob Neufeld
- 2002: David Wyllie
- 2007: Michael Hofmann
- 2009: Joyce Crick
- 2009: William Aaltonen
- 2014: Christopher Moncrieff
- 2014: Susan Bernofsky
- 2014: audio ni Edoardo Ballerini
- 2014: John R. Williams
- 2017: Karen Reppin
Mga edisyon sa orihinal na Aleman
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Unang pag-print: Die Verwandlung . Sa: Die Weißen Blätter . Eine Monatsschrift. (Ang Mga Puti na Pahina. Isang Buwan). ed. René Schickele . "Huk. 2" (1915), "H. 10" (Oktubre), pp. 1177–1230.
- Sämtliche Erzählungen. paperback, ed. Paul Raabe. S. Fischer Verlag, Frankfurt am Main at Hamburg 1970. ISBN 3-596-21078-X .
- Drucke zu Lebzeiten . ed. Wolf Kittler, Hans-Gerd Koch at Gerhard Neumann, S. Fischer Verlag, Frankfurt am Main 1996, p. 113-200.
- Die Erzählungen. (Ang mga kwento) ed. Roger Herms, orihinal na bersyon S. Fischer Verlag 1997 ISBN 3-596-13270-3
- Die Verwandlung . gamit ang komentaryo ni Heribert Kuhn, Suhrkamp Verlag, Frankfurt am Main 1999, ISBN 978-3-518-18813-2 . (Suhrkamp BasisBibliothek, 13: Teksto at Kommentar)
- Die Verwandlung . Anaconda Verlag, Köln 2005. ISBN 978-3-938484-13-5 ISBN 978-3-938484-13-5 .
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kafka (1996, 3).
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga online na edisyon
- Die Verwandlung Naka-arkibo 2012-03-07 sa Wayback Machine. sa DigBib.org (teksto, pdf, HTML) (in German)
- Ang Metamorphosis Naka-arkibo 2016-04-16 sa Wayback Machine., isinalin noong 2009 ni Ian Johnston ng Malaspina University-College, Nanaimo, BC
- Ang Metamorphosis Naka-arkibo 2021-12-13 sa Wayback Machine. sa proyekto na Kafka, na isinalin ni Ian Johnston na inilabas sa pampublikong domain
- Ang Metamorphosis - Annotated text na nakahanay sa Mga Karaniwang Pamantayan sa Core
The Metamorphosis sa Proyektong Gutenberg , translated by David Wyllie
- Padron:Librivox book
- Lecture on The Metamorphosis by Vladimir Nabokov Naka-arkibo 2017-06-09 sa Wayback Machine.
Puna
- Aralin sa mga paghihirap sa pagsasalin ng kuwento sa Ingles Naka-arkibo 2013-02-08 sa Wayback Machine.
Kaugnay