The Sims
The Sims ang larong pang-kompyuter na ginawa ng Maxis at nilabas ng Electronic Arts. Nasa kategoryang larong-stratehiya at simulasyon ng buhay ang larong ito. Nilikha ito ng dibuhante ng laro na si Will Wright, na kilala sa paggawa ng SimCity. Isang simulasyon ito ng mga pang-araw-araw na gawain ng isa o higit pa na mga birtwal na tao (tinatawag na Sims) sa isang suburbanong sambahayan na malapit sa SimCity.
Nakabenta ang The Sims ng higit sa 100 milyong kopya sa buong daigdig at dahil doon naging pinakamatagumpay na larong bidyo ito sa lahat ng panahon.
Paraan ng paglalaro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang The Sims ay isang larong walang nakatalagang katapusan. Pinupwesto ng manlalarong ng nilalang ng taong birtwal na tinatawag "Sims" sa mga bahay at tinutulungan na mapaigi ang kanilang desires o mithiin. Maaring kumuha ang manlalaro ng alin mang Sims na gawa ng laro at maaari rin na gumawa sila ng sarili nila. Maaari din pumili ng bahay na gawa ng laro o magtayo ng sarili nila.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.