Title of the Tale: The Origin of “Bacolod”
Narrative:
Way before colonizers enveloped the nation, there existed a small village nearby the
Magsungay River. The said settlement was inhabited by Malayans who belong to a particular
group, the “Taga-Ilog”. The village of Magsungay, back then, was placed under the
protection of St. Sebastian de Magsungay. The Malayans’ life in the said place, was simple,
yet peaceful, but not until another group of people launched destructive actions, targeting
the inhabitants near the river. The occurrence of such violence was not a once in a lifetime
take-off. Instead, the attacks were found recurring over time, the masterminds of which
were the Moro pirates. Due to the rampant attack, the villagers packed up, leaving the
settlement, as they moved and settled to a hilly terrain.
The Malayan people settled on a stone hill, or “buklod”, a land transformed into the
described area because of a giant war, in a literal sense. There were stories that in the said
place, there once existed a number of giants, who, with the reason haven’t completely
exposed, clashed into a big battle against each other. Due to the lack of modernized war
weapons during their time, the giants used mud to fight. Consequently, the dirt they threw
before each other formed mounds or hills, where a city was later on established, named as
“Bacolod”, derived from the term “buklod-buklod” since the said city first set up on a
stonehill formed by the giants.
Going back to the Malayans, their stay in the stone hill did not really last, as one
early morning, the Moros, once again attacked them, leaving marks such as death, rape
cases, and damage to properties. The people then moved farther from the said place, down
towards the shoreline.
The old site where the first settlement of the city happened is now the district of
Granada and the former site of the Bacolod Murcia Milling Company.
Title of the Tale: Ang Pinagmulan ng “Bacolod”
Narrative:
Bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroong isang nayon noon na
matatagpuan malapit sa ilog ng Magsungay. Doon ay naninirahan ang mga Malay na
nabibilang sa isang natatanging grupo na tinatawag na “Taga-Ilog”. Ang Magsungay, noong
panahong iyon ay nasa ilalim ng proteksyon ng isang Santo na si Sebastian de Magsungay.
Ang buhay ng mga Malay sa nasabing lugar ay simple lamang, ngunit mapayapa, hanggang
sa nagsalakay ang isang grupo ng mga tao sa lugar at nagdulot ng kasiraan at kaguluhan sa
dating payapang tinatamasa ng mga Malay. Ang pangyayaring iyon ay hindi pang-isahang
palabas lamang, sapagkat ang pag-atake ng mga Moro or Muslim ay umulit nang umulit.
Dahil sa walang-katapusang panlulusob, napilitan ang mga Malay na lisanin ang
nakasanayang tahanan, at lumipat sa mas ligtas na lugar.
Napiling manatili ng mga Malay sa isang batong burol, isang lupain na naging buklod-
buklod dahil sa isang digmaang panghigante. May mga istoryang nagsasaad na sa nasabing
lugar, may minsang naninirahang mga higante na, sa isang hindi pa malamang dahilan, ay
nagkaroon ng isang malaking away. Dahil sa kakulangan ng panggyerang kagamitan, sila ay
gumamit ng putik upang makipaglaban sa isa’t isa. Bilang bunga, ang putik na kanilang
naibato sa mga kawaay na kapwa higante ay lumikha ng mga buklod-buklod na lupain sa
lugar, kung saan makalipas ang panahon ay naging isang lungsod, na pinangalanang
“Bacolod”, hango sa terminong “buklod-buklod”, sapagkat ang nasabing syudad ay unang
naitakda sa batong burol na naitatag ng mga higante.
Ang panantili ng mga Malay sa burol ay hindi nagtagal, sa kadahilanang muling
sumalakay ang mga Moro isang umaga, at nag-iwan ng masakit na marka gaya ng
pagkamatay, panggagahasa, at pagkasira ng mga kagamitan. Sila ay muling lumipat patungo
sa baybayin.
Ang lugar kung saan unang naitakda ang lungsod ng Bacolod ay siyang distrito ng
Granada ngayon, at dating kinalagyan ng Bacolod Murcia Milling Company.