0% found this document useful (0 votes)
260 views16 pages

ESP 9 Q4 M4 5 For Printing

The document discusses the importance of having a personal mission statement to guide one's decisions and actions in life. It provides an example of a teacher's personal mission statement and asks questions to analyze its different elements. Additionally, it contains exercises for students to reflect on their own decision making and consider creating their own personal mission statements.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
260 views16 pages

ESP 9 Q4 M4 5 For Printing

The document discusses the importance of having a personal mission statement to guide one's decisions and actions in life. It provides an example of a teacher's personal mission statement and asks questions to analyze its different elements. Additionally, it contains exercises for students to reflect on their own decision making and consider creating their own personal mission statements.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 16

9





Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasiyam na Baitang


Kagawaran ng Edukasyon– Sangay na Palawan
ii
Contextualized Self-Learning Module
Ikaapat na Markahan – Modyul 4-5: Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapanimahala ng mga Paaralan:
Roger F. Capa, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Rufino B. Foz
Arnaldo G. Ventura, PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jhovelyn Geguiera - Paladan
Editor: Juvylyne Daganta - Talde
Tagaguhit: Wilma Rey Ledesma - Francisco
Tagasuri: Eden C. Palen
Tagalapat: Diane Lyn Jungco – O’neal
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Rosalyn C. Gadiano
Allyn G. Gonda, PhD
Clemencia G. Paduga
Fe D. Agbon

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education: MIMAROPA- Sangay na Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone Number: (048) 433-6392
Email Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

iii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng


mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung


sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Edukasyon sa
Pagpapakatao 9 Personal na Pahayag
Ikaapat na
Markahan ng Misyon sa Buhay
Ika- 4 at ika-5 na
Linggo

MELCs : Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay (EsP9PK- IVc-14.1)

: Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng


Misyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.2)

4
: Nahihinuha na ang kanyang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
ay dapat na nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging nilalang
na nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang
panlahat (EsP9PK-IVd-14.3)

: Nakapagbubuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (EsP9PK-


lVc-14.4)

Layunin : Nakikilala ang kahalagahan ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


buhay
: Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin

Subukin Natin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin


ang titik na pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?
A. Ito ang batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
B. Ito ang katulad ng isang personal na Kredo o motto na nagsasalaysay ng
nais mong mangyari sa iyong buhay.
C. Isang magandang paraan ito upang higit na makilala ang sarili.
D. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapwa.

2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan. Sang- ayon


ka ba dito?
A. Tama, sapagkat araw- araw ay mayroong nababago sa tao.
B. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o
papalitan.
C. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga
sitwasyon sa buhay.
D. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Maaaring magkaroon ng
problema kung ito ay babaguhin pa.

3. Ayon kay Stephen Covey, nagkakaroon lamang ang misyon natin sa buhay ng
kapangyarihan kung:
A. Nagagamit sa araw- araw nang mayroong pagpapahalaga.
B. Nakikilala ng tao ang kaniyang kakayahan at katangian.
C. Nagagampanan nang balanse ang tungkulin sa pamilya, trabaho at
komunidad.
D. Kinikilala niya ang kaniyang tungkulin sa kapwa.

5
4. Ito ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa
kaganapan.
A. Misyon B. Bokasyon C. Propesyon D. Tamang Direksiyon

5. Ang ibig sabihin nito ay calling o tawag.


A. Bokasyon B. Misyon C. Propesyon D. Tamang Direksiyon

Ating Alamin at Tuklasin


Gawain 1
Panuto:
1. Basahin at pag-aralan ang Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay sa
ibaba.
2. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong:

Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ni Mary


Isang mapagmahal na guro sa Juniour High School na
buong pusong aakayin at gagabayan ang mga mag- aaral na
ipinagkakatiwala sa akin ng kaniyang mga magulang, ng
paaralan at ng Diyos upang mahubog sila sa akademiko at mga
moral na pagpapahalaga bilang tao sa pamamagitan ng
paglalapat ng mga kaalaman at kasanayan ko sa pagtuturo, sa
pag- unawa sa pagka-iba-iba ng bawat mag- aaral at sa patuloy
na pananaliksik at pagkatuto ng mga istratehiya at dulog sa
pagtuturo.

Mga tanong:

1. Ano ang mithiin sa buhay ni Mary bilang isang guro?


2. Anu- ano ang mga gagawin niya upang makamit ito?
3. Ano ang tawag sa nabuo niyang pahayag na ito para sa kaniyang sarili
bilang isang guro?
4. Sa palagay mo, makatutulong ba ang pagkakaroon niya ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa Buhay sa pagkamit ng mithiin?
5. Bilang isang mag-aaral, mahalaga rin ba na bumuo at magkaron ka ng
PPMB para sa iyong mithiin? Pangatwiranan.

6
Gawain 2

Panuto:
1. Magbigay ng limang sitwasyon kung saan nagsagawa ka ng pagpapasiya.
2. Punan ang mga kasunod na kolum ayon sa impormasyong hinihingi ng mga ito.

Sitwasyon sa Paano isinagawa ang Mabuting Hindi


aking buhay pagpapasiyang ito? naidulot mabuting
naidulot

1.
2.
3.
4.
5.

Pagkatapos, sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili batay sa mga pagpapasiyang ginawa
mo?
2. Bakit mahalaga na magpasiya nang tama? Ipaliwanag.
3. Mayroon ba itong magiging epekto sa iyong buhay sa hinaharap?
Ipaliwanag.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.

Sa pagpapasiya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang


mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang
nagsisilbing kasangkapan niya upang marating niya ang kaniyang nais puntahan.
Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasiya upang hindi siya
magkamali; nang sa gayon, magkakaroon siya ng tamang direksiyon sa pagkamit ng
mga layunin niya sa buhay. Bakit nga ba mahalaga na magkaroon ng direksiyon ang
buhay ng tao? Una, sa iyong paglalakbay sa buhay mo ngayon, nasa kritikal na yugto
ka ng buhay. Anuman ang piliin mong tahakin ay mkaaapekto sa iyong buhay sa
hinaharap. Kung kaya’t mahalagang maging mapanuri at sigurado sa iyong gagawin
na mga pagpapasiya. Ikalawa, kung hindi ka magpapasiya ngayon para sa iyong
kinabukasan, gagawain ito ng iba para sa iyo- halimbawa ng iyong magulang,
kaibigan, o media. Kung kaya’t dapat na maging malinaw sa iyo ang iyong tunguhin
dahil kung hindi, susundin mo lamang ang mga idinidikta ng iba sa mga bagay na
iyong gagawin.
Ano nga ba ang kahulugan ng Personal na Pahyag ng Misyon ng Buhay
(PPMB)? Ito ay katulad ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay
kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo
sa iyong gagawin na mga pagpapasiya sa araw- araw. Isang magandang paraan ito
upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi
itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan
at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang
paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon, at pagbabalik-
tanaw.

7
Ayon kay Stephen Covey sa kaniyang aklat na Seven Habits of Highly Effective
People, “begin with the end in mind.” Nararapat na ngayon pa lamang ay malinaw na
sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nais mong mangyari sa iyong
buhay. Mahalagang kilalanin mong mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong
katangian, pagpapahalaga, at layunin. Mag-isip ng nais mong mangyari sa
hinaharap at magpasiya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang
matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon. Ayon
din kay Covey, ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay ay nararapat
na iugnay sa pag-uugali at paniniwala sa buhay.
Sa paglikha ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay, makatutulong na
magkaroon ka ng pansariling pagtataya o personal assessment sa iyong
kasalukuyang buhay. Ang resulta nito ay magiging kapaki- pakinabang sa iyong
mapanagutang pasiya at kilos.

Narito ang mga dapat mong isaalang- alang sa pansariling pagtataya:

1. Suriin ang iyong ugali at katangian. Simulan mo ang paggawa ng iyong


PPMB sa pamamagitan ng pagtatala ng iyong ugali at mga katangian. Ang
pangunahin mong katangian ang magpapakilala sa iyo kung sino ka, paano
ka naapektuhan ng mundo na iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo,
at paano mo isasakatuparan ang iyong pagpapasiya.
2. Tukuyin ang iyong mga pinahahalagahan. Kailangang maging maliwanag
sa iyo kung saan nakabatay ang iyong mga pagpapahalaga. Kung saan
nakatuon ang iyong lakas, oras, at panahon. Ang iyong mga pinahahalagahan
ang magiging pundasyon mo sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
3. Tipunin ang mga impormasyon. Sa iyong mga naitalang impormasyon,
laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay
mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang
magbibigay sa iyo ng tamang direksiyon sa landas na iyong tatahakin.

Ang PPMB ay maaaring mabago o mapalitan dahil patuloy na magbabago ang


tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nangyayari sa kaniyang buhay. Ngunit
magkagayon man, ito pa rin ang magsisilbing saligan sa pagtahak niya sa tamang
landas ng kaniyang buhay. Sabi nga sa isang kataga, “All of us are creators of our
destiny”. Ibig sabihin, tayo ang lilikha ng ating patutunguhan. Napakaganda hindi
ba? Kaya pag- isipan mong mabuti, sapagkat anuman ang iyong hahantungan, iyan
ay bunga ng iyong mga naging pagpapasiya sa iyong buhay.
Kung ang isang tao ay mayroong PPMB, mas malaki ang posibilidad na
magiging mapanagutan siya upang makapagbahagi sa pagkamit ng kabutihang
panlahat. Makatutulong ito upang makita mo ang halaga ng iyong pag- iral sa
mundo na ikaw bilang tao ay mayroong misyon na dapat gampanan sa iyong buhay.
Anuman ito ay dapat mong pagnilayan at ihanda ang iyog sarili kung paano mo ito
sisimulan at gagawin. Mula dito, kailagang malinaw sa iyo ang iyong pag- iral: ikaw
ay mayroong misyon na dapat gampanan.
Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay
na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang
trabaho o tungkulin nang buong husay, na may kasamang kasipagan at
pagpupunyagi.
Mula sa misyon, ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay
galling sa salitang Latin na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw
na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob
Niya sa atin. Ito ay mahalaga sa pagpili mo ng propesyong akademik, teknikal-
bokasyonal, sining at disenyo, at isports pagkatapos mo ng Senior High School.

8
May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Mahalaga na ito ay iyong
mabatid sapagkat sa anumang propesyon na iyong tatahakin, kailangan na makita
mo ang kaibahan nito at kung paano mo ito iuugnay sa iyong buhay.

Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito


ang resulta ng kaniyang pinag- aralan o matagal na ginagawa at naging eksperto na
siya dito. Ito ay maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat
ito ang pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang
nakatuon ang kaniyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.
Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas
kawili- wili ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat
nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi niya
nararamdaman ang pagkabagot. Hindi nagiging kompleto ang araw sa kaniya kung
hindi ito magagawa sapagkat ito ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang
buhay. Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa
kundi isang misyon na nagiging isang bokasyon. Dito tunay na nagkakaroon ang tao
ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at
kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.
Kaya napakahalaga para sa isang tao lalo na sa iyo bilang kabataan na bumuo
ng PPMB. Nakikita mo na ba ang kahalagahang ito para sa iyo? Ito ang
makapagbibigay ng direksiyon sa iyong buhay upang sa pagtahak mo ng iyong
misyon patungo sa iyong bokasyon ay maging malinaw ito sa iyo ng kaganapan
bilang tao.
Mula rito ay madarama mo ang tunay na kaligayahan. Wika nga ni Fr. Jerry
Orbos: ang pangunahing sangkap para sa tunay na kaligayahan ng tao ay
magkaroon ng misyon. Aniya, ang misyon ay hindi lamang para kumita ng pera,
maging mayaman o maging kilala o tanyag. Ang tunay na misyon ay ang
maglingkod. Ang paglilingkod sa Diyos at sa kapuwa ang magbibigay sa tao ng
tunay na kaligayahan.
Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pagbuo ng iyong PPMB, narito ang
halimbawang ginawa ng isang guro.

Bilang isang mapagmahal at matiyagang guro na patuloy na


naglalakbay sa buhay, ang bawat araw ay nagsisilbing hamon na
tunay. Kung kaya’t ang mga layunin ay kailangan na makamit at sa
puso ay laging masambit: (1) pananalig sa Diyos ay dapat ipakita
upang laging gabayan sa tuwina, (2) patuloy na pag- aaral ay
kailangan upang higit na maging kapaki- pakinabang, (3) pagtulong
sa mag- aaral sa problemang kanilang pinagdaraanan ay magiging
susi upang sila ay mapangiti (4) pagiging tapat sa tungkulin ang hain
na sa bawat araw ay gagawain.

Mula sa PPMB ng isang guro, narito ang mga hakbang upang lalong
mapatatag ng mga element nito. Mahalaga na ikaw ay gumawa ng matrix o
talahanayan dahil makatutulong ito nang malaki upang lalong maging tiyak ang mga
isusulat sa pahayag.

9
Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/Panahon
Pananalig sa  Regular na pagdarasal  Pagkagising sa
Diyos  Pagsisimba umaga, bago at
 Pagbabasa ng Bibliya pagkatapos kumain,
 Pagdarasal bago at bago matulog
magsimula ang bawat  Tuwing araw ng
klase Linggo
 25 minuto bago
matulog
 Araw- araw mula
Lunes- Biyernes
Patuloy na pag-  Pagkuha ng Masters  Tuwing Sabado at
aaral Units mga araw ng
 Pagbabasa ng mga bakasyon
angkop na babasahin na  1 oras araw- araw
may kinalaman sa
asignaturang itinuturo
 Paggamit ng bagong
kaalaman na  1 beses sa isang
maktutulong sa linggo
ikagaganda ng aralin sa
araw- araw
Pagtulong sa  Pagbibigay ng payo o  Tuwing araw ng
mag- aaral sa counseling Biyernes
problemang  Pagdalaw sa kanilang  Minsan sa llob ng
kanilang tahanan isang buwan
pinagdaraanan  Pakikipag- ugnayan sa  Bigayan ng card
magulang

Sa paggawa nito isaalang- alang ang kraytiryang SMART, ibig sabihin,


Specific, Measurable, Attainable, Relevant, Time Bound. Ito ay mahalaga upang
maging kongreto sa iyo ang iyong tatahakin sa iyong buhay.

Tiyak (Specific).
Kailangan ang lahat ng isusulat mo dito ay ispisipiko. Kung kaya’t
mahalaga na magnilay ka upang makita mo ang nais mong tahakin. Hindi
makatutulong sa iyo kung pabago- bago ka ng iyong nais. Kailangan mong
siguraduhin ang iyong gagawin.
Nasusukat (Measurable).
Nasusukat mo ba ang iyong kakayahan? Kailangan na ang isusulat mo
sa iyong PPMB ay kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo ring
pagnilayang mabuti kung ito ba ay tumutugma sa iyong mga kakayanan
bilang isang tao dahil kung hindi, baka hindi mo rin ito matupad.

Naaabot (Attainable).
Tanungin ang sarili: Makatotohanan ba ang aking PPMB? Kaya ko bang
abutin o gawin ito? Mapanghamon ba ito?
Angkop (Relevant).
Angkop ba ito para makatugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa?
Isa ito sa kinakailangan mong tingnan at suriin. Dito ay kailangan ituon mo
ang iyong isip na ang buhay ay kailangan na ibahagi sa iba.

10
Nasusukat (Time Bound).
Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan mo
maisasakatuparan ang iyong isinulat. Ito ang magsasabi kung ang personal
na pahayag ng misyon sa buhay ay iyong nagawa o hindi. Kailangan rin na
itakda ito kung pangmatagalan o pangmadalian lamang upang maging gabay
mo ito sa iyong mga pagpaplano at pagpapasiyang gagawin.

Kung ang isang barkong naglalayag sa dagat sa gabi at sa panahon ng bagyo


ay makaranas ng kawalan ng direksiyon, ano kaya ang gagabay dito upang
maiwasan ang pagkaligaw ng daan at malayo sa kapahamakan? Walang iba kundi
ang lighthouse. Ito ay tore o gusali na kamukuha ng ilaw mula sa mga lampara o
lenses at ginagamit bilang gabay ng mga naglalayag na barko laban sa mga panganib
o pagkalubog sa dagat. Maituturing mo ba ang iyong Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay bilang iyong lighthouse? Paano kang makasesegurong makararating nang
ligtas sa iyong destinasyon (iyong mga mithiin at pangarap sa buhay) gamit ang iyong
lighthouse?

Tayo’y Magsanay
Gawain 3.

Panuto:
1. Isulat sa loob ng puso ang iyong mga positibong taglay na katangian
2. Pagkatapos, pumili ka ng isang katangian mo na gustong- gusto mo.
3. Ilagay ito sa loob ng pentagon.
4. Ipaliwanag mo kung bakit mo ito nagustuhan. Ano ang naitulong nito sa iyo?

KATATAGAN:
HalImbawa:
Ito ang
 Katatagan
pinanggagalingan
 Kababaang- loob
 Maingat na ng aking lakas
paghuhsga tuwing dumarating
 Pagtitimpi ang problema at
pagsubok sa aking
buhay.

11
Gawain 4

Panuto:
1. Isulat mo naman ngayon sa loob ng kahon ang mga tagumpay na iyong
naranasan noong mga nakaraang taon.
2. Maaaring ang mga ito ay tagumpay mo sa paaralan, pamilya, pamayanan,
simbahan, atbp.
3. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Ang Aking Mga Tagumpay

Pagkatapos, sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng gawain? Ipaliwanag.


2. Nakatulong ba ang iyong mga pagpapahalaga sa mga nakamit mong
tagumpay?
3. Paano mo napagtagumpayan ang mga balakid sa pagkamit ng mga
tagumpay na ito?

12
Ating Pagyamanin

Gawain 5.
Panuto:
1. Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, punan ng mga angkop na salita
ang pangugngusap sa ibaba upang mabuo ang Batayang Konsepto.
2. Hanapin ang sagot sa loob ng kahon.

Panlahat Misyon nilalang kumikilos Personal

Ang ____________ na Pahayag ng ______________ sa Buhay ay dapat na


nagsasalamin ng kanyang pagiging natatanging _____________ na nagpapasya at
__________ nang mapanagutan tungo sa kabutihang ______________

Ang Aking Natutuhan

Ngayon ay nabatid mo na ang pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa


Buhay ay mahalaga. Ito ang iyong magiging saligan sa iyong buhay. Kung kaya sa
bahaging ito ng aralin, inaasahan na matulungan ka upang makabuo ng Personal
na Pahayag ng Misyon sa Buhay.

Gawain 6.

Panuto:

1. Matapos mong basahin at pagnilayan ang babasahin at gawin ang natapos


na gawain, bumuo ng Batayang Konsepto gamit ang graphic organizer.
2. Gawing pormat ang nasa ibaba

13
Bakit mahalaga ang
pagbuo ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa
Buhay?

Gawain 7.

Isipin mo na ikaw ay magdiriwang ng iyong ika – 50 na kaarawan. Marami


kang inimbitahan na bisita. Sa bahagi ng programa ay nasorpresa ka sapagkat ang
mga kakilala, kapamilya, at kaibigan mo na naroon ay magbibigay pala sa iyo ng
isang parangal o tribute. Isa- isa silang magsasalita tungkol sa iyo.

Panuto:

1. Punan ang kolum sa ibaba.


2. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Magsasalita Ano ang gusto mong sabihin nila


sa iyo?
1. Pamilya
2. Kaibigan
3. Dating kamag- aral
4. Kapitbahay
5. Dating kasama sa trabaho

Kaisipan:

1. Ano kaya ang maaalala nila na ginawa mo?


2. Ano kaya ang sasabihin nila tungkol sa iyo?

14
3. Anu- ano kayang mga katangian ang maalala nila sa iyo?
4. Lahat kaya ng gusto mong sabihin nila para sa iyo ay nagawa mo?
O mayroon ka pang dapat ayusin at isagawa?

Ating Tayahin
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin
ang titik na pinakaangkop na sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Saan dapat makabubuti ang isasagawang pagpapasiya?

A. Sarili, simbahan, at lipunan


B. Kapwa, lipunan, at paaralan
C. Paaralan, kapwa, at lipunan
D. Sarili, kapwa, at lipunan

2. Ang sumusunod ay pansariling pagtataya sa paglikha ng Personal na Misyon


sa Buhay, maliban sa:

A. Suriin ang iyong ugali at katangian


B. Tukuyin ang mga pinahahalagahan
C. Sukatin ang mga kakayahan
D. Tipunin ang mga impormasyon

3. Sa paggawa ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay kinakailangan na


gamitan mo ito ng SMART. Ano ang kahulugan nito?

A. Specific, Measurable, Artistic, Relevance, Time Bound


B. Specific, Measurable, Attainable, Relevance, Time Bound
C. Specific, Manageable, Attainable, Relevance, Time Bound
D. Specific, Manageable, Artistic, Relevance, Time Bound

4. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang direksiyon ang isang tao.

A. Upang siya ay hindi maligaw


B. Upang matanaw niya at marating ang hinaharap
C. Upang mayroon siyang gabay
D. Upang magkaroon siya ng kasiyahan

5. Ayon kay Rev. Fr. Jerry Orbos, ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa
Diyos at kapwa. Ano ang maibibigay nito sa tao sa oras na isinagawa niya ito?

A. Kapayapaan B. Kaligtasan C. Kaligayahan D. Kabuuan

15
16
ATING TAYAHIN SUBUKIN NATIN
1. d 1. d
2. c 2. c
3. b 3. c
4. b 4. a
5. c 5. a
Gabay sa Pagwawasto
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing


Corporation Department of Education -Insructional Materials Counsil
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Curriculum Guide- MELC 2020-2021

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO Palawan

Curriculum Implementation Division Office


2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

17

You might also like