100% found this document useful (1 vote)
417 views6 pages

AP9-Modular (Benevolence) May 3

1. The document discusses learning standards and objectives for an Araling Panlipunan or Social Studies class focusing on the indicators of national development. 2. It provides an overview of the lesson which will examine the signs of national development, explain each indicator, and emphasize the concept and indicators of national development. 3. Students are expected to demonstrate understanding of key knowledge about national economy as part of improving the livelihood of fellow citizens toward national development.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
417 views6 pages

AP9-Modular (Benevolence) May 3

1. The document discusses learning standards and objectives for an Araling Panlipunan or Social Studies class focusing on the indicators of national development. 2. It provides an overview of the lesson which will examine the signs of national development, explain each indicator, and emphasize the concept and indicators of national development. 3. Students are expected to demonstrate understanding of key knowledge about national economy as part of improving the livelihood of fellow citizens toward national development.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

Learning Area

ARALING PANLIPUNAN
Learning Delivery BLENDED LEARNING
Modality

Paaralan TAAL NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 9


Guro NERISSA N. DE SAGUN Asignatura Araling Panlipunan
Petsa MAY 3, 2023 Markahan Ikaapat na Markahan
Pangkat/ BENEVOLENCE 12:45-1:30 Araw 1
Oras

Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:


I. LAYUNIN 1. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
2. Naipapaliwanag ang bawat palatandaan.
3. Nabibigyang-halaga ang konsepto at palatandaan ng pambansang
kaunlaran.

A.Pamantayang Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman


tungkol sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng
Pangnilalaman pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran

B. Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti
sa pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
C. Pinakamahalagang
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan Wala
(Enabling Competency)
Wala
E. Pagpapayamang
Kasanayan
II. NILALAMAN PAKSA: MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD
III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC AP 9
1. Mga Pahina sa Gabay Pivot 4A Learners Material in Araling Panlipunan
ng Guro AP Curriculum Guide
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Ekonomiks Modyul para sa mga Mag-aaral (Pahina 345-349)
aaral
3. Karagdagan Kagamitan MELCs
mula sa Portal ng Learning https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf Pahina 200
Resource
B. Listahan ng mga Laptop/ Personal Computer with Internet Connection
Kagamitan Panturo Slide Deck Presentation
para sa mga Gawain sa Modyul ng mag-aaral
Mga Larawan
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
1. Panimula
Balitaan Muna Tayo
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng mga
napapanahong isyu. Maaring ito ay may kaugnayan sa
pambansang ekonomiya, o anumang balita na
nagaganap sa loob at labas ng bansa. P

Gawain I : Magbasa tayo


MGA PALATANDAAN SA PAG-UNLAD
Ang Pambansang Kaunlaran ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na
masuportahan ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na
pamumuhay at takbo ng ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ay nagsasabi kung ang
isang lipunan ay nagampanan ang kabutihan para sa panlipunang kapakanan tulad
ng edukasyon, kalusugan, imprastraktura at iba pang serbisyong panlipunan. Ito rin
ay tumutukoy sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at kagamitan,
pangkalahatang pagbabagong pangkabuhayang gawain mula agrikultura patungo
sa sektor ng industriya.

Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran

1. Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.


2. Mga pagbabago sa lipunan gaya ng pagtatayo ng mga bagong istruktura.
3. Pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao o ang pagbawas sa mga iskwater.
4. Hindi makikita ang pagkakaroon ng hindi pagkakapantay-pantay na antas
ng pamumuhay ng mga tao.
5. Mayroong kaayusang panlipunan ang isang bansa.
6. Mayroong kalayaan ang mga tao na makaahon sa kahirapan.
7. Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.

Ayon sa sinulat ni Feliciano R. Fajardo, inilahad niya ang pagkakaiba ng


pagsulong at pag-unlad. Ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.
Ang pagsulong ay nakikita at nasusukat tulad halimbawa ng daan, sasakyan,
kabahayan, gusali, pagamutan, bangko, paaralan at marami pang iba.
Sa kabilang banda, ayon naman kina Michael P. Todaro at Stephene C. Smith
sa tradisyunal na pananaw, binigyang diin ang pag-unlad bilang pagtamo ng
patuloy na pagtaas ng income per capita nang sa gayon ay mapabibilis ang pagdami
ng awtput ng bawat bansa kaysa sa bilis ng pag-unlad ng populasyon. Sa
makabagong pananaw naman ang pagsulong ay kumakatawan sa malawakang
pagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat ituon ang pansin sa iba’t ibang
pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao upang masiguro ang paglayo
mula sa di- kaayaayang kondisyon ng pamumuhay tungo sa kondisyon na mas
kasiya-siya.
Mga Salik sa Pag-unlad at Pagsulong

1. Likas na Yaman -Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa


pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig,
kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman
sa mabilis na pagsulong ng isang bansa.

2. Yamang-Tao - Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng


ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang
bansa kung maalam at may kakayahan ang mga manggagawa nito.

3. Kapital - Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng


ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa
mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo.

4. Teknolohiya at Inobasyon- Sa pamamagitan ng mga salik na ito,


nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang –yaman upang
mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.
Mga Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang
pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ng pamahalaan
ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng
libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan at iba pa.
2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa
anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan
at pamamahala. Mahalagang maitaguyod ng mga mamamayan ang kultura
ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap tanggap
ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling
nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan at sa
trabaho.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba - Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay
isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging
kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.

2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino.


Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng
Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.

MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa
pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan
upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay
kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa.

2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino - Ang yaman ng bansa ay nawawala


tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin
ang mga produktong Pilipino.

MAALAM
1. Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran
ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga
isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato
ang may malalim na kabatiran sa mga ito.

2. Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad -


Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng
mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.

Upang lalong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng


araling ito, iyong basahin ang teksto tungkol sa Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran, Konsepto ng Pag-unlad na nasa AP 9 Ekonomiks LM
pahina 345-349.

Makakatulong upang iyong makuha ang mahahalagang punto sa paksa sa


pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gabay na tanong. Ang iyong magiging
sagot ay magsisilbing kaalamang magagamit sa mga susunod na gawain. Hindi mo
na kailangang isulat ang iyong sagot.

2. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: SA AKING PALAGAY


Panuto: Sagutin ang tanong: Sa iyong palagay, ano-ano ang mga paraan upang
umunlad at guminhawa ang isang bansa? Isulat ang mga sagot sa loob ng lobo.
Kopyahin ang mga lobo sa sagutang papel. (Halaw sa AP 9 Ekonomiks)

3. Pakikipagpalihan Ngayon ay matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa unang bahagi na
nagpapakita ng iyong pagkaunawa sa mga araling tinalakay. Sa pagkakataong ito ay
subukin natin na maiugnay ito sa inyong pang-araw araw na buhay.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: NGAYON AY ALAM KO NA

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Sa usaping kaunlaran, alin sa pitong palatandaan ng Pambansang Kaunlaran


ang taglay ng Pilipinas? Ipaliwanag.

Sagot:________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________________

2. Naniniwala ka ba na ang likas na yaman, yamang-tao, kapital, teknolohiya at


inobasyon ang magpapaunlad at magpapasulong sa kaunlaran ng isang
bansa?
Oo o hindi? Patunayan.
Sagot:________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________
3. Bilang isang mag-aaral, anong ambag ang maaari mong ibigay para sa
kaunlaran ng iyong kinabibilangang pamayanan, ang pagiging maabilidad,
makabansa, o maalam. Patunayan.

Sagot:_________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
__________________________

4. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Alam Ko ‘to!

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang salita upang mabuo ang pahayag.
Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.
Income per capita Yamang- tao
Kapital Pambansang Kaunlaran
Likas na Yaman Teknolohiya at Serbisyo

______________________1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng isang bansa na suportahan


ang lahat ng pangangailangan ng tao para sa matiwasay na pamumuhay at takbo ng
ekonomiya ng isang bansa.
______________________2. Ito ang mga salik na ginagamit nang mas episyente sa mga
pinagkukunang yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at
serbisyo.
______________________3. Isa sa mga mahahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng
ekonomiya.
______________________4. Malaki ang naitutulong nito sa pagsulong ng ekonomiya
lalong-lalo na ang yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral.
______________________5. Ito naman ay sinasabing lubhang mahalaga sa pagpapalago ng
ekonomiya ng isang bansa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: HANDA NA AKO

1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pag-unlad ng bansa? Paano mo hihikayatin ang ibang tao na tulungan ang bansang
Pilipinas na bumangon mula sa kahirapan? Gawin ito sa sagutang papel.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
______________________________________________.
2. Magbigay ka ng sarili mong opinyon kung paano makatutulong ang mga
mamamayan sa pag-angat ng ekonomiya ng bansang Pilipinas? Gawin ito sa
sagutang papel.
________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________.

REPLEKSIYON NG KATOTOHANAN
Panuto: Dugtungan ang pahayag upang makabuo ng realisasyon tungkol sa
V.PAGNINILAY
konsepto ng aralin.

Nauunawaan ko na __________________________________________________.
Nabatid ko na _______________________________________________________

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

________________________________ _________________________________
NERISSA N. DE SAGUN RODNIE M. MAGSINO
Gurong Nagsasanay Guro III

Pinagtibay ni:

_________________________________
WILSON T. OJALES Ed.D
Principal IV

You might also like