Learning Area
ARALING PANLIPUNAN
Learning Delivery Modality BLENDED LEARNING
Paaralan TAAL NATIONAL HIGH SCHOOL Baitang 9
Guro NERISSA N. DE SAGUN Asignatura Araling Panlipunan
Petsa MAY 3, 2023 Markahan Ikaapat na Markahan
Pangkat/ HOPE 4:15-5:00 Araw 1
Oras
Sa araling ito, ang mga mag- aaral ay inaasahang:
I. LAYUNIN 1. Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
2. Naipapaliwanag ang bawat palatandaan.
3. Nabibigyang-halaga ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran.
A.Pamantayang Naipamamalas ng mag- aaral ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa
Pangnilalaman pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa
mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
Ang mag-aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
B. Pamantayan sa Pagganap
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa
pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
C. Pinakamahalagang
Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran
Kasanayan sa Pagkatuto
(MELC)
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Enabling Competency) Wala
Wala
E. Pagpapayamang Kasanayan
II. NILALAMAN PAKSA: MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Mga Sanggunian MELC AP 9
1. Mga Pahina sa Gabay Pivot 4A Learners Material in Araling Panlipunan
ng Guro AP Curriculum Guide
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pangmag- Ekonomiks Modyul para sa mga Mag-aaral (Pahina 345-349)
aaral
3. Karagdagan Kagamitan MELCs
mula sa Portal ng Learning https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019 /01/AP -CG.pdf Pahina 200
Resource
B. Listahan ng mga Kagamitan Laptop/ Personal Computer with Internet Connection
Panturo para sa mga Slide Deck Presentation
Gawain sa Pagpapaunlad Modyul ng mag-aaral
at Pakikipagpalihan Mga Larawan
IV. PAMAMARAAN
1. Panimula
Balitaan Muna Tayo
Ang mga mag-aaral ay magsusulat ng mga napapanahong
isyu. Maaring ito ay may kaugnayan sa pambansang
ekonomiya, o anumang balita na nagaganap sa loob at labas
ng bansa. P
Gawain I : Magbasa tayo
Mga Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran
MAPANAGUTAN
1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad
ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ng pamahalaan ng sapat na halagang
magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng, edukasyon, murang
programang pangkalusugan at iba pa.
2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at
korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala.
Mahalagang maitaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa
pribado at publikong buhay. Hindi katanggap tanggap ang pananahimik at
pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa
komunidad, sa paaralan, pamahalaan at sa trabaho.
MAABILIDAD
1. Bumuo o sumali sa kooperatiba- Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang
paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa
paglikha ng yaman ng bansa.
2. Pagnenegosyo- Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat
nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang
kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan.
MAKABANSA
1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa- Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng
barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga
adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat
mamamayan upang umunlad ang bansa.
2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino- Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing
tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga
produktong Pilipino.
MAALAM
1. Tamang pagboto- Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga
kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung
pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may
malalim na kabatiran sa mga ito.
2. Pagtutupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad -
Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.
Upang lalong mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa nilalaman ng araling ito,
iyong basahin ang teksto tungkol sa Konsepto at Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran,
Konsepto ng Pag-unlad na nasa AP 9 Ekonomiks LM pahina 345-349.
Makakatulong upang iyong makuha ang mahahalagang punto sa paksa sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na gabay na tanong. Ang iyong magiging sagot ay
magsisilbing kaalamang magagamit sa mga susunod na gawain. Hindi mo na kailangang
isulat ang iyong sagot.
2. Pagpapaunlad Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:
Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bilang isang mag-aaral, anong ambag ang maaari mong ibigay para sa kaunlaran ng
iyong kinabibilangang pamayanan, ang pagiging maabilidad, makabansa, o maalam.
Patunayan.
3. Pakikipagpalihan
Ngayon ay matagumpay mong nasagutan ang mga gawain sa unang bahagi na
nagpapakita ng iyong pagkaunawa sa mga araling tinalakay. Sa pagkakataong ito ay subukin
natin na maiugnay ito sa inyong pang-araw araw na buhay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Handa na ako
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang iyong sagot sa papel.
1. Bilang isang mag-aaral, ano-ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pag-unlad
ng bansa? Paano mo hihikayatin ang ibang tao na tulungan ang bansang Pilipinas na
bumangon mula sa kahirapan? Gawin ito sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________.
2. Magbigay ka ng sarili mong opinyon kung paano makatutulong ang mga mamamayan sa
pag-angat ng ekonomiya ng bansang Pilipinas? Gawin ito sa sagutang papel.
__________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________
___________________________.
4. Paglalapat Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Alam Ko ‘to!
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang salita upang mabuo ang pahayag.
1. Ito ay ugaling pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato
bago pumili ng iboboto.
2. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at
pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan
ng mga Pilipino
3. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong
upang magkaroon ng pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga
serbisyong panlipunan
4. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng
pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa.
5. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon
maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: SANAYSAY
Panuto: Gumawa ng sanaysay patungkol sa pagkakaroon ng kaunlaran sa ating bansa at
paano mo ito pinapahalagahan.
REPLEKSIYON-AKSYON
V.PAGNINILAY
Apat na uri ng pagkilos ng pambansang kaunlaran ang aking natutunan ito ay ang mga
1. ____________________________________
2. _______________________________________
3. _______________________________________
4. _______________________________________
Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:
________________________________ _________________________________
NERISSA N. DE SAGUN RODNIE M. MAGSINO
Gurong Nagsasanay Guro III
Pinagtibay ni:
_________________________________
WILSON T. OJALES Ed.D
Principal IV