0% found this document useful (0 votes)
203 views19 pages

Fil 01 Modyul 3

This document provides an overview of Module 3 of the Filipino language course "Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino". The module discusses processing information through selecting sources, categorizing processes, and reading/researching information. It also covers traditional and modern forms of communication used by Filipinos, such as gossiping, community gatherings, and local expressions. The purpose is to explain the importance of the Filipino language in contextual communication and to apply it in specific communication situations in Philippine society.

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
203 views19 pages

Fil 01 Modyul 3

This document provides an overview of Module 3 of the Filipino language course "Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino". The module discusses processing information through selecting sources, categorizing processes, and reading/researching information. It also covers traditional and modern forms of communication used by Filipinos, such as gossiping, community gatherings, and local expressions. The purpose is to explain the importance of the Filipino language in contextual communication and to apply it in specific communication situations in Philippine society.

Uploaded by

Jamie ann duquez
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 19

Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

______________________________
https://userscontent2.emaze.com/images/208ccc97-5fc8-411f-b7d3-
b4367221f134/ce88766a13acebfeae189b4f4ab3a82d.png

_______________________________________________________________________________________________________________________
Bb. Alixson Jasrel D. Dela Peña
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for


our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian
College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were not always
specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material in good faith,
believing that they were made accessible online to help advance understanding of topics
and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC believes that, because
such material is being used strictly for research, educational, and non-commercial
purposes, this constitutes fair use of any such material as provided for in Section 185 of
the Copyright Law of the Philippines; and

Section 177 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial
portions thereof) was copied; only isolated articles and brief portions were
copied/provided links in the modules and online lessons. Also, all our students are
informed of proper attribution and citation procedures when using words ideas that are
not their own.

2|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

MODYUL Fil 01
3 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Desripsyon ng Kurso:

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-
kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan.
Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa
kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa
kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.

Ang KONTEKSTWALISADO ay nangangahulugang mahirap maunawaan ang nilalaman o


konteksto kung hindi ito nauunawaan o naiintindihan ang kahulugan.
KOMUNIKASYON ang tawag sa isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ito
ay mula sa salitang latin na “Communis” na nangangahulugang panlahat.
Ang KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON ay isang paraan sa paggamit ng wikang
Filipino sa pagsasalita sa kapwa tao at pagsusulat gamit ang wikang Filipino. Nakatuon dito ang
pakikinig sa tao gamit ang wika natin at pagsusulat gamit ang wikang Filipino.

Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer……………………………………………………….…2
Deskripsyon ng Kurso……………………………………………………………….3
Pamantayang Pampagkatuto………………………………………………………...4
Panimula…………………………………………………………………………….5
YUNIT III: Pagproseso ng Impormasyon………………………………………......6
YUNIT IV: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng Filipino….…………………….8
Mga Gawain……………………………………………………………….......……16
Sanggunian………………………………………………………………………….18

3|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

MODYUL
Fil 01
3 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Pamantayan sa Pampagkatuto

Layunin ng kursong ito ang mga sumusuod;


• Maipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikayon sa
lipunang Pilipino;
• Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalas ng wikang Pambansa, pagpapatibay
ng kolektibong identidad at pambansang kaunlaran;
• Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino; at
• Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika.

TUNGKOL SAAN ANG MODYUL


Kapag ba ikaw ay nagbabasa, ganoon ba kadaling maimbak sa iyong memorya ang
mahahalagang impormasyon? Ganoon ba katalas ang iyong isip? O kaya naman,
nangangailangan ng sulating papel at doon itatala ang mahahalagang impormasyon?
Sa modyul na ito matutunghayan ang pagproproseso. Ang impormasyon ay
maihahalintulad sa kung paano inaayos ang tahanan o opisina. Nararapat na gamitan ito ng
iba’t ibang epektibong estratehiya. Tulad ng pag-aayos ng tahanan at opisina, inaalam kung
paano ayusin sa tamang lagayan.

Ang mga Inaasahang bahagi ng modyul 2,


YUNIT III: Pagproseso ng Impormasyon
A. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
B. Kategorya ng Proseso ng Impormasyon
C. Pagbasa at Pannaliksik ng Impormasyon

YUNIT IV: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Filipino


A. Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon
B. Tsismisan, Umpukan, Pagbabahay-bahay, Pulong-bayan
C. Komunikasyong Di-Berbal
D. Mga Ekpresyong Lokal

4|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Direksyon:
1. Basahin nang mabuti ang nilalaman ng modyul na ito.
2. Ihanda ang inyong ballpen at papel.
3. Pag-aralan ang mga paksang inilahad sa bawat pahina.
4. Tapusin ang mga gawain sa modyul at subukin ang sariling kakayanan.
5. Isumite sa nakatakdang oras ang mga awtput.
6. Kunsultahin ang kung may nais na tanungin o linawin sa modyul:
alixsonjasreldp@gmail.com sa oras ng inyong klase lamang.

PANIMULA
Pagmasdan ang larawang inilahad sa kanan. Ito
ay larawan na naglalaman ng pagbibigay-puri sa ating
Presidente sa paraan na ginagawa niya sa pagsugpo ng
pandemya. Dagdag pa, bilang mga Pilipino ay nararapat
daw na magbigay ng papuri sa kanya dahil mahirap na
sa panahon ngayon ang magkaroon ng mahusay na lider
sa bansa.
Ang Tanong: Kung ikaw ang susuri sa larawang
ipinakita, ano ang masasabi mo sa larawang ito? Ito ay
kumalat noon sa social media at naging popular sa mga
netizens.
Ngunit sa katunayan, walang katotohanan ang
larawang ito dahil ang pangalang Velma Dinkley na
tinutukoy sa larawan ay isang karakter sa Scooby Doo. Ang
babaeng nasa larawan naman ay isang karakter na si
Inspector Alicia Sierra sa isang series na pinamagatang La
Casa de Papel o mas kilala bilang Money Heist.

ANO ANG IMPLIKASYON NG LARAWANG NABANGGIT?


✓ Madali tayong mapaniwala
✓ Hindi tayo nagiging mapanuri
✓ Tuluyan tayong maloloko kung naniniwala tayo sa lahat ng nakikita
5|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

YUNIT III: Pagproseso ng Impormasyon


A. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon
Ang impormasyon ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga
naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling
karanasan. Maaari ding ang mga impormasyon ay mga kaisipang nabubuo sa isipan o
representasyon at interpretasyn sa mga bagay sa paligid sanhi ng kaayusan, laki, hugis, kulay
o bilang ng mga ito
Ang mga datos at kaalaman ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na gamit
ang mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang makabuo
ng bagong impormasyon. Ang kaalaman ay mga kaisipang natutuhan bunga ng pagproseso ng
impormasyon o mga kaisipang natamo o natutuhan mula sa maraming karanasan.

B. Kategorya ng Proseso ng Impormasyon


1) Pandinig (aural o auditory)
Sa pamamagitan ng pandinig ay natatamo ang
mahahalagang impormasyon, Nakakapagproseso ang isang
indibidwal dahil ginagamit niya ang pandinig.
2) Pampaningin (visual)
Ilan sa mga kagamitan para sa mga indibidwal na may
kahusayang biswal ay ang mapa, tsart, dayagram, graphic
organizer, mga pattern at mga hugis. Ang mga
impormasyon ay kanilang napoproseso sa pamamagitan ng
mga bagay na kanilang nakikita.
3) Pagkilos (kinesthetic)
Ang salitang kinesthetic ay may kaugnayan sa
salitang Griyego na nangangahulugang pagkilos.
Sa prosesong ito, nagaganap ang pag-unawa sa
pamamagitan ng pagkilos o paggawa ng isang
bagay na pisikal.
https://www.pngkit.com/png/detail/396-3964731_png-ear-clipart-listening-ears-clip-art.png
http://clipart-library.com/visual-learning-cliparts.html

Hakbang sa pagproseso ng impormasyon

1. Pagtukoy 3. Pagpipili (Selecting) 5. Paglalahad /


(Defining) Pagbabahagi
(Presenting)

2. Paghahanap 4. Pagtatala at
(Locating) Pagsasaayos
(Recording and Organizing) 6. Pagtatasa
(Assessing)

6|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

C. Pagbasa at Pananaliksik ng Impormasyon


Ang kasalukuyang panahon ay tinatawag na information
age. Mabilis ang pagdami at pagbabahagi ng impormasyon
dahil sa maunlad na teknolohiya. Ang mga impormasyon ay
dapat na masubaybayan upang makasabay sa mga kaalamang
napapanahon. Iba-ibang kaalaman at karanasan ang
naipararanas upang makasabay sa mga kaalamang
https://www.istockphoto.com/search/2/image?me
napapanahon. diatype=illustration&phrase=college+students

Iba-ibang kaalaman at karanasan ang naipararanas ng siyensya at teknolohiya na maaaring


matunghayan sa mga pahina ng iba’t ibang. kaalaman at karanasan ang naipararanas ng isiyensya
at teknolohiya na maaaring matunghayan sa mga pahina ng iba’t ibang materyales tulad ng aklat,
journal, magasin at mga e-book. Sa kabila ng katotohanan na marami na sa kasalukuyan ang mga
babasahin na sinasabing nagsulputang parang kabute, maliit na porsyento pa rin ang ginugol para
sa paghahanap ng mahahalagang impormasyon. Napakaraming babasahing limbag o di-limbag
ang nakikisabay rin sa pagkalat ng impormasyon na walang katotohanan o fake news.

Kahalagahan ng Pagbasa Kahalagahan ng Pananaliksik

1. Nakapagpapalawak ng pananaw at ✓ Nagpapayaman ng kaisipan- Lumalawak ang


paniniwala sa buhay kaisipan ng isang mananaliksik dahil sa
walang humpay na pagbasa, nag-iisip,
2. Nakapagpapatatag sa tao na harapin ang
nanunuri at naglalahad o naglalapat ng
mga di-inaasahang suliranin sa pangaraw-
araw interpretasyon.
✓ Lumalawak ang karanasan- napapalawak ang
3. Nakapagpapataas ng uri ng panlasa sa eksperyensya ng isang manunulat sa mundo
mga babasahin ng pananaliksik dahil sa marami siyang
nakasalamuha sa pagkalap ng mahahalagang
4. Nagbibigay ng impormasyon na nagiging datos, pagbabasa, paggalugad sa mga
daan sa kabatiran at karununggan
kaugnay na literatura.
5. Nakapagbibigay ng aliw at kasiyahan ✓ Nalilinang ang tiwala sa sarili- tumaas ang
respeto at tiwala sa sarili kung maayos at
6. Nakapagdudulot ng iba’t ibang karanasan matagumpay na naisakatuparan ang alinmang
sa buhay pag-aaral na isinagawa.
✓ Nadaragdagan ang kaalaman- ang gawaing
7. Nagsisilbing susi sa malawak na
pananaliksik ay isang bagong kaalaman
karunungan na natipon ng daigdig sa
kaninuman dahil nahuhubog dito ang kanyang
mahabang panahon.
kamalayan sa larangan ng pananaliksik.

7|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

YUNIT IV: Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Filipino

Bawat isa ay may karapatang magpahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin.


Bagamat sa iba-ibang kontekstong kultural, iba-iba ang pamamaraan, gawi at ugaliin ng
pagpapahayag nito. Upang maging mabisa at malinaw ang pakikipagkomunikasyon,
nararapat matutuhan ang mga pamaraan, ugaliin at mga gawing pangkomunikasyon ng iba-
ibang pangkat. Tayong mga Filipino ay mayroong kani-kaniyang natatanging
pamamaraan, gawi at ugaliin hinggil sa pakikipagkomunikasyon. Iba-iba ito sa bawt
pangkat ng tagapagsalita ayon sa nakagawiang konteksto ng kultura.

Paano ba tayo naghahayag ng ating mga kaisipan at nararamdaman? Angkop ba


ang paraan ng pagpapahayag sa mga sitwasyong kinasasangkutan?

Alamin

Iba-iba ang mga gawaing pangkomunikasyon nating mga Filipino. Nag-iiba-


iba ito ayon sa kultural na katangian ng isang pangkat at naapektuhan ito ng ilang
mga salik tulad ng lugae, mga taong naninirahan sa lugar, sosyo-ekonomiko,
edukasyon at kasarian.

A. Mga Salik na Nakaaapekto sa Gawing Pangkomunikasyon

Lugar. Ang lugar ay tumutukoy sa lokasyon kung saan isinasagawa ang


komunikasyon. Malaki ang epekto nito sa gawing pangkomunikasyon
sapagkat ito ang nagtatakda sa uri, paraan at gawi ng pananalita.
Isinasaalang-alang ang lugar sa pagsasakatuparan ng paghahatid ng
mensahe at kung paano maaaring isagawa ang daloy ng usapan. Ang salik
na ito ay may impluwensya sa paksa na pag-uusapan. Bukod pa rito, may mga kultural na
gawi at pamamaraan ng pagpapahayag sa bawat lugar na tangi sa pangkat ng tagapagsalita.
Halimbawa ay ang paggamit ng mga llocano ng wen, win at wën na ang kahulugan ay "oo"
sa mga Tagalog. Iba-iba ang gawi at paraan ng pagbigkas ng salita sa iba- ibang lugar
ngunit ang kahulugan ay iisa. Isa pang halimbawa ay ang agalwad kayo o kaya ay agannad
kayo na isang pahayag-Iloko na maaaring mangahulugang sana'y maging ligtas kayo sa
inyong pag- uwi o simpleng ingat kayo. Sa ilang lugar sa llokos, ang
agalwad kayo o agannad kayo ay pagbibigay-babala sa kaanak, kaibigan
o kakilala sapagkat may hinihinuha na nakaambang panganib.

Mga taong naninirahan sa lugar. Napakalaki ang epekto sa


gawing pangkomunikasyon ang mga taong naninirahan sa lugar. Ito ay
sapagkat sila ang humuhubog ng kultura sa lugar. Ang kanilang mga paniniwala, ugaliin,
gawi at uri ng pamumuhay, at maging ang kanilang mga kaisipan hinggil sa mga bagay-

8|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

bagay sa kanilang paligid ang siyang nagtatakda ng paksa o usapin. Ayon kay Davey
(2018), ang kultura ay ang kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at
karanasan na nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng iisang
pangkat. Nakikisalamuha ang mga tao kaya nabubuo ang tanging paraan ng paghahatid at
pagtanggap ng mensahe na tinatawag na komunikasyon. Ang kultura ay sinasabing
komunikasyon sapagkat may malaking bahagi ito sa kung paanong ang mga mensahe ay
naihahayag at naiintindihan kaya nahuhubog ang natatanging kilos, ugaliin at pananalita at
gawing pangkomunikasyon ng mga indibidwal sa isang etnikong pangkat.

Sosyo-ekonomiko. Ang antas ng pamumuhay ng isang tao o ang


kaniyang estadong sosyo- ekonomiko ay nauugnay sa gawing
pangkomunikasyon. Minsa'y iniaayon ang gawi ng komunikasyon sa iba-
ibang antas ng pamumuhay ng mga tao. Halimbawa, sa mga pelikula ay
napapanood ang mga sitwasyong kinasasangkutan ng tauhang mayaman na karaniwang
mababa ang tingin sa mga kasambahay. Naiiba ang gawi ng pananalita ng mayamang amo
sa pananalita ng aping kasambahay.

Edukasyon. Ang gawing pangkomunikasyon, pamamaraan at


nilalaman ng pahayag ay naiimpluwensyahan ng edukasyon ng isang
tao. Ang paggamit ng antas ng mga salita ay may kaugnayan sa
edukasyon. Saan ba madalas marinig ang mga salitang balbal at
kolokyal? Sino ang madalas gumagamit ng mga salitang pormal? Ang
mga guro sa kanilang pagtuturo at tagapamahala ng kumpanya ay
higit na gumagamit ng mga salitang pormal Ang impormal na salita ay maririnig naman sa
mga pangkat ng indibidwal na nasa palengke, umpukan ng magbabarkada at iba pa. Ang
gawi ng pananalita ng isang doktor ay pormal, higit itong malumanay at nagtataglay ng
mataas na uri ng bokabularyo samantalang ang barker sa isang paradahan ng dyip ay
gumagamit ng impormal na salita at malakas na boses sa pagtawag ng mga pasahero.

Kasarian. May mga salitang ginagamit ang mga babae na kapag ginamit ng lalaki ay
hindi ayon sa kaniyang kasarian. Gayundin, may mga salitang ginagamit ang mga lalaki na
hindi akma kapag ginamit ng isang babae. Kung gayon, ang paraan at gawi ng
komunikasyon ay apektado dahil sa kasarian. Halimbawa, ang paggamit ng mga salitang
besh o kaya ay beshie na higit na angkop gamitin ng mga babae sa kapwa babae at ang bro
o brod na malimit namang gamitin ng mga lalaki sa kapwa lalaki. Bagama't sa kasalukuyan,
ang ganitong kalakaran sa paggamit ng mga salita bilang bahagi ng gawi ng komunikasyon
ay hindi na rin batayan kung sino ang kausap at kung ano ang kasarian ng kausap sanhi ng
usapin hinggil sa gender awareness and development kung saan tanggap ng lipunan ang
paggamit ng alinmang salita na hindi na mahalaga ang sekswalidad ng nagsasalita. Maging
lalaki, babae, tomboy o bakla ay malayang nakagagamit ng mga salitang naisin upang
magpahayag ng kaisipan at damdamin.

9|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

B. Tsismisan, Umpukan, Pagbabahay-bahay, Pulong-bayan

https://iconscout.com/illustration/diverse-group-of-people-talking-to-each-other-2843617

Tsismisan
Ang salitang tsismis ay mula sa salitang Kastila na "chismes”. Karaniwan, kapag sinabing
tsismis ay mga kuwento o pangyayari na maaaring totoo at may basehan ngunit ang mga
bahagi ng kuwento o pangyayari ay maaaring sadyang binawasan o dinagdagan upang ito
ay maging usap- usapan hanggang tuluyan nang magkaroon ng iba't ibang bersyon.
Nangyayari sapagkat mabilis itong nagpapasalin-salin mula sa isang tao tungo sa iba pang
indibidwal. Intriga, alimuom, sagap, sabi-sabi, bali-balita o kaya ay bulong-bulungan at
alingasngas ito kung tawagin. Kadalasa'y hindi kabutihan ang dulot nito dahil nakasisira
ito sa ugnayang pantao, reputasyon at nagbubunyag ng mga lihim na maaaring wala naman
talagang katotohanan.

Umpukan
Ang umpukan ay gawing pangkomunikasyon na tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng
isang pamilya o magkakapatid, magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada,
magkakatrabaho magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin.
Ito ay nangyayari dahil ang isang paksa, usapin at hangarin na karaniwan sa bawat isa ay
nais talakayin at bigyang linaw. Nagsisilbi rin itong pagkakataon sa pangkat upang lalong
mapatatag ang kanilang samahan at lalo pang mapabuti ang pagtrato sa isa't isa. Naiiba ang
umpukan sa tsismisan sapagkat higit na mabuti ang tunguhin ng usapin sa umpukan.
Napakaimpormal na gawain ang umpukan, madalas itong nangyayari na hindi binalak. Sa
isang pamilya o magkakapatid, karaniwan na nagaganap ito sa mga oras matapos ang
tanghalian, bago magtakipsilim o matapos ang hapunan bilang pampalipas-oras at pinag-
uusapan ang tungkol sa mga bagay-bagay na natapos o mga nais pang gawin. Minsan, sa
umpukan ay walang paksang tinatalakay kundi biruan lamang. Sa mga magkakaibigan,
magkakaklase at magbabarkada, karaniwang nangyayari ang umpukan dahil mayroon
silang nais talakayin ukol sa kanilang mga gawaing sa paaralan tulad ng pagsasagawa ng
proyekto, pag-aayos ng schedule, mga gawain sa akademya at iba pa. Sa mga
magkakatrabaho, nangyayari din ang umpukan pagkatapos ng oras ng trabaho upang pag-
usapan ang mga kaugnay na gawain sa trabaho na dapat umpisahan at tapusin, mga nais
maisakatuparan at iba't ibang personal at interpersonal na pakikipag-ugnayan.

Pagbabahay-bahay
Ang pagbabahay-bahay ay isang gawaing panlipunan. Tuon nito ang pakikipag-usap sa
mga mamamayan sa kanilang mga bahay. Karaniwan, may mga isyu sa barangay na nais
10 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

ipahatid kaya ang ilang piling opisyal ay nagtutungo sa mga kabahayan ng isang baranggay
upang ipagbigay-alam ang isyu o mga isyu. Sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay, ang
mga mamamayan ay nagkakaroon ng impormasyon hinggil sa mga gawain at layuning nais
isakatuparan sa lugar.

Pulong-bayan
Usaping politikal ang karaniwang paksa ng pulong-bayan. Ito ay nauukol sa mga gawain
at layuning pambarangay at pambayan. Kinabibilangan ito ng pangkat ng mga namumuno
sa isang barangay o bayan kasama ang mga mamamayan upang pag-usapan ang mga
layunin, proyekto at/o mga batas na isasakatuparan sa lugar. Higit itong pormal kapag ang
mga opisyal ng barangay o bayan ang kasangkot at sama-sama sa pagpupulong dahil ang
mga na-uusapan at napagkakasunduan ay tinatalakay sa inihandang lugar at inilalahad sa
pamamagitan ng katitikan. Ang pulong-bayan din ay di-gaanong pormal kapag ang pinuno
ng bayan ay nagsasagawa lamang ng anunsyo sa pangkat ng mamamayan sa pamamagitan
ng pamaraang pasalita.

C. Komunikasyong Di-Berbal
Kapag nakikipag-usap tayo sa ibang tao, natural ang paggamit ng pagpapahayag na
hindi ginagamitan ng salita. Hindi natin ito napapansin sapagkat ang paggamit ng mga
kilos, ekspresyon at mga paralenggwahe ay umaayon sa bugso ng nararamdaman sa oras
ng pagpapahayag. Ang tawag dito ay mga uri ng komunikasyong di-berbal. Ang mga uri
ng komunikasyong di-berbal tulad ng paraan ng pag-upo, bilis ng paggalaw ng mga kamay,
pagbilog ng mga mata, pag-iling at maging paggalaw ng bibig, pagtapik at iba pa ay
nadsasaad ng iba't ibang mensahe na nabibigyang kahulugan ng kausap. Kahit na kapag
tayo ay hindi kumikilos o tayo ay hindi nagsasalita ay mayroon pa ring mga mensaheng
inihihiwatig. Minsan din, ang mga salitang lumalabas sa ating bibig ay hindi umaayon sa
kahulugan ng mga ikinikilos natin. Sa mga sitwasyong ito, kinakailangang mapag-ugnay
ng nakikinig ang kahulugan ng kilos at ng salita at mahusay na mapili kung alin sa berbal
at di berbal na paraan ng komunikasyon ang kailangan niyang paniwalaan.
Ang sumusunod ay halaw mula sa pagpapaliwanag sa artikulo nina Hans at Hans
(2018) hinggil sa tatlong aspekto ang komunikasyong di-berbal. Kabilang dito ang kinesika
(kinesic behavior). pandama (haptics) at proksemika (proxemics). Bagamat nakaugnay sa
tatlong ito ang dalawa pang mahahalagang uri ng di-berbal na komunikasyon na batay sa
pagpapaliwanag ni Heathfield (2018) tulad ng paralengguwahe (paralanguage) at mga
bagay (object language):

https://www.ajar.id/uploads/images/image_750x_5c62b48b966d9.jpg
11 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

1. Kinesika (Kinesics)

Ang kinesika ay tumutukoy sa komunikasyong di-berbal na may kaugnayan sa paggalaw


ng katawan tulad ng tindig (posture), kumpas (gestures), ekspresyon ng mukha (facial
expression) at occulesics na tumutukoy sa paggamit ng mata (eye contact) sa pagpapahayag
ng mensahe.

Tindig. Isinasaalang-alang dito ang idea kung paano naaapektuhan ang ibang tao
sa paraan ng pag-upo, paglakad, pagtayo, o kaya ay pagkilos ng ulo. Kung paano
igalaw ang katawan o tumindig ay nagkapagpapahayag ng iba't ibang kahulugan.
Ang bilis at bagal ng paggalaw ay mayroon ding kahulugang inihihiwatig.
Halimbawa, sa isang panayam sa telebisyon, ang pag-upo nang nakakrus ang paa
at maayos na pagtindig ng katawan ay nakapagpapahiwatig ng pagiging handa ng
guest artist sa mga tanong at sa iba pang mga ipagagawa sa kaniya sa kabuoan ng
panayam. Samantalang ang hindi pag-upo nang maayos at pagbaluktot ng katawan
sa parehong sitwasyon ay nagpapahiwatig naman ng hindi kahandaan.

Pagkumpas. Ang pagkumpas ay bahagi na ng pang-araw-araw na pagpapahayag


ng kaisipan at damdamin ng isang tao. Ang pagkaway ay maaaring mangahulugan
ng pagsasabi ng "kumusta" o kaya ay "paalam". Ang pagturo (point) ay maaari ding
mangahulugan ng galit o kaya ay simpleng pagtukoy lamang ng mga bagay na
nagugustuhan. Ang ilan pa sa mga ginagamit na kumpas ay kapag kinukuyom ang
palad bilang kahulugan ng pagpigil ng matinding emosyon at paglalahad ng palad
paharap sa kausap na ang ibig sabihin ay pagpapahinto. Bilang paglalagom, ang
(paggamit ng) kumpas ay may iba-ibang kahulugan sa konteksto ng iba-ibang lahi
at bansa.

Ekspresyon ng mukha. Binanggit nina Hans at Hans (2015) na ang mukha ay isa
sa mga bahagi ng katawan na nakapagpapahayag ng maraming ekspresyon at
kahulugan. Ang mukha ay nakapagpapahiwatig ng kaligayahan at saya, ng
kalungkutan, ng galit, ng takot at maging ng kabiguan. Occulesics / Pagtingin.
Mabisang gamitin ang mata sa pagpapahayag. Kung paano tumingin sa iba ay
nakapagpapahayag ng maraming kahulugan. Ito ay maaaring makapagpakita ng
pagkawili, pagmamahal o pagsinta, poot at maging pagkagusto. Ang pagtingin ay
napakahalaga rin sa pagpapanatili ng daloy ng usapan at sa kung paano maaaring
tumugon ang kausap. Ayon pa rin kina Hans at Hans (2015), maaari tayong
makipag-usap sa pamamagitan ng ating mga mata:

"Eye contact serves several communicative functions ranging from regulating


interaction to monitoring Interaction, to conveying information, to establishing
interpersonal connections"

2. Pandama (Haptics)
Ang pandama, tulad ng paghawak, ay nakapagpapahayag din ng iba't ibang
kahulugan Dua tang taon na itong ginagamit bilang isa sa mga anyo ng komunikasyon.
Nagkakaroon ng iba-ibang kahulugan ang paraan ng paghawak. Halimbawa, ang mariing
pakikipagkamay at pagtapik sa balikat ay may magkaibang kahulugang inihahatid.
12 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Maaaring may galit, nakikiramay, nagmamahal nambataan aru kahulugan ng paghawak.


Samnantala, iba-iba ang kahulugan ng paghaplos, pagpisil, pagpindot at paghipo sapagkat
ang diin sa pagsasagawa nito ay naghahatid ng magkakaibang mensahe ayon sa pandama
ng tumatanggap nito.

3. Proksemika (Proxemies)
Tumutukoy ito sa espasyo o agwat na maaaring may kaugnayan sa dalawang taong
nag- wusap ang papung malapit, malayo o kaya'y malapit na malapit ng mga taong nag-
uusap ay maghahatid ng iba't ibang kahulugan ayon sa kung sino ang mga nag-uusap.
Karaniwan, ang espasyo ay di patong napapansin na nakapaghahatid din ng kahulugan.
Halimbawa, naranasan mo na bang makadama ng pagkairita kapag ang taong kinakausap
mo ay napakalapit sa iyo? Ang espasyo ay nakapaghahatid ng mga kahulugan tulad ng
kapalagayan ng loob, pagkamapusok o pagiging agresibo, Dangingibabaw (dominance) at
pagmamahal o pagsuyo. Inilahad nina Hans at Hans (2015) na ang espasyo ay may mga
kahulugang taglay tulad ng isinasaad ng "Proxemics Zones of Personal Space”.

4. Paralengguwahe (Paralanguage)
Ang paralengguwahe ay higit na tumatalakay sa kung paano nasabi o kung ano ang
paraan ng pagkasabi ng isang salita kaysa sa kung ano ang kahulugan ng mga nasabi.
Halimbawa nito ay ang bilis o bagal ng pagsasalita, tono, impleksyon ng boses, pagtawa,
paghikab, buntong-hininga, pag- ungol at kahit na ang pananahimik o hindi pag-imik.
Halimbawa, iba-iba ang naipararating ng simpleng pagngiti sa lakas ng pagtawa. Iba rin
ang kahulugan kapag ang isang tao ay humahalakhak sa karaniwang pagbungisngis. Ang
pagngiti, pagbungisngis, pagtawa at paghalakhak ay iba-ibang ekspresyon na naghahatid
ng iba-ibang mensahe. Isa pang halimbawa ng paralengguwahe ay kapag ang isang tao ay
pahinto-hinto o pautal-utal sa kaniyang pagsasalita na naiiba rin kapag ang karaniwang
paghinto (pause) sa pagsasalita ay ginagamit para maging maayos na maiparating ang
mensahe.

5. Bagay (Object language)


Malimit itong tawaging material culture. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong
nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay na
nakikita sa paligid (na tinatawag ding material artifacts). Karaniwan, nauukol ito sa
arkitektura tulad ng disenyo ng mga gamit, damit, mga sasakyan at iba pa. Ang
pagkakaayos ang mga kagamitan sa isang bahay o opisina ay nagtataglay rin ng mensahe
na nabibigyang kahulugan ng tumitingin nito. Kaugnay nito, ang pananamit at uri ng
pananamit ay ginagamit din bilang isang paraan ng pagsasaad ng mensahe tulad ng lahi,
kalagayan, antas at uri ng pamumuhay at kalagayang ekonomiko. Kaugnay nito, sa ibang
kalagayang kultural, mayroon ding iba pang mga uri ng di-berbal na komunikasyon tulad
ng oras (chronemics, simbolo (iconics) at kulay (color).

Oras.
Binibigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng umaga, tanghali, hapon, takipsilim,
gabi, hatingggabi at madaling araw. Sa ibang kultural na kalagayan, ang mga ito ay
may kaugnayan sa trabaho at pagpapahinga ngunit sa iba naman ay walang takdang
oras ang pagtatrabaho at pagpapahinga. Kaugnay nito, maaaring nakaugnay ang
kaisipan na ang mga Filipino ay maaaring pumasok sa trabaho na lampas sa takdang
oras ng pagpasok samantalang ang mga Amerikano ay dapat pumasok sa trabaho

13 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

ayon sa oras na itinakda. Sa ibang bansa ay may winter, summer, spring at fall,
ngunit sa Filipinas ay tanging tag-ulan at tag-araw lamang ang mayroon tayo.

Simbolo.
Malinaw ang mga mensahe na inihahatid ng mga simbolo. Makikita ang mga ito sa
mga pamilihan, daan, palikuran, sasakyan at iba iba pa. Halimbawa rito ang mga
simbolo ng na No-U Turn, No Smoking, No Parking at Male / Female sa mga
palikuran.

Kulay.
Maraming kulay at iba-iba ang kahulugan nito. Halimbawa, ang pagsusuot ng
puting damit ng ikakasal na babae ay simbolo ng kabusilakan, ang itim na damit ay
simbolo naman ng pagluluksa. Ang pula ay karaniwang ginagamit sa mga fastfood
chain sapagkat ito ay sumisimbolo sa kulay ng pagkain at bukod pa rito ay
nagdadala ito ng mainit na pakiramdam katulad ng apoy. Maliban dito, noon, ang
kulay ay nagpapahiwatig ng oryentasyong pangkasarian. Ang asul ay para sa mga
lalaki samantalang ang pula (o pink) ay para naman sa mga babae. Ngunit sa
pangkat ng LGBT community, ang kulay ng bahaghari ay simbolo naman ng
kalayaan nilang maging bahagi ng lipunan na walang diskriminasyon.

D. Mga Ekpresyong Lokal


Mayaman ang kulturang Filipino sa mga kultural na pagpapahayag tulad ng
paggamit ng mga salawikain, kasabihan, talinghaga at bulong. Ang mga ito ay mga uri ng
pagpapahayag na ginagamit para sa iba't ibang layunin tulad ng pangangaral, pagbibigay
ng paalala, pagbababala, paghahangad at pagpapahiwatig ng damdamin at kaisipan. Mga
tao sa lipunan ang gumagamit ng ganitong uri ng pagpapahayag. Nabubuo at umuunlad
ang kultura sanhi ng pakikisalamuha ng tao sa kaniyang lipunan. Kaugnay nito, dahil iba-
iba ang mga taong nakakasalamuha sa lipunan, nahuhubog ang iba- ibang ugaliin,
paniniwala, gawi at kabilang na rin ang pagkakaiba ng mga ekspresyon.

Tayo ay gumagamit ng mga ekspresyon na tangi sa lugar na kinalakhan. Iba-iba


ang ekspresyong ito ayon sa lugar na kinabibilangang pangkat ng tagapagsalita.
Halimbawa, ang mga Ilokano ay gumagamit ng palasak na ekspresyong tulad ng "Wen,
Manong" o kaya ay "Win, Manang". Sa ibang lugar sa llokos, ang wen o win ay binibigkas
na wên.

Ang mga ekspresyong ito ay katumbas ng "Opo, Kuya" at "Opo, Ate” na


nagpapahiwatig ng paggalang sa nakatatandang kapatid at/o kaya ay bilang pagrespeto sa
mga kakilala. Samantala, may mga ekspresyon tulad ng "Ating", "Ire" o "nire"
(Cabanatuan), "Ala, eh" (Batangas), "Sus, Ginooo", "Alla naman" (Bataan) na bukod-tangi
rin sa nabanggit na lugar. Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing
pangkomunikasyon ng mga Filipino ay nag-iiba dahil sa heograpiya o lokasyon ng
tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit may varyasyon ang paggamit ng wika.

Ang mga ekspresyon, bilang bahagi ng gawing pangkomunikasyon ng mga Filipino


ay nag-iiba dahil sa heograpiya o lokasyon ng tagapagsalita. Ito ang dahilan kung bakit
may varyasyon ang paggamit ng wika.
14 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Halimbawa:

Tagalog: Bumangon ka na, mataas na ang sikat ng araw. (Nangangahulugang


tanghali na kaya dapat bumangon na sa pagkakahiga at magtrabaho na.)

Ilokano: Bumtak ti sara't nuangin (o sa iba ay nuangen). sa literal na kahulugan


ay pumutok na ang sungay ng kalabaw. Kapag sinabi ang bumtak ti
sara't nuangin (nuangen) ay ipinakakahulugan na tanghali na at mataas
na ang sikat ng araw kaya bumangon na at magtrabaho na

Sa ibang tagapagsalita, ipinahahayag ito katulad ng “Tindig araw na'y di pa luto"


na ang kahulugan ay tulad din ng sa Iloko at sa Tagalog.

May mga ekspresyong lokal na karaniwan sa mga tagapagsalitang Filipino.


Nahahati ito sa tatlong pangkat. Ang una ay ang mga katutubong ekspresyon, ang ikalawa
ay ang mga ekspresyong makabago at ang ikatlo ay ang ekspresyong milenyal. Narito ang
ilang halimbawa. Maipaliliwanag mo ba ang ibig sabihin ng mga ito at kung paano ito
ginagamit?

Katutubong Ekspresyon Makabagong ekspresyon


1. Jeproks 1. Anak ng ........!
2. Para kang sirang plaka 2. Diyaske
3. Kopong kopong 3. Susmaryosep
4. Naniningalang-pugad 4. Bahala na o kaya ay sige lang
5. Giyera patani 5. Ganun?
6. Iniputan sa ulo 6. Diyos ko! O, Mahabaging Diyos!
7. Bugtong na anak 7. Ikako
8. Topo-topo 8. Mucho dinero
9. Makunat pa sa belekoy 9. Totoy o Nene
10. May pileges sa noo 10. Lutong Macau on)

Ekspresyong milenyal (Higit na makabagong ekspresyon


1. Humuhugot
2. Ansabe
3. Ligwak
4. Havey
5. Werpa
6. Lodi
7. E di wow!
8. Ginigigil mo ako.
9. Petmalu
10. Pak!

15 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Pansariling Pagtataya (SAQs)


PANUTO: Upang masubok ang inyong pagkaunawa sa nabasa, sagutan ang Pansariling Pagtataya
sa ibaba. Pagkatapos, itama ang mga sagot sa pamamagitan ng susi sa pagwawasto.

Ang _____________________ ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga


naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling
karanasan.

Ang mga _________________ ay mga konseptong magkaugnay bagamat may tiyak na


gamit ang mga ito. Ang datos ay mga kaalamang kinokolekta, inuunawa at sinusuri upang
makabuo ng bagong impormasyon. Ang kaalaman ay mga kaisipang natutuhan bunga ng
pagproseso ng impormasyon o mga kaisipang natamo o natutuhan mula sa maraming
karanasan.

Isa-isahin ang tatlong pagproseso ng impormasyon? _______________________________

Ang _____________________ ay anumang bagong kaalaman na natamo mula sa mga


naririnig, nababasa, napapanood o nararamdaman na napoproseso ayon sa sariling
karanasan.

Upang maging mabisa at malinaw ang pakikipagkomunikasyon, nararapat matutuhan ang


mga pamaraan, ugaliin at _____________________ ng iba-ibang pangkat.

Iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto sa ibaba.

Susi sa Pagwawasto
1. impormasyon
2. datos at kaalaman
3. Pandinig (aural o auditory), Pampaningin (visual), Pagkilos (kinesthetic)
4. mga gawing pangkomunikasyon

Kung nagkaroon ka ng pagkakamali, balikan mo at basahing muli ang nilalaman. Kung


nakuha mo naman lahat ang mga katanungan, binabati kita sa iyong pagkaunawa.

16 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

Fil 01
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Modyul 3

PANGALAN: ISKOR:

SEKSYON:

GAWAIN 1.
Panuto: Basahing mabuti ang pahayag sa bawat aytem upang matukoy ang konseptong
binabanggit. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Usaping politikal ang karaniwang paksa nito na nauukol sa mga gawain


at layuning pambarangay at pambayan.

2. Kabuoan ng mga kaugalian, pagpapahalaga, mga palagay at karanasan na


nabuo sanhi ng sama-samang pakikisalamuha ng mga tao sa loob ng isang
pangkat.

3. Ito ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nagtatakda sa uri, paraan


at gawi ng pananalita.

4. Tumutukoy sa pagpapangkat-pangkat ng isang pamilya o magkakapatid,


magkakaibigan, magkakaklase, magbabarkada, magkakatrabaho o
magkakakilala na may magkakatulad na gawi, kilos, gawain at hangarin.

5. Isang gawaing panlipunan na tumutukoy sa pakikipag-usap sa mga


mamamayan sa kanilang mga bahay upang maghatid ng impormasyon.

6. Ang salik sa gawing pangkomunikasyon na nauukol sa paggamit ng mga


salitang pormal at impormal at nauugnay sa antas ng napag-aralan.

7. Isang salik sa gawing pangkomunikasyon na tumatalakay sa paggamit ng


mga salita ng iba-ibang kasarian.

8. Tumutukoy ito sa antas ng pamumuhay ng mga tao na nauugnay sa


gawing pangkomunikasyon.

9. Salik na humuhubog sa kultura ng isang lugar.

10. Isang gawing pangkomunikasyon na kadalasa'y hindi kabutihan ang


dulot dahil minsa'y nakakasira sa ugnayang pantao, reputasyon, at
nagbubunyag ng mga lihim na walang katotohanan.

17 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

GAWAIN 2.
Panuto: Tukuyin kung anong tiyak na uri ng di-berbal na komunikasyon ang isinasaad ng/sa
bawat pahayag. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ika-3:00 ng hapon: oras ng pagdarasal


2. Pagmamahal: Masuyong paghaplos ng ina sa sanggol
3. Respeto: Pagmamano sa magulang
4. Walang kahandaan: Mga upuan at entabladong di-maayos
5. No U Turn sa gilid ng daan: Hindi pagliko ng sasakyan
6. Usapang intimate: Paglapit ng lalake sa babae
7. Stress: Malalim na buntong-hininga
8. Pagbati: Pagkaway sa ibang tao
9. Takot: Panginginig ng kamay at pagbilog ng mga mata
10. Pagluluksa: Pagsusuot ng damit na kulay itim

a. Kinesika (Kinesics)
b. Pandama (Haptics)
c. Proksemika (Proxemies)
d. Paralengguwahe (Paralanguage)
e. Bagay (Object language)

GAWAIN 3.
Panuto: Ang mga sumusunod ay listahan ng mga ekspresyong katutubo at makabago. Isulat ang
kahulugan ng mga ekspresyon sa patlang.

1. Mabilis pa sa alas-kuwatro -
2. Promdi -
3. Babaing taratitat -
4. Maningalang-pugad -
5. Putok sa buho -

18 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 3

MAY KATANUNGAN O PAGLILINAW?

I-email ako sa account na ito: alixsonjasreldp@gmail.com

Maraming Salamat.
SANGGUNIAN:

Binwag, Alicia M. et. al, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew Publishing
House
https://www.slideserve.com/jamar/pagbasa
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino

Mga larawan ay kunuha sa:


https://www.rappler.com/newsbreak/fact-check/spain-doctors-quote-duterte-covid-19-response
https://money-heist.fandom.com/wiki/Part_3
https://hero.fandom.com/wiki/Velma_Dinkley
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.pinoynewbie.com%2Fano-ang-
pagbasa-kahulugan-kahalagahan-paraan-
proseso%2F&psig=AOvVaw2p6sUR8njZbWKHFTU9Uq_j&ust=1613026552574000&source=i
mages&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCIicu6ne3u4CFQAAAAAdAAAAABAD
https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fmadligaya.com%2Fcategory%2Ftsis
mis%2F&psig=AOvVaw2T4B05e_dDfykvoOHcxU8A&ust=1613034568588000&source=imag
es&cd=vfe&ved=0CAMQjB1qFwoTCMjL3Jn83u4CFQAAAAAdAAAAABAJ

19 | P a h i n a

You might also like