0% found this document useful (0 votes)
142 views9 pages

Activity Sheet Q3W7

This document provides a lesson on the different types of sentences in Filipino. It identifies 5 types of sentences: 1) Narrative or Declarative, which relates facts, opinions, statements, thoughts or events and ends with a period; 2) Interrogative, which asks a question and ends with a question mark; 3) Imperative, which gives a command or request and ends with an exclamation point; 4) Exclamatory, which expresses strong feelings and ends with an exclamation point; and 5) Optative, which expresses desire or wish and can end with a period or exclamation point. The document contains exercises to identify and use the different sentence types in various situations.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
142 views9 pages

Activity Sheet Q3W7

This document provides a lesson on the different types of sentences in Filipino. It identifies 5 types of sentences: 1) Narrative or Declarative, which relates facts, opinions, statements, thoughts or events and ends with a period; 2) Interrogative, which asks a question and ends with a question mark; 3) Imperative, which gives a command or request and ends with an exclamation point; 4) Exclamatory, which expresses strong feelings and ends with an exclamation point; and 5) Optative, which expresses desire or wish and can end with a period or exclamation point. The document contains exercises to identify and use the different sentence types in various situations.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

SCIENCE 6

Quarter _3__, Week _7_


Identify characteristics and uses of wedge;
Identify simple machines and its uses - pulley. (S6FE-IIIg-i-3)

Name: ________________________________________________ Grade & Section: _____________________________


Teacher: _____________________________________________________ Date: __________________________________

LEARN

A Simple Machine is any of several devices with no moving parts that are used to modify motion
and force in order to perform work. There are six basic types of simple machines, lever, wheel and axle,
inclined plane, pulley, wedge and screw.

Simple machines help people do their work easier and faster. It multiplies force and speed and
changes the direction of the force applied.
ACTIVITY 1
Directions: Identify the type of simple machine shown on each illustration. Write LEVER, PULLEY,
WEDGE, INCLINED PLANE, SCREW, or WHEEL AND AXLE.

ACTIVITY 2
Directions: Fill in the blanks to complete the sentences below by choosing the appropriate word/s found
in the box.
simple machines pulley lever wedge
wheel and axle inclined plane screw

I have learned that:

______________________1. help makes work easier and faster.


______________________2. is a bar that turns or lifts against a “fulcrum” or support.
______________________3. is a sloping surface used to raise heavy objects from a lower level to a higher
level. ______________________4. is made up of a circular or round frame that revolves on a shaft or rod.
______________________5. is made up of two inclined planes placed back to back.
______________________6. is an inclined plane wrapped in a cylindrical post.
______________________7. uses wheels and a rope to raise, lower, or move a load easier.

ACTIVITY 3
Directions: Analyze carefully the following questions. Encircle the letter of the correct answer.

1. When Mary cooks fried chicken, she uses tongs to remove the chicken from the pan. Which of the
following simple machines do tongs belong?
A. inclined plane B. lever C. pulley D. wheel and axle
2. Which simple machine should you use to slice the cake?
A. ax B. blade C. knife D. scissors
3. The carpenter will put the hinges of the door. Which type of simple machine will the carpenter use?
A. lever B. pulley C. inclined plane D. screw
4. Jamie uses a wheelbarrow to move the pile of garbage. Which type of simple machine is a wheelbarrow?
A. inclined plane B. lever C. pulley D. wheel and axle
5. Which type of simple machine is an inclined plane with a spiral rib?
A. lever B. pulley C. screw D. wheel and axle
6. Mark wanted to go sailing. Which of the following simple machines will be used in raising a sail of a
boat?
A. lever B. pulley C. wedge D. wheel and axle
7. The bottom part of a bulb is spiral. Which type of simple machine is it?
A. inclined plane B. screw C. wedge D. wheel and axle
8. To control a car, one should use a wheel and axle. Which of the following is the right tool to use?
A. breaks B. rolling pin C. steering wheel D. shift gear
9. Virgel wanted to load heavy boxes at the back of his truck. Which simple machine should Virgel use?
A. pulley B. inclined plane C. stairs D. wheelbarrow
10. Which simple machine is a double inclined plane and has a sharp edge?
A. pulley B. lever C. screw D. wedge
ESP 6
Quarter _3__, Week _7_
Nakatutupad sa mga batas pambansa at pandaigdigan para sa:  kaligtasan sa daan;
 pangkalusugan; at  pag-abuso sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. (EsP6PPP-IIIh-i-40)

Pangalan: __________________________________________ Baitang & Seksiyon: _____________________________


Guro: _____________________________________________________ Petsa: ____________________________________

ARALIN

Anuman ang iyong edad at katayuan sa buhay, lahat tayo ay kinakailangang sumunod sa mga
batas na ipinapatupad dito sa ating bansa at gayundin sa iba pang mga bansa. Dapat na gawin o isakilos
ang pagtupad sa mga batas bilang pananagutan mo sa pagiging isang mamamayang Pilipino. Maalam ka
man o hindi sa mga batas ay nararapat mo itong hindi suwayin upang ang iyong pang araw-araw na
pamumuhay ay magdulot ng kaligtasan, kaayusan at kapayapaan para sa ating lahat.

GAWAIN 1
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagtupad sa batas at HT naman kung hindi.

_____1. Madalas na pag-uubos ng oras sa isang pook-sugalan o pook-inuman.


_____2. Iniiwasang gumamit ng mga pook-tawiran at overpass upang mas mapabilis sa pupuntahan.
_____3. Hindi pagbebenta ng sigarilyo sa mga menor de edad.
_____4. Pagpipili ng mga basura at pagsisinop dito upang hindi kumalat kung saan.
_____5. Hindi nabigyang pansin ang mga taong biktima ng bawal na gamot.
_____6. Isang drayber na isinasakay o ibinababa lamang ang kaniyang pasahero sa itinakdang lugar.
_____7. Pag-iingat sa mga karatula o babala sa kalsada upang mas mapakinabangan nang matagal.
_____8. Pagtatapon ng basura sa kanal o ilog na katabi ng inyong bahay.
_____9. Ang sinturong pangkaligtasan ng sasakyan ay isinusuot kung kailan lamang gusto.
_____10. Sinuot ang helmet habang nagmamaneho ng motor kahit sa malapit na distansya lamang.

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang mga pahayag na may kaugnayan sa pagkamalikhain upang magbigay ng solusyon.
Isulat ang letra mula sa pagpipilian sa ibaba.

a. Gagamitin ang lumang pambalot na naitabi noon.


b. Manghihiram muna sa kapitbahay ng perang pambaon.
c. Magalang na hihiram ng ballpen sa guro o kamag-aral.
d. Tataniman ito ng mga halamang gulay.
e. Babatiin ko siya nang buong puso saka yayakapin.

____1. May pagsusulit kayo ngunit nakalimutan mo ang iyong ballpen sa bahay.
____2. Hindi nakapag-iwan ng iyong baon ang nanay sa pagmamadali na mamalengke.
____3. Walang mabiling bagong pambalot ng regalo para kay Lola Nena.
____4. Kaarawan ng iyong ate ngunit nais mo siyang pasiyahin sa payak na paraan.
____5. Nakapaglinis kayo ni Itay ng iyong malawak na bakuran na may matabang lupa.

GAWAIN 3
Panuto: Buuin ang diwa ng bawat pahayag. Pumili ng mga tampok na salita sa loob ng kahon.

1. Marapat pagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang ______________ ng mga batas.


2. Ang lahat ng batas ay nagpapataw ng parusa upang ito ay ______________ sa lahat.
3. Higit na uunlad at may kaayusan sa ating bansa kung lahat tayo ay _____________ sa batas.
4. Ang batas ______________ ay naglalayon na mapangalagaan tayo laban sa sakit.
5. Mamamayan ang _______________ sa kabutihang dulot ng mga batas at patakaran.
GAWAIN 4

Panuto: Iguhit ang 😊 masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtupad sa batas at ☹
malungkot na mukha kung hindi nagpapakita ng pagtupad sa batas.

_______1. Hindi susundin ang ilaw trapiko lalo kung nagmamadali sa pupuntahan.
_______2. Pagtawid sa pagitan ng mga sasakyang nakahinto sa gitna ng daan.
_______3. Palagiang pagsusuot ng sinturong pangkaligtasan upang makaiwas sa aksidente.
_______4. Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
_______5. Pinipiling tumawid sa takdang tawiran o sa overpass.
_______6. Nagsusuot ng helmet kung nagmamaneho ng motorsiklo.
_______7. Hindi nakainom ng alak habang namamasada o nagmamaneho.
_______8. Pinauupo ang mga batang maliliit sa harapang upuan ng sasakyan.
_______9. Nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa mga kaibigan o kakilala.
_______10. Pagmamaneho sa daan ng mga drayber na may lisensya lamang.

GAWAIN 5
Panuto: Isulat ang tsek (√) kung nakatutupad sa batas at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong
sagot sa patlang.

_______1. Nagkaroon ng ordinansa o kautusang pambarangay na tuwing Sabado ay may


malawakang paglilinis ang buong barangay sa bawat lugar. Maraming residente ang
nakilahok kung kayat nahirang na pinakamalinis na barangay ang Barangay Masinop.

_______2. May isang di-kilalang lalaki ang nag-aalok sa iyo ng malaking pera kapalit ng paghahatid
mo ng bagay na nakabalot pa, sa isang lalaki sa kabilang daan. Dali-dali mo itong
hinatid.

_______3. Hindi ipinarada ng iyong tatay ang motorsiklong sinasakyan ninyo sa lugar na may
nakasulat na “NO Parking”.

_______4. Nagtetext habang nagmamaneho ang tsuper ng jeepney na sinasakyan mo.

_______5. Patuloy na ginagamit ng inyong kapitbahay ang kaniyang kotse na lubos ang paglalabas
ng usok.

GAWAIN 6
Panuto: Pagnilayin ang bawat kaganapan ng pagtupad mo sa batas. Itsek (√) kung gaano mo kadalas
naisasakatuparan ang bawat isa ayon sa iyong karanasan.
FILIPINO 6
Quarter _3__, Week _7_
Nagagamit sa usapan at iba’t ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap. (F6WG - IVa- j -13)

Pangalan: __________________________________________ Baitang & Seksiyon: _____________________________


Guro: _____________________________________________________ Petsa: ____________________________________

ARALIN

Ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay may limang uri.

1. Pasalaysay o Paturol - ito ay nagsasalaysay ng katotohanan, opinyon, pahayag, kaisipan o


pwede ring pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok (.).

2. Patanong - ito ay pangungusap na ginagamit sa pagtatanong, at tandang pananong (?) ang


bantas sa hulihan nito.

3. Padamdam - ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, pagkagulat, paghanga,


panghihinayang at iba pa. Ito ay nagtatapos sa tandang padamdam (!).

4. Pautos - ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nagpapahayag ng pag uutos ito. Ito ay
maaring
magtapos sa tuldok (.) o tandang padamdam (!).

5. Pakiusap - ito ay uri ng pangungusap na pautos na nagsasaad ng pakiusap. Ito ay madalas


na
nagtatapos sa tuldok (.) o tandang pananong (?).

GAWAIN 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod at tukuyin kung anong uri ng pangungusap ito. Isulat
ang titik ng tamang sagot sa patlang.

_____ 1. Opo! Nay”, “Opo! Tay


a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 2. Ang kanilang barong-barong ay gawa sa konkretong materyales subalit maaari pa ring mawasak
ng kahit mahinang bagyo o ng isang bagyo.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 3. “Shella, anak, heto ang plastik dito mo itatago ang mga mahahalagang dokumento natin para di-
mabasa”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong
_____ 4. “Gil, anak, pakiabot nga ng lubid at kailangan nating talian ang bubong ng ating bahay at
pakitulungan mo ako sa pagtali”.
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Pakiusap
_____ 5. “Jessa, anak, maaari mo bang ihanda ang agahan natin nang may makakain tayo mamaya?
a. Pasalaysay b. Pautos c. Padamdam d. Patanong

GAWAIN 2
Panuto: Basahin ang siniping bahagi ng maikling kuwento. Isulat ang uri ng pangungusap na nasa bawat
bilang.

Bumuhos na muli ang malakas na ulan. Kasabay nito’y may narinig na dagundong si Aling Auring.
Parang nanggaling iyon sa dakong bundok. Dating bundok iyon ngunit ngayo’y wala nang punong
nakatanim. Walang pakundangang pinagpuputol ng mga magtotroso. Ang mga natirang tuod naman ay
sinunog ng mga nagkakaingin.

___________________1. Nanay, ano po iyon?


___________________2. Dumungaw sa bintana si Aling Auring. Nanlaki ang kanyang mga mata.
Siyang
pagdating ni Mang Dan, ang asawa ni Aling Auring.
___________________3. Auring, ang mga bata!
___________________4. Pakidala si Bebot. Dala ko na si Neneng.
___________________5. Sumunod ka na. naghihintay ang traysikel. Dali ka, hayan na ang baha!!!
Ang
sigaw ni Mang Dan.

GAWAIN 3
Panuto: Batay sa iyong karanasan sa panahon ng pandemya o sa COVID 19, sumulat ng tig-iisang
halimbawa sa bawat uri ng pangungusap:

1. Pasasalaysay

2. Patanong

3. Pautos

4. Pakiusap

5. Padamda

GAWAIN 4
Panuto: Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS
(pasalaysay), PT (patanong), PD (padamdam), PU (pautos), at PK (pakiusap).

____________1. Aray, ang sakit!


____________2. May kumagat ba sa iyo?
____________3. Kinagat yata ako ng langgam.
____________4. Huwag kang tumayo riyan.
____________5. Pakikuha nga ang gamot sa loob ng bahay.
____________6. Bakit ka ba nakatayo sa ilalim ng puno ng manga?
____________7. May hinahanap po akong pugad ng ibon.
____________8. May Nakita po kasi akong sisiw malapit sa puno.
____________9. Aba, kailangan maibalik natin ito sa inahin!
____________10. Huwag mong saktan ang sisiw.

GAWAIN 5
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa
kahong nasa ibaba.
Pasalaysay Patanong Padamdam
Pakiusap Pautos

1. Ang pangungusap na _____________________ ay ginagamitan ng magagalang na salita upang makiusap.


Maaaring gamitan ito ng bantas na tuldok o tandang pananong.
2. Ang pangungusap na _____________________ ay maaaring nagkukuwento o nagsasalaysay at nagtatapos
ito sa bantas na tuldok.
3. Ang pangungusap na _____________________ ay nagsisiyasat o nagtatanong at nagtatapos sa tandang
pananong.
4. Ang pangungusap na _____________________ ay nag-uutos at nagpapahayag ng obligasyong dapat gawin.
5. Ang pangungusap na _____________________ ay nagsasaad ng masidhing damdamin at nagtatapos sa
tandang padamdam.

GAWAIN 6
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Nagtatanong si Clark sa kanyang Nanay kung dadaan sila sa palengke.


a. Dadaan ba tayo sa palengke Nanay? c. Nanay, inuutusan kita, dumaan tayo sa palengke.
b. Nanay, daanan na natin ang palengke. d. Yehey! Dadaan tayo sa palengke!
2. Inutusan si Jayson ng kaniyang Ate Joan na magdilig ng halaman.
a. Jayson, bakit hindi ka nagdidilig ng halaman? c. Wow! Nagdidilig ng halaman si Jayson!
b. Magdilig ka nga ng halaman, Jayson. d. Si Jayson ay nagdidilig ng halaman.
3. Naipit ang kamay ni Ester sa pinto.
a. Bakit naipit ang kamay mo sa pinto? c. Pakiipit nga ang kamay ko sa pinto.
b. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto! d. Naipit ang kamay ko sa pinto.
4. Naiwan mo ang iyong lapis na gagamitin sa inyong klase sa sining, paano ka makikiusap sa iyong
kaklase upang manghiram ng lapis?
a. Bakit mo ako pahihiramin ng lapis? c. Pahiram nga ng lapis.
b. Maaari bang makahiram ng lapis? d. Ako ay nanghiram ng lapis.
5. Sinabi ni Nicole sa kaniyang guro na tapos na siyang sumagot sa pagsusulit.
a. Binibining Cruz, tapos na po ako sa pagsusulit. c. Yes! Tapos na ako!
b. Ginoong Ramos, iwawasto na po ba natin ang sagot? d. Sinong hindi pa tapos?
AP 6
Quarter _3__, Week _7_
Nakabubuo ng konklusyon tungkol sa pamamahala ng mga nasabing pangulo. (AP6SHK-IIIe-g-5)

Pangalan: __________________________________________ Baitang & Seksiyon: _____________________________


Guro: _____________________________________________________ Petsa: ____________________________________

ARALIN

Manuel A. Roxas (1946-1948) Sa pamumuno ni Pangulong Roxas may matibay na pagkakasundo ang
Pilipinas at Estados Unidos kaya naipatupad ang Pro-American at Anti-Communist. Sa kanyang pamumuno
sinimulan niyang inayos ang mga imprastraktura, elektripikasyon at mga industriyang nasira ng nakaraang digmaan.
Ilan pa sa mga mahahalagang ambag at patakaran sa kanyang pamumuno ay ang pagpapatayo ng mga base militar
ng Estados Unidos sa Pilipinas na tatagal ng 99 taon, pagpapaigting sa pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal at
ipinagtibay ang Parity Rights o mabigyan ng pantay na karapatan ang mga Amerikano tulad ng mga Pilipino na
linangin at magamit ang mga likas na yaman ng bansa. Naipatupad din ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell Trade
Act o ang batas na nagsasabing ang Estados Unidos ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas. Sa batas na ito,
malayang nadadala ng Estados Unidos ang mga produkto nito sa Pilipinas ngunit may limitasyon ang iniluluwas na
produktong Pilipino papasok sa Estados Unidos.

Elpidio R. Quirino (1948-1953) Binigyan diin ng pamunuan ni Pangulong Quirino ang pagpapaunlad ng
ekonomiya sa pamamagitan ng industriyalisasyon. Maraming ipinapatayong mga bangkong rural sa panahon ng
kanyang pamumuno at itinatag din ang Bangko Sentral ng Pilipinas. Naisabatas din ang Magna Carta of Labor at
Minimum Wage Law upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Isa pa sa pinagtuunan niya ng
pansin ay ang usapin tungkol sa HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Unti-unting napasuko ang mga
Huk sa pamamagitan ng Economic Development Corps (EDCOR) na kung saan ang lahat na nagbalik ng armas ay
binigyan ng amnestiya at pagkakataong makapamuhay nang tahimik sa pamamagitan ng pagbibigay ng lupang
masasaka na sapat para makapagsimulang muli ng mapayapang buhay. Sa huli, naging matagumpay ang usaping
pangkapayapaan sa administrasyon ni Pangulong Quirino ngunit nabigo ang kanyang programang pangkaunlaran
dahil laganap ang katiwalian sa pamahalaan.

Ramon F. Magsaysay (1953-1957) Naniniwala si Pangulong Magsaysay na kung ano ang makabubuti sa
karaniwang tao ay makabubuti rin sa buong bansa. Sa pamunuan niya ipinagtibay ang Land Tenure Reform Law,
pagpapatayo ng mga poso sa mga baryo at pagkakaroon ng pananaliksik tungkol sa mga makabagong sistema ng
pagsasaka at mga bagong uri ng mga binhi. Ipinatayo rin niya ang Agricultural Credit and Cooperative Financing
Administration (ACCFA) para matulungan ang mga magsasaka sa pagbibili ng kanilang mga ani. Kasunod nito
ipinatayo rin ang Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) upang ang mga kasapi ay makakautang sa
ACCFA na pambili ng sariling kalabaw at iba pang gamit sa pagsasaka. Naitatag din ang Presidential Complaints and
Action Commission (PCAC) upang bigyang-pansin ang mga karaingan at kalagayan ng mga mamamayan. Isa sa
pinakamagandang ambag ni Pangulong Magsaysay ay ang tuluyang pagsuko ng Supremo ng mga Huk na si Luis
Taruc noong Mayo 16, 1954.

Carlos P. Garcia (1957-1961) Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia ay nagkaroon ng pinakamaka-


Pilipinong administrasyon sa larangan ng patakarang pang-ekonomiko sa bansa. Binigyang pansin niya ang
pagpapaunlad sa antas ng pamumuhay ng mga Pilipino. Inilunsad ang NAMARCO o National Marketing Corporation
upang matustusan ang mga maliliit na Pilipinong mangangalakal. Kasabay din nitong ipinatupad ang patakarang
Filipino Retailer’s Fund Act na nagpapautang sa mga Pilipino. Sa kanyang pamumuno, inilunsad ang Austerity
Program o ang pagtitipid ng pamahalaan at pamumuhay ng simple lamang. Ipinaiiral din niya ang Filipino First Policy
ang patakarang nagbibigay prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa. Pinaiksi din niya
mula 99 na taon ng pag-upa sa mga base militar sa 25 na taon na lamang.

Diosdado P. Macapagal (1961-1965) Tinuunan nang pansin ni Pangulong Macapagal ang paglutas ng
suliranin sa hanabuhay ng mga Pilipino. Pinagtibay niya ang Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan magbabayad
na lamang ng 25% ng kabuuang ani ang mga kasama sa may-ari ng lupa. Naglalayon din ang batas na ito na
mapabuti ang katayuan ng mga magsasaka. Sa kanyang termino, inilipat ang Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12
mula Hulyo 4 taon-taon at ang Hulyo 4 ay ginawang Philippine-American Friendship Day. Ipinapalaganap din ang
wikang Filipino bilang pambansang wika. Naitatag din ang MAPHILINDO o ang samahan na binubuo ng mga bansang
Malaysia, Pilipinas at Indonesia. Nakasentro ang samahang ito sa pagpapatibay ng pakikiisa at pagtugon sa mga
prinsipyo ng pagkapantay-pantay at kapatiran ng mga bansa na nakasaad sa batas ng United Nations.
Ferdinand E. Marcos (1965-1972) Sa unang termino ni Pangulong Marcos naging malawakan ang
programang pang-imprastraktura gaya ng paggawa ng tulay, kalye, irigasyon o patubig at mga paaralan.
Naipalaganap din ang maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga pook rural. Lumaki din ang produksiyon ng bigas
na naging sapat sa pangangailangan ng bansa at nakapagluluwas pa sa ibang bansa dahil sa paggamit ng modernong
paraan ng irigasyon at pagsasaka. Itinatag ang Green Revolution na humuhikayat sa mga mamamayan na magtanim
at mag-alaga ng mga hayop upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain. Nabuo din ang ASEAN o Association
of Southeast Asian Nations sa panahon ni Pangulong Marcos na ang layunin ay matamo ang pag-unlad na
pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng rehiyon.

GAWAIN 1
Panuto: Sikaping ayusin ang mga titik upang mabuo ang kanilang pangalan.

__________1. LANUME SOXAR


Nagpatupad ng patakarang Pro-American, Anti Communist at Parity Rights.
__________2. AMONR YSAGAMYSA
Ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga Pilipino
sa pamahalaan at ang tagapagligtas ng Demokrasya.
__________3. ODOSIDAD LAPGAMCAA
Siya ang naglipat ng petsa ng Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Hulyo
__________4. LEIPIOD NOQUIRI
Pangulo ng Pilipinas na pinagtutuunan ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan
ng industralisasyon.
__________5. LOSRAC ARGIAC Nagpatupad ng Filipino First Policy para mataguyod at maprotektahan ang
produktong Pilipino.

GAWAIN 2
Panuto: Lagyan ng tamang sagot ang bawat patlang sa ibaba.

Unang naging Pangulo ng Ikatlong Republika si (1) ________________________, inilunsad niya


ang (2) ________________________ na kung saan binigyan ng pantay na karapatan ang mga
Amerikano at Pilipino na linangin ang likas na yaman ng bansa. Sunod na naging Pangulo si (3)
________________________, na naglalayong paunlarin ang Pilipinas sa pamamagitan ng
industriyalisasyon. Tinaguriang “Kampeon ng Masang Pilipino” naman ang sumunod na Pangulo na
si (4) ________________________. Isa sa pinakamagandang ambag niya ay ang tuluyang pagsuko ng
Supremo ng mga Hukbalahap na si (5) ________________________. Ika-apat na pangulo ng Ikatlong
Republika ay si Carlos P. Garcia, inilunsad niya ang (6) ________________________ o ang pagtitipid ng
pamahalaan. Ipinaiiral din niya ang (7) ________________________ ang patakarang nagbibigay
prayoridad sa mga Pilipino upang paunlarin ang kayamanan ng bansa. Ang ikalimang pangulo ng
Ikatlong Republika ay si (8) ________________________, tinuunan niya ng pansin ang paglutas ng
suliranin sa hanabuhay ng mga Pilipino. Sa kanyang termino nilipat ang Araw ng Kalayaan sa (9)
________________________at ang Hunyo 4 ay ginawang Philippine-American Friendship Day.
Panghuling pangulo ng Ikatlong Republika si Ferdinand E. Marcos, sa kanyang termino naging
malawakan ang programang pang-imprastraktura gaya ng tulay, kalye, irigasyon at mga paaralan.
Nabuo din ang (10) ________________________ na ang layunin ay matamo ang pag-unlad na
pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura ng rehiyon.

GAWAIN 3
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang naging epekto ng Filipino First Policy sa bansa?
A. Naging lubog sa utang ang Pilipinas
B. Naging laganap ang kurapsyon sa bansa
C. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo ng kapwa Pilipino
D. Tinangkilik ng mga Pilipino ang mga produkto at serbisyo galing sa ibang bansa

2. Alin sa mga sumusunod na programa o batas ang ipinapatupad sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Marcos?
A. Green Revolution o ang pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain
B. Austerity Program o ang pagtitipid ng pamahalaan at pamumuhay ng simple lamang
C. Kodigo ng Reporma sa Lupa na kung saan naiilipat sa mga magsasaka ang lupaing kanilang sinasaka
D. Bell TradeAct ang batas na nagsasabing ang Estados Unidos ay malayang makipagkalakalan sa Pilipinas.

3. Paano nilutas ni Pangulong Quirino ang problema sa mga Huk?


A. Pagbibigay ng bahay C. Pagbibigay ng perang pangnegosyo
B. Pagbibigay ng trabaho D. Pagbibigay ng amnestiya at lupa para masaka

4. Bakit masasabi nating hindi patas ang Philippine Trade Act of 1946 o Bell Trade Act?
A. Walang produktong Pilipino ang makakapasok sa Estados Unidos
B. Walang produktong galing Estados Unidos ang makakapasok sa Pilipinas
C. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong galing Estados Unidos papasok sa Pilipinas
D. Pagkakaroon ng quota ng mga produktong Pilipino na makapasok sa Estados Unidos

5. Paano nakakatulong ang pagkatatag ng Presidential Complaint and Action Commission (PCAC) ni Pangulong
Magsaysay?
A. Nabigyan ng pagkakataon ang mga karaniwang tao na mabigyan ng trabaho
B. Naipaaabot ng mga karaniwang tao ang kanilang hinaing at suliranin sa pangulo
C. Natulungan ang mga karaniwang tao sa problemang may kinalaman sa pananalapi
D. Wala sa nabanggit

You might also like