0% found this document useful (0 votes)
102 views5 pages

Speech 2024

Graduation Speech 2024

Uploaded by

KYRIE GALANG
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
102 views5 pages

Speech 2024

Graduation Speech 2024

Uploaded by

KYRIE GALANG
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

PANALANGIN NG PASASALAMAT

Carl Jaire H. Cabildo


May Mataas na Karangalan

Panginoon, aming Makapangyarihan at Mapagmahal na Ama, ang aming mga puso


aypuspos ng galak sa hapong ito na ipinagkaloob Mo sa amin. Lahat po ng mga bagay
naInyong ibinibigay sa amin ay patunay ng Inyong walang
hanggang pagmamahal.Salamat po sa isa na namang taong magtatapos, ganundin
sa lahat ng mga kaalamangaming natutunan.Salamat po sa aming mga magulang, sa
kanilang walang sawang pagsasakripisyo atpagmamahal sa amin.

Salamat po sa aming mga guro, punongguro at iba pang pinuno ng paaralan, saka
nilang walang kapagurang pagtuturo sa amin ng iba’t ibang kaalaman atkagandahang
asal. Salamat po sa aming mga kamagaral at kaibigan, sa kanilang pagbibigay-
buhay saaming paglalakbay.Salamat po sa aming mahal na paaralan, sa kanyang pag-
aaruga at pagbibigay ngpangalawang tahanan.Panginoon, marami po kaming
pinagdaanan. Sa loob ng anim na taon, iba’t ibang uri ngproblema ang aming naranasan.
Naniniwala po kami, Ama, na sa aming paglalakbay sabuhay, may mga pagsubok
kaming kailangang lampasan. agamat minsan ay gusto
naming magtago, alam naming hindi ito maaaring takasan. Sapagkat sa Iyongkarununga
n, ang mga bagyo, pasakit at mga paghihirap na ito ang siyang magigingdaan upang
kami ay mas maging matatag at mabuting nilalang. Salamat po sa pag-antabay sa amin.

Sa araw pong ito ng aming pagtatapos, lubos po kaming nagpapasalamat Sainyo.


uksan Niyo po ang aming mga mata upang makita ang kagandahan sa aming
paligid.Buksan Niyo po ang aming mga tainga sa pakikinig sa lahat ng mga mensaheng
ibibigaysa pagtitipong ito. Naniniwala po kami na ito ay galing sa Inyo. Buksan Niyo rin
po angaming mga isipan upang piliin naming matutunan ang mga bagay na naaayon sa
Inyongkagustuhan. "igit sa lahat, buksan Niyo po ang aming mga puso, para mas lalo
namingmahalin ang mga bagay na ipinagkakaloob Niyo sa amin katulad ng aming pag-
aaral.Sa amin pong mga gagawing desisyon sa hinaharap, patuloy Niyo po kaming
gabayan.

Nawa’y gawin mo kaming mga instrumento upang ang Inyong pag-ibig ay patuloy
namanatili sa lahat ng panahon ng aming buhay.Lahat pong ito ay aming
ipinapanalangin, sa ngalan ng Iyong Anak na si "esus. Amen.
TALUMPATING PASASALAMAT
She Kinah Clariz S. Guevarra
May Mataas na Karangalan

Sa ating D.O representative ____________________________, sa ating punong guro –


DR. MIGUELA H. JOHANSSON, sa mga brgy.officials na naririto sa ngayon, sa pangulo
ng G.P.T.A-Gng. Mary Ann Dayrit kasama ang kanyang kapwa opisyal, sa aming guro,
MGA, MAGULANG, sa KAPWA KO MAGSISIPAGTAPOS AT SA LAHAT NG NARIRITO “ISANG
MAGANDANG UMAGA SA INYONG LAHAT”.

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang


magsalita sa harapan ninyong lahat. Halong emosyon ang nararamdaman ko sangayon.
Masaya at bahagyang malungkot. Masaya sapagkat makakamtan nanamin ang bunga ng
aming pagsisikap sa loob ng anim na taon at sa mgamagagandang alaala na ating nabuo
sa paaralang ito. Malungkot dahil sa ilangsaglit lamang ay lilisan na tayo sa paaralang
ating minahal, nagsilbingpangalawang tirahan natin sa loob ng anim na taon, naging
saksi ng atingpaghihirap, at ang institusyong humubog sa kung ano tayo ngayon.
Gayumpaman, ang araw na ito ay isang kaganapang hinding-hindi natinmakakalimutan
dahil isang kabanata sa ating buhay ang nagtapos- ito ang buhay elementarya, subalit
panibagong kabanata ng ating buhay ang magbubukas ito naman – ang buhay high
school.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang pag-aaral ay mahirap, ngunit kungano ang
hirap ng estudyante upang mag-aral ay siya ring hirap ng mgaguro sa pagtuturo lalo na
sa mga estudyanteng laging late o absent. Madalas saating mga estudyante ay kina-
iinisan natIn ang mga gurong lagingpumupuna ng ating mga marka at pag-uugali, ngunit
ito ay ilan lamangsa mga patotoo na ang ating mga guro ay hindi lamang guro sa
propesyon, kundiguro din sa kanilang mga puso bagkus ang tunay na guro ay
nagmamahal ngkanyang mga estudyante. Kaya sa aming mga guro, maraming
maraming salamatpo sa walang sawang pag-gabay sa amin sa tamang daan.Sa aming
mga magulang at pamilya nais kong magpasalamat sa lahat ngsakripisyo at
pagmamahal na ibinigay niNyo sa aMin.

Ang mabigyan ngpagkakatoon upang makapag-aral ay isa sa mga pinakakananais


ng bawat Filipino.Mapalad ako at isa ako sa nabigyan ng pagkakataon upang matupad
ko ang akingpangarap. Alam kong responsibilidad ng magulang ang mapag-aral ang
kanyang anak,ngunit naniniwala akong ito ay mas higit pa sa responsibilidad ay
ang pagmamahalnila sa atin, pagmamahal na higit pa sa ating inaasahan.

Kaya sa mga estudyanteng katulad ko, wag po natin ipag-sa walangbahala ang
pag-aaral na ibinibigay ng ating mga magulang. Salamat sa ating Alma Mater, na
nagsilbing pangalawang tirahan natin sa loob ng anim na taon. Ang institusyong naging
saksi ng ating paghihirap at tagumpay. Ang naging kanlungan ng ating murang isipan at
humubog sa aming pagkatao. Naway marami pang bata ang makatamasa ng
magandang edukasyon para maging daan sapagkamit ng kanilang pangarap at miithiin
tungo sa magandang kinabukasan. Sa dakilang Maykapal, kami po ay taos pusong
nagpapasalamAt sainyo sa walangsawang pag gabay sa pagpasok namin sa paaralan at
pinanatili mo kaming ligtas saaraw-araw. Sa pagbibigay mo ng karunungan sa aming
guro upang ipaabot sa amingkaisipan

Sa aking mga kaklase na walong oras ko nakakasama limang beses saisang linggo.
Bagamat maghihiwa-hiwalay na tayo ng landas, dapat tayong matuwa dahil may
babalik-balikan tayong masasayang alaala sa
atingbuhay elementarya. Isa kayo sa mga tumulong sa akin upang mahubog ang aking
personalidad. Sa pagtungtong ng high school, tiyak na hindi na ako mahihirapang
makisama sa aking mga bagong makikilala bagkus tinulungan niyoakong mahubog ang
aking kagalingang panlipunan. Naway magtagumpay tayo saanumang landas na ating
tatahakin.At sa ating pagtatapos, naway wag nating kalimutan ang lahat ng
atingnatutunan. Sa pagtatapos nating ito, isang pinto naman ang magbubukas para
saating hinaharap ngunit hindi ibig sabihin nito na dapat nating madaliinlahat sa ating
buhay. Kung ano man ang nais natin sa buhay, hindi importantengmakuha o makamit
natin agad ito, ang importante ay matutunan natingmagsumikap upang makamit ang
mga ito.

Gusto rin naming pasalamatan ang mga taong tumulong at naglaan ng


kanilangoras sa paghahanda ng aming pagtatapos.Sa muli maraming maraming
maraming salamat po. MALIGAYANG PAGTATAPOS SA ATIN AT MABUHAY TAYONG
LAHAT!

PAMBUNGAD NA PANANALITA
Shantel Cassidy M. Ibay
May Mataas na Karangalan

Sa ating kagalang-galang na Schools Division Superintendent, Dr. Ronnie S.


Mallari, at sa kanyang kinatawan, ____________________________/ sa ating tagamasid
pampurok ng Hilagang Concepcion, Dr. Cecilia S. Guzman, ang ating Punong-Guro Dr.
Miguela H. Johansson/ mga masisipag naming guro/ mga mapagmahal na magulang,
panauhing pandangal, ___________________ at sa kapwa ko
magsisipagtapos/ MAGANDANG UMAGA PO SA ATING LAHAT, at samahan nyo po kami sa
Araw ng aming pagtatapos na may temang “KABATAANG PILIPINO PARA SA MATATAG NA
KINABUKASAN!”

Ngayon / ang pinakamahalagang araw na hinihintay ng bawat mag-aaral /


nanagpapatunay na natapos natin ang unang yugto ng ating pag-aaral / at simula ng panibagong
pakikibaka para sa ating minimithing pangarap / at magandang kinabukasan / mga
kapwa kongmagsisipagtapos, lagging tandaan ang mga mabubuting aral na ating
natutunan sa kabuuan ngating pananatili sa Mababang Paaralan ng Sta. Rosa / ay ating
maging gabay upang higit natingpahalagahan ang edukasyon, ang susi sa pagtupad ng
ating pangarap.

Ang mga kaalaman at kasanayang naituro sa atin ng mga guro ay ating


palawakin /linangin / at pagyamanin. Maraming pang hadlang at balakid ang ating
haharapin sa mga susunodna panahon ang ating pag-aaral / ngunit dapat tayong maging
positibo / sa pagharap ng mgasuliraning ito, upang tayo ay magtagumpay sa ating mga
gawain.Ang mga hirap at sakripisyo ng ating mga magulang / mga guro ay maging
inspirasyon saating paglalakbay tungo sa ating adhikain at pagiging isang mabuting
mamamayan ng ating bansa. Huwag tayong magpadala o paimpluwensiya sa mga
masasamang gawain sa ating paligid, bagkus,panatilihing bukas ang isip sa mga gawang
mabuti, pagpapakumbaba, disiplina at higit sa lahat,ang paniniwala at pagmamahal sa
Diyos sa paggabay sa atin sa araw-araw.

Ang bahaging ito ng ating buhay – mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating


mas malaking buhay. Inihanda lamang tayong ating mga guro at magulang upang
maging matibay, malakas at matatag tayo sa mga daratingna pagsubok at hamon sa
ating buhay.Ang edukasyon ay ang sandata na ibinigay sa atin upang
mapagtagumpayan natin angmga darating na hamon ng buhay.

At bilang pagtatapos sa aking mensahe, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa
magsisipagtapos na gamitin natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral. Isa-
puso natin ang lahat ng ating mga natutunan
sa paaralang ito. Mayroon tayong mahalagang papel nagagampanan para sa ating
bayan. Nawa’y magtagumpay ang bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at
higit sa lahat sa mata ng Diyos. Maraming-
maraming salamat at magandang umaga po sa inyong lahat.

PAGBATI
Sebastian Miel L. Nartea
May Mataas na Karangalan

Sa ating kagalang-galang na Schools Division Superintendent, Dr. Ronnie S.


Mallari, at sa kanyang kinatawan, ____________________________/ sa ating tagamasid
pampurok ng Hilagang Concepcion, Dr. Cecilia S. Guzman, ang ating Punong-Guro Dr.
Miguela H. Johansson/ mga mapagkalinga naming guro/ mga mapagmahal na magulang,
panauhing pandangal, ___________________, at sa lahat ng magsisipag
tapos ngayong araw na ito, magandang umaga po sainyong lahat.

Maraming salamat po at pinaunlakan ninyo kami sa isa sa pinakamahalagang


bahagi ng aming buhay bilang mag-aaral. Ito ang tamang araw upang ipagdiwang natin
ang matagumpay na maisakatuparan ang pagtitiyaga at pagsisikap alang-alang sa atin g
kinabukasan.

Nais kong ibahagi ang tagumpay na ito sa aming mga magulang, sa


aming punongguro,sa aming mga guro at sa lahat ng mga taong tumulong upang
makarating tayo sa espesyal na araw na ito. Kung kaya ako, sampu ng kapwa ko
magsisipagtapos, BINABATI KITA! Isang masigabong palakpakan po sa bawat-isa!

Muli, binabati ko ang bawat isa, maligayang pagtatapos at mabuhay tayong lahat!
Sama-sama tayong magtatayo ng isang matatag na kinabukasan para sa bagong
Pilipinas! Maraming Salamat po!
PAGBATI
Sebastian Miel L. Nartea
May Mataas na Karangalan

Magandang buhay, mabubuting tao! Isang mapagpalang araw sa lahat!

Lalo't higit sa aming mga panauhin, sa pangunguna Pansangay na


Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Probinsya ng Tarlac, Dr. Ronnie S. Mallari, at ng
kanyang kinatawan na si ________________________, __________________, Kapitan Ramon G.
Manucduc,Jr at kanyang konseho, GPTA President Mary Ann Dayrit, sampu ng kanyang
kapwa opisyal na naririto ngayon.

Magandang umaga rin po sa aming panauhing tagapagsalita, Pastor Ambrocio


Manucduc, sa aming masipag at mabait na Tagamasid Pampurok Ma’am Cecilia S.
Guzman, sa aming butihing punungguro Ma’am Miguela H. Johansson, at sa aming mga
mapagmahal at matityagang guro mula kindergarten hanggang ika-anim na baitang.

Mapagpalang umaga rin po sa aming maarugang mga magulang, lolo at lola, mga
tito at tita, ate at kuya, at higit sa lahat sa mga mag-aaral na kapwa ko magsisipagtapos
sa araw na ito.

Maraming salamat po at pinaunlakan ninyo kami sa isa sa pinakamahalagang


bahagi ng aming buhay bilang mag-aaral. Sa temang, “Kabataang Pilipino Para sa
Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas!” sama-sama po nating ipagdiwang ang
araw ng aming pagtatapos!

Muli, mainit na pagbati ang inihahatid ko sa mga tunay na bida ng okasyong ito.
Walang iba kundi ang mga magsisipagtapos ngayong taong panuruan 2023-2024. Ang
araw na ito, ay araw natin! Isang masigabong palakpakan, at mabuhay tayong lahat!

You might also like