0% found this document useful (0 votes)
28 views7 pages

Grade 7

EXAM

Uploaded by

tayabanmayvilyn
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
28 views7 pages

Grade 7

EXAM

Uploaded by

tayabanmayvilyn
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
Schools Division of Kalinga
Northern Pinukpuk District
MALAGNAT NATIONAL HIGH SCHOOL
Malagnat, Pinukpuk, Kalinga
____________________________________________________________________________
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 7 (ARALING ASYANO)

Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.

1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, Kanluran, Timog, Timog-Silangan, at


Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod na salik ang isinaalang-alang sa paghahating
heograpikal na ito sa Asya?
a. etnisidad at wika b. kasaysayan at lahi c. klima d. pisikal, historikal at
kultural

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa paghahating – heograpiko ng


Asya?
a. Ang Kanlurang Asya ay kinabibilangan ng mga bansang Arabo.
b. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bansang dating kabilang sa Soviet Union.
c. Ang paghahating – heograpiko ay nakatulong sa pagkakawatak ng mga bansang
Asyano
d. May mga rehiyon sa Asya na iba’t iba ang kultura at katangiang pisikal ngunit
nagkakaisa

3. Iba’t-ibang uri ng mga anyong lupa tulad ng bundok, bulubundukin, bulkan at iba pa ang
makikita sa Asya.
Alin sa mga sumusunod na bundok sa Asya ang itinuturing na pinakamataas at kilala sa buong
mundo?
a. Everest b. Himalayas c. K2 d. Kanchenjunga

4. Tumutukoy ito sa kapatagan sa itaas ng bundok na kung saan ang Tibetan Plateau ang
itinuturing na pinakamataas nito sa buong mundo. Ano ang tawag sa anyong lupang ito?
a. bulubundukin b. kapatagan c. talampas d. tangway

5. Tinatayang ang sangkapat (¼) ng kalupaan sa mundo ay damuhan o grasslands.


Alin sa mga uri ng grasslands ang may mga damuhang mataas na malalalim ang ugat
na makikita sa Hilagang Asya?
a. prairie b. savanna c. steppe d. taiga

6. Kung ang vegetation cover sa Timog Silangang Asya ay rainforest, ano naman ang
nasa mga lupaing malapit sa baybayin ng Arctic Ocean na may kakaunting h
alamang tumatakip at halos walang punong nabubuhay dahil sa malamig na klima?
a. grassland b. savanna c. taiga d. tundra

7. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at hindi palagian ang klima, ano naman
ang katangian ng klima sa Timog - Silangang Asya?
a. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
b. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
c. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na
nababalutan ng yelo.
d. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-
ibang buwan sa loob ng isang taon.

8. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang


kinalalagyan ng kontinente ng Asya?
a. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho.
b. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay mainit ang panahon.
c. Ang malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig.
d. Insular o kapuluan ang karamihan sa mga bansa sa Asya.

9. Tingnan muli ang mapa ng Asya. Alin sa mga sumusunod na bansa ang kabilang sa
Silangang Asya?
a. China at Korea b. Georgia at Armenia c. Indonesia at Pilipinas d.
Israel at Jordan

10. Alin sa mga sumusunod na bansa ang pinakamalapit sa Pacific Ocean dahilan upang ang
mga ito ay madalas daanan ng bagyo at mapabilang sa tinatawag na Pacific Ring of Fire?
a. China at Japan b. Japan at Pilipinas c. Malaysia at Singapore d. Nepal at
Sri Lanka

11. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Asya ang insular o kapuluan?


a. Indonesia at Pilipinas b. Iran at Iraq c. North at South Korea d. Syria at
Yemen 12. Malaking bahagi ng hangganan ng Asya ay mga anyong tubig. Alin sa
mga sumusunod ang pinakamalaking lawa sa mundo na makikita sa kanlurang
bahagi ng Asya?
a. Caspian Sea b. Dead Sea c. Lake Baikal d.Mediterranean Sea
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng
kontinente ng Asya/
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nasa anyong lupa o
anyong tubig.
b. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong
halamanan.
d. Nagtataglay lamang ng iisang uri ng klima ang Asya.

14. Kung ang ginto ay yamang mineral, alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng yamang
tubig?
a. dalandan b. hipon c. pilak d. troso

15. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang mineral. Alin sa mga sumusunod na bansa dito
ang itinuturing na pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa mundo?
a. Iraq b. Kuwait c. Oman d. Saudi Arabia

16. May malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang mainam na pinagkakabuhayan ng
mga tao dito?
a. Paghahayupan b. Pagmimina c. Pagtatanim d. Pagtotroso

17. Sakop ng China ang 7% ng lupa sa buong mundo na maaaring bungkalin at pagtaniman.
Ano ang pangunahing pananim butil sa bansang China?
a. barley b. mais c. palay d. Trigo

18. Alin sa mga sumusunod ang nangungunang produktong ipinanluluwas ng Pilipinas sa


mundo?
a. ginto b. kopra c. langis d. rubber

19. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi naglalarawan sa likas na yaman ng Asya?
a. Maraming iba’t-ibang likas na yaman sa mga rehiyon sa Asya.
b. Pinakamayaman sa yamang mineral ang mga bansa sa Kanlurang Asya.
c. Mataba ang lupa sa mga lambak-ilog ng Asya kung saan may sari-saring pananim.
d. Magkakapareho ang mga produkto o likas na yaman ng bawat rehiyon sa Asya.

20. Para sa iyo, ano ang maaaring maging pahiwatig o interpretasyon ng larawan?
a. Ang mundo ay nababalutan ng
mga halaman
b. Ang mundo ay puno ng iba’t
ibang uri ng insekto
c. Ang mundo ay mabango dahil sa
maraming uri ng bulaklak
d. Ang mundo ay tirahan ng maraming uri ng hayop at halaman na
may iba’t -ibang katangian

21. Ang biodiversity ay ang pagkakaiba-iba at katangi-tanging anyo ng lahat ng buhay


na bumubuo sa natural na kalikasan. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang
dahilan ng mabilis na pagkawala ng biodiversity sa
Asya?
a. Patuloy na pagtaas ng populasyon c. Pag-aabuso sa lupa
b. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat d. Pagkabutas ng ozone layer

22. Alin sa mga suliraning pangkapaligiran sa ibaba na bunsod ng urbanisasyon ang


lubhang napakasalimuot at epekto ng lahat ng usaping pangkalikasan?
a. problema sa solid waste c. pagkakalbo ng kagubatan
b. polusyon sa hangin at tubig d. pagkasira ng biodiversity

23. Maraming suliraning pangkapaligiran sa Asya na namiminsala sa kalupaan, katubigan


at hangin nito. Alin sa mga sumusunod na suliraning pangkapaligiran ang hindi
pumipinsala sa yamang lupa ng Asya ?
a. deforestation b. desertification c. red tide d. lahat ay tama

24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mabilis na pagkaubos ng mga puno sa
kagubatan na kasalukuyang suliranin sa mga bansang Asyano katulad ng Bangladesh,
Indonesia at Pilipinas?
a. Alkalinization b. Deforestation c. Reforestation d. Salinization

25. Kung isa kang kasapi o miyembro ng Youth for Environment in School (YES – O)
o Supreme Student Government (SSG) at naatasan ng Punongguro na
magmungkahi ng mga programang pangkalikasan sa paaralan, alin sa mga sumusunod
na krayterya ang dapat matamasa ng nasabing proyekto?
a. pangmatagalan b. panandalian c. makasunod lamang d. magastos
na proyekto

26. Simula taong 1989 hanggang 2003, ang Aral Sea sa Hilagang Asya ay lumiliit nang
lumiliit ang sukat nang mahigit sa apat na beses, at humantong sa pagkakahati sa
dalawa - ang Large Aral Sea at Small Aral Sea. Ano ang implikasyon nito?
a. Ang suliraning tulad nito ay lubhang nakakaalarma.
b. Ang kontinente ng Asya ang may pinakamabilis na antas ng paglala ng mga suliraning
pangkapaligiran.
c. Ang pagbaba ng lebel ng Aral Sea, ang pagkasira ng mga pastulan at pagkatuyo ng
mga lupa ay ang mga naitalang pinakamalalang suliraning pangkapaligiran sa Hilagang
Asya.
d. Malaki ang epekto sa buhay ng maraming tao ang pagbabago ng kalagayan ng
kalikasan, kung kaya’t dapat maging aktibo ang iba’t-ibang samahang pangkalikasan
sa bawat rehiyon na bumuo ng mabisang solusyon para dito.
27. Ang mga Asyano ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat batay sa wika at etnisidad na
kinabibilangan. Ano ang tawag sa pagpapangkat na ito?
a. Etniko b. Etnolingguwistiko c. Katutubo d. Nomad

28. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing batayan sa pagpapangkat ng mga tao?
a. etnisidad b. kulay c. kultura d. wika

29. Ano ang ibig sabihin sa pahayag na “Sinasalamin ng wika ang kultura ng isang lahi” ?
a. Ang wika ay may iba’t ibang layunin. c. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at
kabuhayan ng tao
b. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao. d. Dahil sa wika mababatid ang katangian ng
kultura ng isang lahi

30. Kilala ang mga Asyano sa paggalang sa nakatatanda. Alin sa mga ito ang gawi ng
mga Pilipino upang pahalagahan ito?
a. Pagmamano b. Pagsaludo c. Pagsabit ng kwintas sa leeg d. Pagyuko
ng mababa
31. Ang kanilang pangkat ay kilala sa pagiging bihasa sa pagsakay sa kabayo,
pagpana at paninirahan s a tinatawag na “pocket house”. Anong pangkat
etnolingguwistikong ito na matatagpuan sa bansang China?
a. Arab b. Balinese c. Manchu d. Ngalops

32. Pangkat etnolingguwistiko sa Hilagang Asya na itinuturing na isa sa mga sinaunang


tao sa daigdig.
Makikita ang yaman ng kanilang kultura sa makukulay na tela na may iba’t-ibang disenyo. Ano
ito?
a. Indian b. Manchu c. Ngalops d. Tajik

33. Ano ang pangunahing relihiyon ng mga Arab?


a. Budismo b. Hinduismo c. Islam d. Kristiyanismo

34. Bakit magkakaiba ang kultura at uri ng pamumuhay ng mga pangkat etnolingguwistiko sa
Asya?
a. Dahil sa pagkakaiba ng kanilang heograpiya c. Dahil sa pagkakaiba ng
pananamit
b. Dahil magkakaiba ang relihiyon d. Wala sa pagpipilian

35. Kung iba-iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahulugang
pinakamalaking hamon sa rehiyon ang ____________________.
a. modernisasyon b. pagkakakilanlan c.pagkakaisa d. politikal

36. Suriin ang larawan sa itaas. Ano ang mahihinuha mo sa yamang- tao ng Asya?
a. Ang mga Asyano ay walang pagkakaisa.
b. Ang mga Asyano ay iba’t iba ang katangian.
c. Ang mga Asyano ay may iisang pagkakakilanlan na masasalamin sa mayamang
kultura nito.
d. Ang mga Asyano ay may iba’t ibang katangian at pagkakakilanlan na nagpayaman sa
kultura nito.

37. Ano ang pinakamainam mong magagawa para sa mga kababayan nating Maranao na
apektado sa kaguluhang nagaganap sa Marawi dahil sa terorismo?
a. I-post sa social media ang iyong pagtuligsa sa terorismo.
b. Ipagdasal, magbigay ng relief goods at palakasin ang loob ng mga bakwit na
apektado sa kaguluhan sa kanilang lugar.
c. Pakiusapan ang gobyerno at mga teroristang grupo na magdeklara ng ceasefire.
d. Sisihin ang gobyerno dahil sa pagkamatay ng mga sundalo at sibilyan.

38. Ano ang mahihinuha o pagkakaunawa mo sa larawan?


a. mas malakas ang puti kasya sa itim na lahi
b. pairalin ang pagkakawatak – watak ng mga lahi
c. dapat magkakaaway ang mga grupo etnolinggwistiko
d. dapat magkaisa kahit magkakaiba ang pangkat
etnolinggwistikong ating kinabibilangan
39. Ang populasyon ay tumutukoy sa dami ng tao sa i sang lugar o bansa. Alin sa mga
sumusunod na bansang Asyano ang may pinakamalaking populasyon sa buong mundo?
a. China b. India c. Indonesia d. Japan

40. Ano ang iyong mahihinuha sa pahayag na “For every 10 people in the world, 6 are from
Asia”?
a. Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo
b. Ang Asya ay biniyayaan ng yamang tao at lakas-paggawa
c. Animnapung bahagdan (60%) ng kabuuang populasyon sa daigdig ay nasa Asya.
d. Patuloy ang paglaki ng populasyon sa daigdig.

41. Sa Japan, tinatayang hanggang 82 taon ang itinatagal ng buhay ng mga tao dito.
Alin sa mga sumusunod na terminolohiya ang tumutukoy sa inaasahang haba ng buhay
ng tao?
a. Life Expectancy Rate b. Literacy Rate c. Population Rate
d.Unemployment Rate
42. Alin naman ang tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat?
a. Life Expectancy Rate b. Literacy Rate c. Population Rate
d.Unemployment Rate

43. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng implikasyon ng mababang antas ng


literacy rate o kawalan ng edukasyon sa pag-unlad ng isang bansa?
a. Nagpapataas ito ng unemployment rate o bahagdan ng populasyong walang
hanapbuhay.
b. Kapag konti ang kita ng mamamayan, maliit din ang kita ng pamahalaan.
c. Maraming kabataan ang malnourish at nagkakasakit
d. Nagkakaroon ng kakapusan sa pagkain, damit at tirahan.

Suriin ang talahanayan tungkol sa populasyon ng ilang bansa sa Asya at sagutin ang
kasunod na mga tanong kaugnay nito.

44. Kung iaayos mo ang mga bansang nasa


talahanayan ayon sa laki ng populasyon, ano
ang tamang pagkakasunod-sunod nito?

a. India, Sri Lanka, Laos, Indonesia at Japan


b. India, Indonesia, Japan,Sri Lanka at Laos
c. Indonesia, India, Japan, Laos at Sri Lanka
b. Sri Lanka, India, Indonesia, Laos at Japan

45. Alin sa mga bansang nasa talahanayan ang nagtala ng pinakamabilis na paglaki ng
populasyon?
a. Indonesia b. Japan c. Laos d. Sri Lanka

46. Bakit mahalaga na mabatid ang bahagdan ng bilis ng paglaki ng populasyon ng isang
bansa?
a. Upang mabatid kung bata o matanda ang populasyon.
b. Upang magamit sa pagpaplano ng pamilya.
c. Upang maunawaan ang kahalagahan ng yamang tao.
d. Upang maging batayan ng pamahalaan sa pagbuo ng mga patakaran /programa na
makapagpapabagal o makapagpapabilis ng pagdami ng tao.

47. Makikita sa talahanayan na Japan ang nagtala ng may pinakamalaking bahagdan ng


matandang populasyon na nasa edad 65 pataas. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Mabisa ang impluwensiya ng mga bansang kanluranin.
b. Tumaas ang katayuan ng matatanda sa lipunan.
c. Ang mga matatanda ay abala sa pagpapaunlad ng kanilang kabuhayan
d. Ang haba ng buhay ng tao ay dulot ng mataaas na antas ng pamumuhay sa bansa.

48. Taong 1979 nang ipatupad sa China ang “ One Child Policy ” na naglalayong
hikayating magkaroon lamang ng isang anak ang mag-asawa. Isa sa epekto nito ay
ang pagbaba ng population growth rate ng China. Ano ang mahihinuha sa sitwasyong
ito?
a. Patuloy na lumalaki ang populasyon ng China sa kabila ng patakarang ipinatupad
nito.
b. Pagkaubos ng lakas ng paggawa na makaaapekto sa pag-unlad ng ekonomiya nito.
c. Nagtagumpay ang China na makontrol ang paglaki ng kanilang populasyon.
d. Ang pagpapatupad ng One China Policy ay paglabag sa karapatang pantao ng
mga mag-asawa.

49. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan upang makontrol ang mabilis
na paglaki ng populasyon?
a. Pagpapaliban sa maagang pag-aasawa
b. Pamamahagi ng contraceptives sa mahihirap na pamilya
c. Patuloy na pagbibigay ng tamang edukasyon sa mag-asawa sa pagkontrol ng
populasyon. d. Lahat ay tama

50. Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng iba’t ibang suliranin gaya ng pagkasira
ng kapaligiran at paglaki ng populasyon na nakakaapekto sa pag-unlad n g mga
bansa sa rehiyon. Ikaw bilang isang kabataan ay naanyayahan na dumalo sa isang
pagpupulong upang talakayin ang solusyon sa paglutas sa suliranin, ano ang iyong
imumungkahi upang malutas ang suliranin?
a. Dumulog sa United Nations upang malutas ang suliranin.
b. Ipagbawal ang paggamit ng plastic upang mabawasan ang suliranin sa kapaligiran.
c. Magpatupad ng programa na magbabawal sa mag-asawa na magkaroon ng anak.
d. Magsagawa ng mga kampanya upang ipaunawa ang kahalagahan ng kapaligiran at
tao sa pag- unlad ng isang bansa

Inihanda ni: Sinuri ni:


MAY VILYN B. TAYABAN SHIELA T. BUCALEN
Teacher I School Principal

You might also like