0% found this document useful (0 votes)
45 views10 pages

ESP10-week7 - Mafel Edradan

DLP
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
45 views10 pages

ESP10-week7 - Mafel Edradan

DLP
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 10

Republic of the Philippines

Department of Education
City of Naga –Division

BANGHAY ARALIN SA ESP -10


S.Y. 2022-2023

KWARTER 1- IKAPITONG LINGGO

Petsa- Sesyon: 1
October 3-7, 2022
Pamantayan Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip
Pangnilalaman sa paghahanap ng katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/ pagmamahal.
Pamantayan sa Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang
Pagganap mahanap ang katotohanan at maglingkod at magmahal.
Kompetensi 1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.(EsP10MP-Ia-1.1)
1.2. Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng
mga kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito. (EsP10MP-Ia-1.2)
I. LAYUNIN:
Apektiv Napapapahalagahan at nasusuri ang mga kahinaan sa pagpapasiya para sa paggawa
ng konkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
Saykomotor Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob
Kaalaman Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapapasiya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
B. Sanggunian ADM- ESP 10- Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob
C. Kagamitang MELCS baitang 10, ADM- ESP 10, activity sheets ,mga larawan
Pampagtuturo
III. PAMAMARAAN Sesyon 1
A. Paghahanda  Preliminaries
√Panalangin
Takdang minuto: √Check attendance
10 √ Pagpapa ala-ala sa COVID-19 Protocols.
√ Pagpapaal-ala sa kaayusan at kalinisan sa loob ng silid aralan.
√Rebyu sa nakararang paksang tinalakay at pag-uugnay ng paksa sa bagong
paksang tatalakayin.

Pambungad na Gawain: “ Tuklasin”


Sagutin ang gawain na may kinalaman sa nilikhang may buhay sa mundo. Magbahagi
ng dalawang pagkakatulad at pagkakaiba ng tatlong nilalang na may buhay.
1. Ano ang mayroon ang bawat isa upang makita ang babala?
2.Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang makita ang babala?
3.Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala?

Sagutin ang katanungang:

HALAMAN HAYOP TAO


Pagkakatulad
Pagkakaiba
Pagsusuri/ Analysis
Gawain1: Suring -basa
Takdang minuto: 15 PANUTO: Pag-aralan ang mga sitwasyon. Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa tauhan
sa sitwasyon at sagutin ang katanungang: Ano ang gagawin mo sa pangyayari?

Sitwasyon 1
Masaya kang nakikipagkwentuhan sa iyong mga kibigan nang biglang napunta ang
usapan tungkol kay Jenny. Ayon sa isa mong kaibigan, nakikipagrelasyon daw ito sa
lalaking may asawa. Kapitbahay mo si Jenny.

Sitwasyon 2
Inanyayahan ka ng iyong kaklase sa kaarawan ng kaniyang pinsan. Sumama ka at
nakipagkwentuhan sa iba pang bisita. Sa kalagitnaan ng kwentuhan naglabas sila ng
alak at pinipilit ka ng iyong kaklase na tikman ito.

Sitwasyon 3
Hindi nagawa ng matalik mong kaibigan na si Peter ang inyong takdang aralin sa Math.
Nais niyang kopyahin ang iyong gawain at inalok ka niya na ililibre ka niya ng pagkain
kapag pinakopya mo siya.

B. Paglalahad Tatalakayin ang Paksang Aralin:


Abstraksyon Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang
(Pamamaraan ng obra maestro. Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na
Pagtalakay) ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan ng Diyos
ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili at gumusto.
Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa
Takdang minuto: 20 masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito.
KAKAYAHANG TAGLAY NG TAO

I. PANGKAALAMANG PAKULTAD (Knowing Faculty).Dahil sa panlabas na pandama at


dahil sa isip kaya’t ang tao ay nakauunawa, naghuhusga at nangangatuwiran.

DALAWANG KAKAYAHAN NG TAO


A. Panlabas na pandama- ito ay ang paningin, pandinig, pangamoy, at panlasa. Ang
mga ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa
reyalidad.
Mga halimbawa:
a. paningin- mata na ginagamit upang makita ang mga bagay sa ating paligid
b. pang-amoy- ilong na ginagamit upang maka-amoy katulad ng amoy ng
pabango o iba pang amoy sa ating paligid
c. panlasa- dila na ginagamit upang makalasa ng mga pagkain
d. pandinig- tainga na ginagamit upang makadinig ng iba’t-ibang klaseng tunog
sa paligid

B. Panloob na pandama- ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon


at instinct.
a. a.Kamalayan- pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-
uunawa.
Halimbawa: Mag-aaral ka ng mabuti dahil alam mo na malapit na ang
final exam, may kamalayan ka sa iyong sarili na kailangan mong magaral
dahil gusto mong makapasa sa pagsusulit.
b. Memorya- kakayahang kilalanin at alaalahanin ang nakalipas na
pangyayari o karanasan
Halimbawa: Naaalala mo na may takdang aralin kayo sa Edukasyon sa
Pagpapakatao na ipapasa bukas.
c. Imahinasyon- kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
Halimbawa: Nakabubuo ka ng pangyayari sa iyong isip na ikaw ay
nakarating ibang bansa at nagpatayo ng sarili mong negosyo.
d.d. Instinct- kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi
dumadaan sa katwiran.
Halimbawa: Naramdaman mong parang may sumusunod sa iyo habang naglalakad
pauwi, dahil sa iyong instinct mabilis kang tumakbo.

Ipinakita ni Esteban ang ispiritwal at materyal na kalikasan ng tao gamit ang tsart
na:

ANG KABUUANG KALIKASAN NG TAO


Kalikasan ng Pangkaalamang Pagkagustong Pakultad
Tao Pakultad
Materyal (Katawan) Panlabas na Pandama Emosyon
Panloob na
Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(Kaluluwa,
Rasyonal)

Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama, nagkakaroon ang tao ng
direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa
kapangyarihan o kakayahang makaalam.

ISIP KILOS-LOOB
Kakayahan a. may kakayahang magnilay o a. Pumili, magpasiya at
magmuni-muni isakatuparan ang pinili
b. nakauunawa b. Naaakit sa mabuti at
c. may kakayahang mag lumalayo sa
abstraksiyon masama
d. makabubuo ng kahulugan
at kabuluhan ang bagay
Gamit at a. humanap ng mpormasiyon a. Malayang pumili ng
Tunguhin b. umisip at magnilay sa mga gustong isipin o gawin
layunin at kahulugan ng b. Umasam maghanap.
impormasiyon Mawili, humilig sa
c. sumuri at alamin ang anumang nauunawaan
dahilan ng pangyayari ng isip
alamin ang mabuti at masama, c. Maging
tama at mali, at ang mapanagutan
katotohanan sa pagpili ng aksiyong
makabubuti sa
lahat
May pagkakatulad ang hayop at tao. Una, sila ay parehong mga nilalang na
may buhay. Ikalawa, may natatanging pangangailangan ang tao at hayop – ito ay
ang pagmamahalan sa isa’t-isa. Ang pangatlo ay may kakayahan silang magparami.
Ang tao ay may isip upang alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Tayo rin
ay may puso upang makaramdam ng emosyon at kilos-loob na magpasiya at
isakatuparan ang ating pinili. Ito ang dahilan kung bakit tayo natatangi at naiiba sa
iba pang nilikhang may buhay.

Ayon sa aklat, “Education ng Values” ni Esteban, ang isip ng tao ay may


ispiritwal na kakayahan, ang “intellect at will”.
Makikita ang pagkakaiba ng intellect at will ayon sa tunguhin nito.

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)


Tungkulin (function) Mag-isip (to think) Isakilos (to act)
Hangarin/ Malaman (to know) Pumili (to choose)
Layunin(Purpose)
Kaganapan ng tao Ang katotohanan Kabutihan
(truth) (goodness)
Highest human Karunungan(wisdom) Kabutihan bilang
fulfillment upang umunawa birtud (virtue)
Pag-ibig (love)

Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo. Ang
kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa katotohanan
sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at akmang
kilos-loob.
B. Pagsasanay (Mga Gawain 2: CROSSWORD PUZZLE
Paglilinang na
Gawain) PANUTO: Sagutin ang CROSSWORD PUZZLE. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Takdang minuto: 15

PAHALANG
1. ito ay tumutukoy sa kakayahang umunawa at mag-abstraksyon
3. kakayahang pumili, magpasiya at isakatuparan ang pinili
5. pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapag-uunawa
7. kakayahang lumikha ng larawan sa Isip

PABABA
2. tumutukoy ito sa paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa
4. sakop nito ang kamalayan, memorya, imahinasyon at instinct
6. kakayahang alaalahanin ang nakaraan
8. kakayahang makaramdam at tumugon nang hindi dumadaan sa katuwiran

Answer key:
1.isip, 2. Panlabas na pandamdam, 3.kilos-loob, 4. Panloob na pandama,
5. Kamalayan, 6.memorya,7. imahinasyon, 8. Instinct
IKALAWANG SESYON
D. Paglalapat
Gawain 3: “Ipangatwiran Mo”
(Aplikasyon)

I. PANUTO: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya
mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa speech
balloon.
Takdang minuto: 20
Maganda ang performance mo sa paaralan. Lagi kang kasama sa mga may
honors. Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada mo si John na may hindi
magandang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak, naimpluwensyahan ka
niya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at nanganganib din ang iyong mga grado.
Kinausap ka ng iyong ama, hiningi niya sa iyo na sabihin ang iyong katuwiran sa iyong
naging pasiya at ang plano mong solusyon kaugnay nito.

1. Ano ang iyong katuwiran?


2. Ano ang iyong magiging solusyon?

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos
pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang
(buo at pagpapaliwanag (may kaunting kakulangan,
maliwanag) ) kamalian ang nagpapakita
pagpapaliwanag ng kaunting
) kaalaman)

GAWAIN 4: ANG AKING KAHINAAN!


II. PANUTO: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito,
magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas
mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG MGA AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS


MAPABUTI ANG AKING
PAGPAPASIYA

1
2.
3.
4.
5.

 Magbibigay ng feedback ang guro higgil sa kanilang awtput.



E. PAGLALAHAT
(Generalisasyon) Panuto: Mula sa naging talakayan, kumpletuhin ang mahalagang konsepto tungkol
sa isip at kilos-loob. Piliin ang mga sagot sa kahon at isulat ito sa sagutang
Takdang minuto: 10 papel.
karunungan , upang umunawa, tungkulin,
kabutihan, isakilos, malaman,
kaganapan ng tao

TUNGUHIN INTELLECT (ISIP) WILL (KILOS-LOOB)

1. Mag-isip (to think) 2.


Hangarin/Layunin 3. Pumili (to choose)
(Purpose)
4. Ang katotohanan 5.
(truth)
Highest Human 6. Kabutihan bilang birtud
Fulfillment (virtue)
Pag-ibig (love)

Answer Key :1.tungkulin, 2. isakilos, 3. malaman, 4. Kaganapan ng tao, 5. Kabutihan, 6.


Karunungan upang umunawa

Sasagutin ang Pagtataya.


IV. PAGTATAYA PANUTO: Para sa unang bahagi, basahin at unawain ang mga sumusunod na
pahayag. Tukuyin kung ang pahayag ay TAMA o ito ay MALI. Isulat ito sa sagutang
papel.
Takdang minuto: 25 1. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at sa masama.
2. Ang mga halaman, hayop at tao ay tanging pisikal na anyo lamang ang pagkakaiba
dahil parepareho lamang ang mga ito na nilalang ng Diyos.
3. Ang memorya ay pangkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at
nakapag-uunawa.
4. Ang kakayahan ng isip ay layong makakuha ng buod ng karanasan at
makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.
5. Ang panloob na pandama ay tumutukoy sa paningin, pandinig, pang-amoy at
panlasa.

PANUTO: Para sa ikalawang bahagi, unawain ang mga pahayag sa HANAY A at piliin
ang TITIK ng iyong sagot sa HANAY B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B
6. pagkakaroon ng malay sa pandama, a. kamalayan
nakapagbubuod, at nakauunawa b. instinct
7. kakayahang makaramdam sa isang c. panloob na pandama
karanasan at tumugon nang hindi d. memorya
dumadaan sa katwiran e. imahinasyon
8. kakayahang lumikha ng larawan sa f. panlabas na
sa isip at palawakin ito pandamdam
9. kakayahang kilalanin at alaalahanin
ang nakalipas na pangyayari o karanasan
10. ito ang paningin, pandinig, pangamoy,at panlasa
PANUTO: Para sa ikatlong bahagi, piliin ang TITIK ng iyong sagot at isulat ito sa
sagutang papel.
11. Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na
Kaniyang obra maestro. Ano ang nais iparating ng kasabihan?
a. Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
b. Kamukha ng tao ang Diyos.
c. Kapareho ng tao ang Diyos.
d. Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
12. Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
a. Ito ang pagpili at kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o
emosyon, paghuhusga at pagpapasiya.
b. Ito may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan
nito ang kaniyang nauunawaan.
c. Ito ang kakayahang kumuha ng buod ng esensiya sa mga partikular
na mga bagay.
e. Ang tunguhin ng isip ay katotohanan at kakayahang magnilay.
13. Sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa
masama.
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. Damdamin
14. Sa pamamagitan ng _____, ang tao ay nakapagpapasiya at isakatuparan ang
pinili
a. isip b. kilos-loob c. pagkatao d. damdamin
15. Ang ___________ ng tao ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay sa
katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at
akmang kilos-loob.
a. isip b. kilos-loob c. emosyon d. Karunungan
Answer key
1.TAMA, 2. MALI,3. MALI,4.TAMA,5.MALI, 6.A,7.B,8.E,9. D,10.F,11. A,12.
B,13.A,14.B,15. D
A. Panuto:
VI. GAWAIN5 : ANG AKING GAMPANIN
PAGNINILAY-NILAY/takd PANUTO: Bilang isang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa iyong pamilya,
ang aralin/ karagdagang paaralan, at pamayanan upang maisabuhay mo ang gamit at tunguhin ng isip at
gawain kilos-loob? Isulat ito sa sagutang papel.

Takdang minuto: 5
Isip Kilos-loob

Pamilya

Paaralan

Pamayanan

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
Pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag ang isaayos
pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki ang
(buo at pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan,
maliwanag) kamalian ang nagpapakita
pagpapaliwanag) ng kaunting
kaalaman)

Prepared by :

MAY MAFEL C. EDRADAN


MT1

Reviewed by :

ANA LIZA B. LAYASAN


Education Prorgram Supervisor-ESP

Recommending Approval :

GENDA P. DEGRACIA,Ed.D.
Chief Education Supervisor , CID

Approved by:

ROSALIE M. PASAOL, Ed.D.,CESO V


Schools Division Superintendent

You might also like