IKALAWANG SUMMATIBONG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN V
UNANG MARKAHAN
Name: ______________________________________ Date: ___________ Score: _______
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula
sa timog.
A. Indones C. Nusantao
B. Malayo D. Polynesian
2. Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay nagmula sa Timog-
Silangang Asya.
A. Teoryang Austronesian Migration C. Teoryang Nusanatao
B. Teoryang Core Population D. Teoryang Wave Migration
3. Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang
bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
A. Teoryang Bigbang C. Teoryang Galactic
B. Teoryang Ebolusyon D. Teoryang Nusantao
4. Alin sa mga sumusunod na bansa ang HINDI kasali sa pinuntahan ng ilang pangkat ng
Austronesyano.
A. Hawaii C. New Guinea
B. Madagascar D. Palau
5. Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
A. F. Landa Jocano C. Otley Beyer
B. Peter Bellwood D. Wilhelm Solheim II
6. Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
A. Ang pagkakatulad ng klima saTimog-Silangang Asya at sa Pasipiko
B. Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
C. Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
D. Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya
at sa Pasipiko
7. Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
A. Babaylan C. Diyos o Allah
B. Datu D. Lakan
8. Ayon sa Relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina
__________.
A. Adan at Eba C. David at Ester
B. Abraham at Sarah D. Samson at Delilah
9. Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao
sa bansa batay sa mitolohiya?
A. Gumamela C. Narra
B. Kawayan D. Mangga
10. Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
A. Pananakop C. Pakikipagkaibigan
B. Pakikipagkalakalan D. Pagpapakilala ng relihiyon
11. Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong
magaspang?
A. Panahong Neolitiko C. Maagang Panahon ng Metal
B. Panahong Paleolitiko D. Maunlad na Panahon ng Metal
12. Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
A. tumira sa mga yungib
B. magsaka at mag-alaga ng mga hayop
C. mangaso at mangangalap ng pagkain
D. gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang
13. Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay sa pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
A. sibat C. kutsilyo
B. kampit D. pinggan
14. Ano tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino
noong pre-kolonyal?
A. siyudad C. pamilya
B. barangay D. lalawigan
15. Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
A. aliping C. maginoo o datu
B. timawa D. manggagawa
16. Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
A. bagani C. pulis
B. bayani D. sundalo
17. Ano ang iba pang katawagan sa pakikipagpalitan ng mga produkto?
A. Exchange C. Palitan
B. Barter D. Wala sa nabanggitn
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong pre kolonyal?
A. ari-arian C. krimen
B. diborsyo D. pag-aaral
19. Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
A. pananakop C. sanduguan
B. pagbili o pagbabayad D. pag eespiya
20. Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung
may mga pagtitipon?
A. bagani C. lakan
B. gat D. umalohokan
Panuto: Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag sa pangungusap at kung mali naman ay M
___1. Bago pa man nasakop ang Pilipinas, may sarili na itong paraan ng pagmamay-ari ng lupa.
___2. Nakatulong ang pagiging insular ng Pilipinas sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
___3. Ang pagpapalayok ay isang uri ng hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino
___4. Ang mha sinaunang Pilipino ay wlang gamit na anomang sasakyang pandagat sa pangingisda.
___5. Ang Pilipino ay may sariling Sistema ng pakikipagkalakalan.