Alamat NG Mga Daliri

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ALAMAT NG MGA DALIRI

Mapapansing nakahiwalay ang hinlalaki sa apat pang


mga daliri natin. Noong unang panahon magkakasama ang
limang daliri ng tao. Dahilan sa isang di inaasahang pagtatalo
ay nagkaroon ng aberya ang grupo.
Ganito ang nangyari noon. Masakit na masakit ang tiyan
ni Hinliliit kaya nagmamakaawa itong lumapit sa
Palasingsingan. "Parang awa mo na. Gutom na gutom lang
ako. Maaari bang makahingi ng pagkain sa iyo?" "Ano?
Manghihingi ka ng pagkain? Heto nga at walang-wala rin ako.
Paano kita mapagbibigyan sa hinihiling mo?" "May awa ang
Panginoon," sabi ng Gitnang Daliri. "Bibiyayaan tayo ni
Bathala ng ipantatawid gutom natin. Ang mababait ay lagi
nang pinagpapala Niya. Huwag kayong mawawalan ng pag-
asa.""Pero kapatid," giit ng Hintuturo, "paano kung hindi tayo
pakinggan ng Diyos at walang dumating na anumang
pagkain? Magugutom tayo at maaaring manghina at
magkasakit at mamatay." "Huwag ninyong hintaying
mamatay kayo. E di ngayon pa lang ay magnakaw na tayo!"
sigaw ni Hinlalaki. "Ano ika mo, magnakaw?" galit na tanong
ng Palasingsingan. "Masama yon kapatid," protesta ni
Hintuturo, "ang pagnanakaw ay isang malaking kasalanang di
dapat gawin ninuman. Ang lahat ay nagsisikap mabuhay.
Kung nanakawin mo ang naimpok ng iba, hindi naman ito
makatarungan." "Hindi bale nang mamatay ako sa gutom,
huwag lang kumuha ng hindi akin." pagmamatigas ni Hinliliit
na bagama't maliit ay may ipinakikipaglabang malaking
prinsipyo sa buhay. "Isang krimeng panlipunan ang
pagnanakaw," sabi ng Gitnang Daliri. "Hindi lang siguro
krimeng panlipunan. Ito ay magiging kasiraan din ng ating
angkan na nagsisikap mapanatili ang kalinisan ng pangalan!"
paliwanag ni Palasingsingan. "Ano bang angkan at lipunan
ang pinagsasabi ninyo! Mamamatay kayo sa gutom kung hindi
tayo magnanakaw. Gumawa na lang tayo ng kabutihan
matapos busugin ang ating mga tiyan. Masamang mamatay
na dilat ang mga mata sa gutom!" "Aba! Aba!" giit ng
Hintuturo, "Hindi baleng walang laman ang sikmura, huwag
lang parusahan at ipakagat sa mga langgam!" "O
ipaglubluban ang ulo sa ilug-ilugan!" dugtong ni Hinliliit. "O
itali sa puno at painitan sa matinding sikat ng araw!" dagdag
ng Palasingsingan. "O ipiit sa kulungan at tanggalan ng
kalayaan!" diin ni Hinliliit. "Ano ba naman kayo," paglilinaw ni
Hinlalaki, "sa simpleng pagnanakaw ay pinahahaba pa ninyo
ang istorya. Talagang mga duwag kayo. Mamamatay na kayo
sa gutom ay wala pa kayong maisip na solusyon sa problema
ninyo. Isang malaking katangahan yan!" "Kung gusto mong
magnakaw, ikaw na lang at huwag mo na kaming idamay!"
sabay-sabay na sagot ng apat na daliri.
Magmula noon, nagsama-sama na ang Hintuturo, ang
Gitnang Daliri, ang Palasingsingan at ang Hinliliit. Namuhay
na mag-isa ang Hinlalaki na laging kasamaan ang
pinupuntahan.
Iyan ang alamat ng mga Daliri.
Aspeto ng Mula sa Mula sa
Paghahambing Ehipto Pilipinas

Tungkol sa
Tungkol sa buhay pagkagutom ng mga
Paksa ng Diyos at Diyosa daliri at kanilang
ng Ehipto na si alitan tungkol sa
Osiris at Isis. pagnanakaw

Hinlalaki,Hintuturo,
Osiris,Isis,Set, Gitnang Daliri,
Tauhan Horus, Thoth at Palasingsingan at
Amibus Hinliliit

Huwag sukuan ang


iyong minamahal o Huwag magnakaw
Mensahe pamilya. ng hindi mo
Siguraduhing alam pagmamay-ari.
ang buong
pangyayari bago
aksiyunan ito.

You might also like