LUBI-LUBI
Enero, Pebro, Marso, Abril, Mayo
Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre
Oktubre, Nobyembre, Disyembre
Lubi-lubi
Kun dai si Abaniko
Patay na ining lawas ko
Lawas ko ay,ay, madidismayo
Kun dai si abaniko
Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumagawa ng isang malakaing bilog. Sa gitna nng bilog
ay may isang pareha. Sumasayaw sila at pumapasok naman ang iba. Kapag tapos na ang pareha,
kumukuha sila ng ibang pareha. Isinusuot nila sa bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo.
Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw. Patuloy ang saywa
hanggang sa lahat ng pareha ay makapunta sa gitna. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.
“Masayahin pala ang mga Bikolano, ano?” sabi ni Ema
“Masasaya at masisipag sila,” sagot ni Tina. “Tingnan mo ang mga paninda nila. Yari sa
Abaka ang mga tsinelas, bag, lubid, sinturon, placemat, kulambo, at kurtina.”
“Alam mo kung anong ibig ko?” ani Tina. “Bibili ako ng matamis na pili.”
“Ako rin,” sagot ni Ema.
SAGUTIN ANG TANUNG: (5points ang bawat isa)
1. Bakit masasabing masayahin ang mga Bikolano?
2. Paano patutunayang masisipag din sila?
3. ano ang sinasabi ng awit?
>TANDAAN<
Ang pangungusap ay maaaring PATUROL, PAUTOS, PATANONG, at PADAMDAM. Ayon
naman sa kayarian, ang pangungusap ay maaring PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN.
Ang PAYAK na pangungusap ay nakapag-iisa. Malayang sugnay ito na may simuno at panag-
uri. Maaaring dalawa ang simuno o panag-uri ngunit iisa pa ring ang diwa ng pangungusap.
Payak pa rin ito.
Ang TAMBALANG pangungusap ay may dalawa o higit pang ideyang inilalahad. Ginagamitan
ng mga pangatnig na at, ngunit, at o, ang pag-uugnay sa dalwang payak na pangungusap.
*Ginagamit ang >at< kung magkasimpantay o magkasing-halaga ang mga ideya ng dalawang
malayang sugnay.
Hal. Umaawit ang mga dalaga’t binata at sumasayaw sila ng Lubi-lubi.
*Ginagamit naman ang ngunit kung magkasalungat o di parihas ang ideya.
Hal. Mahilig sa pagsasaya ang mga Bikolano ngunit may panahon sin sila sa kanilang gawain.
*Ginagamit naman ang o kung may pagpipiliang alinman sa dalawang ideyang nakalahad.
Hal. Sasayaw ka ba o aawit ng Lubi-lubi?
Ang HUGNAYANG pangungusap ay binubuo ng sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang
sugnay na di-nakapag-iisa. Ginagamit na pang-ugnay ng mga sugnay ang mga pangatnig
na kung, kapag, pag, nang, upang, dahil sa, sapagkat.
Hal. Magbabakasyon ako sa Baguio kung sasama ka.
Nagkasakit si Lola dahil nabasa ng ulan.
>Sabihin kung PAYAK, TAMBALAN, o HUGNAYAN ang sumusunod na mga pangungusap:
1. Ang sampung pares ng dalaga’t binata ay gumagawa ng malaking bilog.
2. Sumasayaw sila at pumapalakpak naman ang iba kapag natapos na ang isang pangkat.
3. Isinusuot nila sa gitna ng bilog ang bagong pareha ang kanilang suot na sambalilo.
4. Pupunta sa gitna ng bilog ang bagong pareha at sila naman ang sasayaw.
5. Mabilis ang sayaw at masigla ang lahat.