Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)
Distance Education for Elementary Schools
      SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS
E
P
P
    MGA HAKBANG SA PAGGAWA
    NG COMPOST/BASKET COM-
5          POSTING
                    Department of Education
                    BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION
                    2nd Floor Bonifacio Building
                    DepEd Complex, Meralco Avenue
                    Pasig City
                                   Revised 2010
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),
                   DepEd - Division of Negros Occidental
     under the Strengthening the Implementation of Basic Education
               in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).
           Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
        “No copyright shall subsist in any work of the
  Government of the Republic of the Philippines. However,
  prior approval of the government agency or office wherein
  the work is created shall be necessary for exploitation of
  such work for profit.”
        This material was originally produced by the Bureau of Elementary
  Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.
             This edition has been revised with permission for online distribution
    through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal
    (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported
    by AusAID.
                                 GRADE V
       MGA HAKBANG SA PAGGAWA NG COMPOST/
               BASKET COMPOSTING
               ALAMIN MO
           Alam mo ba na sa paghahalaman, kailangan ang abono upang maging
    mataba at malago ang mga halaman? Ito ay maaaring kunin sa natural na
    kapaligiran. Sa pamamagitan ng composting ang mga sariwa o nabubulok na
    mga basura tulad ng dahon ay maaaring gawing abono. Tinatawag itong
    organikong abono. Ito ay nakapagpapaunlad sa kalidad o uri ng lupang
    pagtatanman.
         Sa modyul na ito, tatalakayin natin at matututuhan mo ang wastong
    pamamaraan sa paggawa ng compost.
                     PAGBALIK-ARALAN MO
          Bago tayo magpatuloy sa ating aralin sa modyul na ito, balikan natin ang
    natutunan sa pag-aalaga ng lupa sa pamamagitan nitong mga bugtong.
Ako’y isang uri ng pataba,                  Ako’y dapat idagdag sa halaman,
Upang mapagyaman ang lupa,                  Kung mabagal ang paglaki
Nagdudulot ako sustansyang kailangan,       Maaari ako’y ikalat sa paligid
Na galling sa nabubulok na bagay.           Isabog sa pagitan ng halaman
Ano ako?____________                        O ihalo sa tubig at idilig
                                            Ano ako?_______________
                                        1
       PAG-ARALAN MO
   Basahin ang panayam ng mga bata at intindihin ang nilalaman nito.
   Ang leksyon ng mga bata ay tungkol sa composting. Naisipan nilang
kapanayamin si Mang Isko, isang magsasaka sa kanilang lugar.
Mga Bata: Magandang umaga po, Mang Isko.
Mang Isko: “Magandang umaga. Ano ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Mga Bata: Kami po ay nagpunta rito upang alamin kung paano ang paggawa
          ng compost. “ Ito po kasi ay leksyon naming ngayon.
Mang Isko: Alam ninyo mga bata, bagamat may mga komersyal na pataba
           na maaaring mabili sa iba’t-ibang tindahan. Kaya lang ang
           paggamit ng compost ay higit na iminumungkahi lalo na kung ang
           lugar ay may malawak na bakuran. Halina kayo sa likod ng
           bahay ko at ipakikita ko sa inyo ang paggawa ng compost.
                Gagawa tayo ng hukay dito sa isang bahagi ng bakuran at
           dito natin itatapon ang mga nabubulok na kalat upang maging
           pataba pagkalipas ng ilang buwan. Ito ay tinatawag na compost
           pit.
               Tulong-tulong tayong gumawa para matutunan ninyo sa
           pamamagitan ng sumusunod na mga hakbang.
   Ang Paggawa ng Compost Pit
   1. Pumili ng angkop na lugar.
         a. patag at tuyo ang lupa
         b. may kalayuan sa bahay
         c. malayo sa tubig tulad ng ilog, sapa at iba pa.
                               2
2. Gumawa ng hukay sa lupa nang may limang metro ang lalim at
   dalawang metro ang lapad. Patagin ang loob ng hukay at hayaang
   makabilad sa araw upang hindi mabuhay ang anumang uri ng
   mikrobyo.
3. Tipunin ang mga nabubulok na kalat gaya ng tuyong damo, dahon
   mga balat ng prutas at iba pa. Ilatag ito nang pantay sa ilalim ng
   hukay hanggang umabot ng 30 sentimetro ang taas. Haluan ng 1
   hanggang 2 kilo ng abono urea ang inilagay na basura sa hukay.
                          3
4. Patungan ito ng mga dumi ng hayop hanggang umabot ng 15
   sentimetro ang kapal at lagyan muli ng lupa, abo o apog. Gawain ito
   ng paulit-ulit hanggang mapuno ang hukay
5. Panatilihing mamasa-masa ang hukay sa pamamagitan ng pagdilig
   araw-araw. Tiyakin hindi ito babahain kung panahon nanamn ng tag-
   ulan, makabubuting takpan ang ibabaw ng hukay ng ilang piraso ng
   dahon ng saging upang hindi bahain.
                          4
6. Pumili ng ilang piraso ng kawayang wala nang buko at may butas sa
   gilid. Itusok ito sa nagawang compost pit upang makapasok ang
   hangin at maging mabilis ang pagkabulok ng mga basura.
7. Bunutin ang mga itinusok na kawayan pagkalipas ng tatlong linggo.
   Haluing mabuti ang mga pinagsama-samang kalat at lupa. Pagkalipas
   ng dalawang buwang o higit pa ay maaari na itong gamiting pataba
   ayon sa mabilis na pagkakabulok ng mga basurang ginamit.
Mga bata: Hay! Nakapapagod pala gumawa ng compost pit pero enjoy po
          naman. Maraming salamat po Mang Isko, halimbawa wala
          kang sapat na lugar upang gumawa ng hukay, pwede pa rin
          ba kami makagawa ng sariling pataba?
                         5
Mang Isko: Oo naman, Ito’y sa pamamagitan ng basket composting.
          Isang paraan din ito ng pagpapabulok ng mga basura pero sa
          sisidlan naman hindi sa hukay. Halina kayo, ipakikita ko sa
          inyo. Ito ang mga paraan sa paggawa ng basket composting.
1. Pumili ng sisidlan na yari sa kahoy o yero na sapat ang laki at haba.
   May isang metro ang lalim
2. Ikalat nang pantay ang mga pinagpatung-patong na tuyong dahon.
   dayami, pinagbalatan ng gulay at prutas, dumi ng mga hayop at lupa
   tulad ng compost pit hanggang mapuno ang sisidlan.
                           6
3. Diligan ang laman ng sisidlan at lagyan ng pasingawang kawayan
   upang mabulok kaagad ang basura.
4. Takpan ng dahon ng saging o lagyan ng bubong ang sisidlan upang
   hindi ito pamahayan ng langaw at iba pang peste.
                         7
5. Alisin ang mga pasingawang kawayan at haluin ang laman ng sisidlan
   upang magsama ang lupa at nabubulok na mga bagay pagkalipas ng
   isang buwan.
   Mga Bata: Ang galing mo po, Mang Isko. Kailan naman po namin
            pwedeng gamitin ito?
   Mang Isko: Maaari nang gamiting pataba ang laman ng sisidlan
            pagkalipas ng dalawang buwan o mahigit.
   Mga Bata: Maraming salamat po. Mang Isko. Ang dami naming
            natutunan sa mga ginawa nating compost pit at basket
            composting.
   Mang Isko: Walang anuman mga bata.
     Pagkatapos mabasa ang panayam, anu-ano ang mga hakbang sa
paggawa ng basket composting. Ano ang iyong natutuhan?
                          8
            SUBUKIN MO
    Subukin natin ang natutunan mo sa modyul na ito. Isulat ang sagot sa
 kuwadernong sagutan.
    A.    Tumingin ka sa paligid ng inyong bahay. Aling lugar ang pwede
          mong gamitin sa paggawa ng organikong pataba.
          1. compost
          2. basket composting
    B.    Ipaliwanag kung bakit iyon ang napili mong gagawin?
    C.    Sa napili mo paano ang wastong paraan ng paghahanda nito?
         TANDAAN MO
    Ang compost ay isang uri ng pataba mula sa mga tuyong damo-dahon,
 balat ng prutas at gulay, at mga dumi ng hayop na ipinabubulok sa isang
 hukay sa isang malawak na lugar samantalang ang basket composting ay
 pagbubulok ng basura sa isang sisidlan.
             ISAPUSO MO
    Basahin ang mga sumusunod na pamantayan sa paggawa ng compost/
basket. Iguhit ang mukhang masaya      kung nasisiyahan ka o
angkop na gawin at mukhang malungkot kung     kung hindi kanais-nais.
    1. Ihanda ang mga mahahalagang materyales na gagamitin.
    2. Mag-iingat sa paggamit ng matatalas at matutulis na kagamitan upang
       hindi masugatan.
    3. itapon ang mga kasangkapan sa ilog pagkatapos.
    4. linisin ang lugar at katawan pagkatapos ng gawain.
    5. magsigawan habang gumagawa.
                              9
           GAWIN MO
           Isaisip uli ang mga natutunang mga paraan sa paggawa ng “ compost
    pit” at “basket composting”
         1. Gumawa ng compost pit sa bakuran niyo o sa likod ng inyong
            bahay sa tulong ng iyong mga kasambahay.
         2. Hikayatin mo ang iyong kapitbahay gumawa ng basket composting
            at ipaliwanag ang kahalagahan nito.
          PAGTATAYA
      Tignan natin uli ang galing mo sa pag-intindi nitong modyul.
      Basahin ang sitwasyon at suriing mabuti kung ano ang magandang gawin.
      1. Nakikita mong maraming basura sa paligid ninyo. Ikinakalat lang ito
         ng mga kapitbahay mo kung saan-saan at ang iba naman ay nakita
         mong sinusunog ito. Pulungin mo sila sa pahintulot ng kapitan at
         ipaliwanag ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok
         ay hindi susunungin.
      2. Kapanayanim mo rin ang isang kakilalang naghahalaman sa pulong na
         ito. Tanungin ang uri ng patabang ginagamit gayundin ang kabutihang
         dulot nito sa mga alagang pananim. Isulat ng patalata ang kinalabasan
         ng pakikipagpanayam.
Salamat kaibigan, at natapos mo ang mga gawain sa modyul
na ito. Maaari mo ng gawin ang susunod na modyul.
Binabati kita!
                                 10