Sinclair Lewis
Sinclair Lewis | |
---|---|
Trabaho | Nobelista, mandudula, manunulat ng maikling-kuwento |
Nasyonalidad | Amerikano |
(Mga) parangal | Gantimpalang Nobel para sa Panitikan 1930 |
Si Sinclair Lewis[1] (Pebrero 7, 1885 – Enero 10, 1951) ay isang Amerikanong nobelista, manunulat ng mga maiikling-kuwento, at mandudula. Noong 1930, siya ang naging kaunaunahang Amerikanong ginawaran ng Gantimpalang Nobel para sa Panitikan, "para sa kaniyang masigla at grapikong sining ng paglalarawan at sa kaniyang kakayahang lumikha, na may karunungan at katatawanan, ng mga bagong uri ng mga tauhan."[2] Kilala ang kaniyang mga akda dahil sa kanilang mga mapangkaalaman at mapanuring mga pananawa sa lipunang Amerikano at mga pagpapahalagang pang-kapitalista, maging ang kanilang matatag na paglalarawan ng makabagong manggagawang kababaihan.
Talambuhay
Ipinanganak siya sa Saulk Centre, Minnesota noong 1885. Naging palabasa si Lewis noong bata pa lamang, at nagsimulang magsulat ng poesya noong panahon ng kaniyang pagbibinata. Makaraang mag-aral sa Akademyang Oberlin, pumasok siya sa Yale noong 1903. Nakapagambag siya ng mga kuwento at tula sa mga magasing pampanatikan habang nasa kolehiyo. Nagsulat rin siya para sa Journal and Carrier ng New Haven, at nakatanggap ng trabaho sa New York, bilang katulong na patnugot para sa Transatlantic Tales bago pumunta sa Panama para maghanap-buhay sa ginagawang kanal na pansasakyang-dagat doon. Bumalik siya sa Yale at nakapagtapos noong 1908.[1]
Naging tagapagbasa siya ng mga manuskrito sa New York para sa kumpanyang Frederick A. Stokes. Noong 1914, naging patnugot siya para sa kumpanyang George H. Doran.[1]
Noong taon din ng 1914, nakaisang-dibdib ni Lewis si Grace Hegger, ngunit sumailalim ng diborsyo noong 1928. Makaraan ang paghihiwalay, sa taon ding ito, nagpagkasal naman si Lewis kay Dorothy Thompson, isa ring manunulat. Muling dumanas ng diborsyo si Lewis noong 1942.[1]
Namalagi siya sa Europa noong mga huling panahon ng kaniyang buhay. Sumakabilang-buhay si Lewis habang nasa Roma noong 1951.[1]
Larangan
Nilarawan ni Lewis ang buhay sa Gitnang Kanluran ng Amerika. Napagwagian niya ang Gantimpalang Nobel para sa Panitikan dahil sa kaniyang nobelang Babbit noong 1930. Ang Our Mr. Wrenn ang kaniyang pinakaunang isinulat na nobela, na nalathala noong 1914.[1]
Mga piling akda
Nasa orihinal na wikang Ingles ang mga pamagat:
- 1912 - Hike and the Aeroplane
- 1914 - Our Mr. Wrenn
- 1915 - The Trail of the Hawk
- 1917
- The Innocents
- The Lob
- 1919 - Free Air
- 1920 - Main Street
- 1922 - Babbitt
- 1925 - Arrowsmith
- 1926 - Mantrap
- 1927 - Elmer Gantry
- 1928 - The Man who knew Coolidge
- 1929 - Dodsworth
- 1933 - Ann Vickers
- 1934 - Work of Art
- 1935 - It Can't Happen Here
- 1938 - The Prodigal Parents
- 1940 - Bethel Merriday
- 1943 - Gideon Planish
- 1945 - Cass Timberlane
- 1947 - Kingsblood Royal
- 1951 - World so Wide
Sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Sinclair Lewis". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Sinalin mula sa Ingles: "for his vigorous and graphic art of description and his ability to create, with wit and humour, new types of characters."