Si Ay ang Paraon ng ikalabingwalong dinastiya ng Ehipto. Siya ay namuno sa loob ng apat na taon(1323–1319 BCE)[1] o 1327–1323 BCE depende sa kronolohiyang sinusunod. Siya ay malapit na tagapayo sa dalawa at marahil ay sa tatlo ng mga paraon na nauna sa kanya at siya ay sinasabing ang kapangyarihan sa likod ng trono ng paghahari ni Tutankhamun. Ang prenomen o pangalan ng hari ni Ay ay e—Kheperkheperure—na nangangahulugang "Ang Walang Hanggang ang mga Manipestasyon ni Ra" samantalang ang kanyang pangalan sa kapanganakan ay Ay it-netjer na nangahulugang 'Ay, Ama ng Diyos.'[2] Ang mga rekord at monumento na maliwanag na maituturo sa kanya ay bihira dahil sa maikli niyang pamumuno sa Ehipto at dahil ang kanyang kahaliling si Horemheb ay humimok ng isang kampanya ng damnatio memoriae laban sa kanya at ibang mga paraon na nauugnay sa panahong Amarna.