Si Hedjkheperre Setepenre Takelot II Si-Ese ang paraon ng Ikadalawampu't tatlong Dinastiya ng Ehipto sa Gitna at Itaas na Ehipto. Siya ay tinuko bilang ang Dakilang Saserdote ni Amun na si Takelot F na anak ng Dakilang Saserdote ni Amun na si Nimlot C sa Thebes at kaya ay anak ni Nimlot C at apo ni paraon Osorkon II ayon sa pinakahuling pagsasaliksik na akademiko.[1] Batay sa dalawang mga petsang lunar na kabilang kay Takelot II, ang paraong ito ng Itaas na Ehipto ay pinaniniwalaan ngayong umakyat sa trono ng isang nahating Ehipto noong 845 BCE o 834 BCE.[2] Most Egyptologists today including Aidan Dodson,[3] Sina Gerard Broekman,[4]Jürgen von Beckerath,[5] M.A. Leahy at Karl Jansen-Winkeln ay tumatanggap sa hipotesis ni David Aston[6] na si Shoshenq III ang aktuwal na kahalili sa trono ni Osorkon II sa Tanis sa halip na si Takelot II. Si Takelot sa halip ay namuno sa isang hiwalay na kaharian na yumakap sa Gitna at Itaas na Ehipto na natatangi mula sa Tanite na Ikadalawampu't dalawang Dinastiya ng Ehipto na kumontrol lamang sa Mababang Ehipto. Si Takelot F at ang kanyang anak at kahalili ng Dakilang Saserdote ni Amun Nimlot C ay nagsilbisa isang panahon sa ilalim ni Osorkon II bilang Dakilang Saserdote ni Amun bago iproklama ang kanyang sarili bilang Takelot II sa huling tatlong taon ng paghahari ni Osorkon II. Ang sitwasyong ito ay pinatunayan ng mga eksenang relief sa mga pader ng Templong J sa Karnak na inalay kay Takelot F sa kanyang posisyon bilang Dakilang Saserdote kay Osorkon II na inilalarawan bilang tagadiwan at hari.[7] Ang lahat ng mga dokumentong nagbabanggit kay Takelot II Si-Ese at kanyang anak na si Osorkon B ay nagmula sa Gitna o Itaas na Ehpto(wala sa Mababang Ehipto) at isang libingang maharlika sa Tanis na nagngalan sa isang haring Hedjkheperre Setepenre Takelot kasama ng isang stela ng Taong 9 mula sa Bubastis ay kinikilala ngayon bilang eksklusibong nabibilang kay Takelot I. Bagaman ang parehong sina Takelot I at Takelot II ay gumamit ng parehong prenomen, si Takelot II ay nagdagdag ng epithet na Si-Ese ("Anak na lalake ni Isis") sa kanyang titularyong maharlika na pareho upang iugnay ang kanyang sarili sa Thebes at upang itangi ang kanyang pangalan mula kay Takelot I.
↑Karl Jansen-Winkeln, "Historische Probleme Der 3. Zwischenzeit," JEA 81(1995) p.129, 138
↑Rolf Krauss, in Erik Hornung, Rolf Krauss, and David Warburton (editors), Handbook of Ancient Egyptian Chronology (Handbook of Oriental Studies), Brill: 2006, pp.408-411
↑Aidan Dodson, "A new King Shoshenq confirmed?" GM 137(1993), p.58
↑Gerard Broekman, "The Reign of Takeloth II: a Controversial Matter," GM 205(2005), pp.21-33
↑Jürgen von Beckerath, "Chronologie des Pharaonischen Ägypten," MÄS 46 (Philipp von Zabern, Mainz: 1997. p.94
↑David Aston (1989), "Takeloth II: A King of the Twenty Third Dynasty?," JEA 75, pp.139-153