Pumunta sa nilalaman

Gitnang Silangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang tradisyunal na Gitnang Silangan at Kalakhang Gitnang Silangan ng G8.

Ang Gitnang Silangan ay isang rehiyong makasaysayan at pangkultura sa Aprika-Eurasya na tinuturing sa tradisyon bilang ang mga bansa o rehiyon ng Timog-kanlurang Asya kasama ang Ehipto. Sa ibang konteksto, kabilang sa rehiyon ang ilang bahagi ng Timog Aprika at/o Gitnang Asya. Hindi sinasali sa sa pangkalahatan ang Pakistan at ang Caucasus sa rehiyong ito.

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Kanlurang mundo, kadalasang tinuturing ang Gitnang Silangan bilang isang lugar na karamihan ay mga Islam at Arabong komunidad. Bagaman mayroon ang lugar ng mga kakaibang kultural at etnikong mga grupo, kabilang ang mga Arab, Assyrian, Azeris, Berbers, Chaldean, Druze, Griyego, Hudyo, Kurdi, Maronita, Persa (Persian) at Turko. Kabilang sa mga pangunahing mga wika sa grupo ang: Arabo, Asiryo (kilala din bilang Arameo at Siryano), Hebreo, Persa (Persian), Kurdi, at Turko.

Karamihan sa mga kahulugan ng "Gitnang Silangan" — pareho sa aklat reperesya at karaniwang gamit — ang mga rehiyon sa 'mga bansa sa Timog-kanlurang Asya, mula sa Iran (Persiya) hanggang sa Ehipto'. Kadalasang sinasama ang Ehipto, kasama ang kanyang Tangway ng Sinai, sa 'Gitnang Silangan', bagaman nasa Hilagang Aprika ang karamihan ng bansa. Ang mga bansang walang kaugnayan sa Asya katulad ng Libya, Tunisia at Moroko, ay tinatawag na sa kadalasan bilang mga bansang Hilagang Aprika — salungat sa Gitnang Silangan (Iran hanggang Ehipto-Asya) — ng mga internasyunal na midya.

Isa sa malaganap na kahulugan ng "Gitnang Silangan" ang ginagamit ng industriyang airline, na pinapanatili ng IATA standards organization. Kabilang sa kahulugan na ito — noon pang 2006 — ang Bahrain, Ehipto, Iran, Irak, Israel, Jordan, Kuwait, Lebanon, Mga Teritoryong Palestino, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Sudan, Siryanong Arabong Republika, United Arab Emirates, at Yemen.[1] Ginagamit ang kahulugan na ito sa internasyual na pamasahe sa eroplano at pagtuos ng buwis para sa mga pasahero at kargamento.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-04-21. Nakuha noong 2006-03-30.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)


Heograpiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.