Pumunta sa nilalaman

Sais, Ehipto

Mga koordinado: 30°57′53″N 30°46′6″E / 30.96472°N 30.76833°E / 30.96472; 30.76833
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sais
Sais is located in Ehipto
Sais
Sais
Mga koordinado: 30°57′53″N 30°46′6″E / 30.96472°N 30.76833°E / 30.96472; 30.76833
Bansa Egypt
Sona ng orasUTC+2 (EST)
 • Tag-init (DST)+3
Mapa ng mga labi ng Sais na iginuhit ni Jean-François Champollion sa kanyang ekspedisyon noong 1928

Ang Sais (Sinaunang Griyego: Σάϊς) o Sa el-Hagar ay isang sinaunang bayang Ehipto sa Kanlurang Bahagi ng Delta ng Nilo na nasa sangay ng Canopus, Ehipto sa Ilog Nilo.[1] Ito ay ang kabiserang lalawiganin ng ikalimang nome ng Mababang Ehipto at naging lugar ng kinaroroonan ng kapangyarihan noong ika-dalawampu't apat na dinastiya ng Ehipto (c. 732-720 BK) at ng Saite ika-dalawampu't anim na dinastiya ng Ehipto (664-525 BK) sa panahong patapos ng Sinaunang Ehipto nito.[2] Ang pangalan nito noong Sinaunang Ehipto ay Zau.

Isinulat ni Herodotus na ang Sais ang kinaroroonan ng libingan ni Osiris at ang mga paghihirap ng diyos ay nakalaan bilang kababalaghan sa gabi sa isang katabing lawa.[3]

Ang patron na disyosa ng bayan na si Neith na itinatag sa maagang Unang Dinastiya ng Sinaunang Ehipto.[2] Ang mga Griyego, gaya nina Herodotus, Plato at Diodorus Siculus ay tinukoy ang diyosa bilang may kaugnayan kay Athena at sa gayon ay ang lungsod ay may kaugnayan din sa Atenas. Itinala ni Diodorus na ginawa ni Athena ang Sais bago ang delubiyo na sinasabing sumira sa mga lungsod ng Atenas at Atlantis. Habang ang lahat ng mga Griyegong lungsod ay nawasak ng baha habang nagyayari ang delubiyo, ang mga lungsod sa Ehito gaya ng Sais ay ligtas.[4]

Sa Timaeus ni Plato at Critias (sa loob ng 395 B.C., 200 taon matapos ng pagdalaw ng Tagapagbatas na Griyegong si Solon), ang Sais ay ang lungsod na dinalaw ni Solon (dinalaw ni Solon ang Ehipto noong 590 BK) ay nakatanggap ng kuwento ng Atlantis, ang hukbong paglaban nito laban sa Gresya at Ehipto, ang tuluyang pagkatalo nito at pagkasira nito bunga ng isang malaking sakuna na mula sa isang paring Ehipto. Ipinakita rin ni Plato na ito ang lugar ng kapanganakan ni pharaoh Amasis II.[5]

Sa ngayon, walang mga natitirang mga labi ng Sais sa panahon ng Patapos na bahagi ng na Bagong Kaharian (c.1100 BK) dahil sa malawakang pagsira sa lungsod ng mga Sebakhin (na mga magsasaka na nagtatanggal ng mga tira-tira ng mga laryong putik na ginagamit bilang pampataba) na nagtira lamang ng ilang mga natitirang bloke sa lugar nito.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mish, Frederick C., Editor in Chief. "Saïs." Webster's Ninth New Collegiate Dictionary. 9th ed. Springfield, MA: Merriam-Webster Inc., 1985. ISBN 0-87779-508-8, ISBN 0-87779-509-6 (indexed), and ISBN 0-87779-510-X (deluxe).
  2. 2.0 2.1 2.2 Ian Shaw & Paul Nicholson, The Dictionary of Ancient Egypt, British Museum Press, 1995. p.250
  3. Herodotus, II, 171.
  4. Diodorus Siculus, Historical Library "Book V, 57".
  5. Plato, Timaeus.