0% found this document useful (0 votes)
56 views6 pages

WWII Filipino Drama: "Parasan?"

Dula tungkol sa mga Comfort women
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
56 views6 pages

WWII Filipino Drama: "Parasan?"

Dula tungkol sa mga Comfort women
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

“PARASAN?


Dula ni: Hev Ali

Taong 1942 nang tuluyan nang sakupin ng mga hapones ang bansang Pilipinas. Mga sundalong
hapon na ang pagmamaltrato sa kakababaihan ay walang kapalit na kapatawaran.

(Lumapag sa Pilipinas ang mga sundalo sakay ng eroplano, at sila ay nag martsa) (taas ng kurtina)

UNANG KAGAPAN: SA BAHAY NI LORENA AT PIDER


May mag asawang Lorena at Pider, sila ay nagtatalo sapagkat nais nang umalis ni Lorena kasama
ang kanyang anak nilang si Clarita sa kanilang bayan. Ngunit ayaw ng kanyang asawa dahil alam
niyang maaaring mapahamak ang kanyang mag-ina. Sinimulan nang mag impake ni Lorena.

Pider : Ano ba Lorena? Bakit kaba nag kakaganiyan? (Tanong niya kay Lorena na tila nagaalala)
Lorena: Hayaan mo na ako Pider (Patuloy parin sa pag impake at tila ba naluluha) Hayaan mo na
kami nang iyong anak na umalis sa bayang ito! (Pasigaw na sambit niya, habang ang kanilang anak
ay patuloy sa pag-iyak)
CLARITA: Nay, Tay tama na po! (Sambit niya habang siya’y umiiyak)
LORENA: Nanaiisin mo bang maranasan ang ating anak ang narasan kong pagdurusa, at gawing
parausan lamamg ng mga walang hiyang hapon na yon? Ha? (Umiiyak na sambit niya) Maaatim mo
bang mangyari iyon sa ating supling? (Pahabol pa niya)
PIDER: Sino bang ama ang nanaising masaksihan ang ganiyong pangyayari sa sariling anak? Hindi
bat wala? (Sambit ni Pider, at patuloy parin siya sa kanyang pag iimpake) Bitiwan mo nga iyang mga
gamit ninyo! (Sigaw niya sakanyang asawa at kinuha ang bag at tinapon ito at biglang tumayo si
Lorena)
LORENA: Ano ba Pider! (Pagalit niyang sambit)
PIDER: Lorena naman ako nama’y iyong pakinggan, Nilalayo ko lamang kayo sa kapahamakan.
(Malumanay na sabi ni Pider sa kanyang asawa)
LORENA: Nilalayo? Wala na ba talagang natitirang pagkiramdam diyan sa loob mo? (Panduduro sa
puso niya e ano naman AHAHAHAHAHHAH) Kung may pagmamahal at pagmamalakasakit ka pa sa
buhay ng anak natin, papayagan mo kaming umalis. (Sambit niya)
PIDER: Lorena hindi mo ba talaga maintindihan? (Pasigaw niyang tanong sakanya)
LORENA: Na ano pider? Na duwag ka? Duwag ka Pider, DUWAG (Itinulak niya ito habang umiiyak)

Biglang pumasok ang hapon dahil sa narinig nila. (Jake, Rodel, Rigon)
(Itinulak at sinipa ang pintuan ng kanilang tahanan. Nagulat ang mag-asawa. Nagusap ang mga
hapon at nagtatatangkang dakpin ang kanilang anak na si Clarita, hinarang iyon ni Pider at sinalo
lahat ng suntok mula sa mga hapon.)
PIDER : Anong ginagawa niyo dito? Anong kailangan niyo samin ha! (Takot at tila natataranta siya, si
Clarita ay tumakbo sa kanyang ina na takot na takot)
JAKE: Tumahimik ka! (Sigaw niya) Hawakan niyo iyan! (At doon na sinimulang pagbubug-bubugin si
Pider hanggang siya ay humandusay. Ang kanyang asawa’t anak ay nagsisisigaw. Habang si pider ay
nawalan na ng malay)
LORENA: Itigil ninyo iyan! Maaawa kayo saamin (Umiiyak at nilapitan niya ang mga hapon, sabay
itinulak) Bitawan nyo ang asawa ko!
CLARITA: Nay! Tay! Tulong! Tulunga nyo po kami! (Umiiyak na sambit niya)
(Bigla siyang dinakip ng dalawang hapon at doon siya ay hinila palayo sa kanyang anak)
LORENA: Bitawan niyo ako! (Hinihila siya)
CLARITA: Nay! (Umiiyak) Bitawan niyo po ako! Nayy!! (Habang siyang nag pupumiglas)
(Dahil din sa pagmamatigas ni Lorena ay sinapak at sinikmuraan ito ng mga sundalo, nanghina siya
at humandusay na lamang, nakita iyon ng kanyang anak)
CLARITA: Inayy!!(Sigaw niya, Hinila na siya ng hapon papunta sa kanilang quarters) Bitawan niyo
ako, bitawan niyo ako!
TAAS NG KURTINA

IKALAWANG KAGANAPAN: Sa Selda


Labit-labit parin ni Jake si Clarita at doon sa lapag siya ay itinapon)
CLARITA: Bakit andito ako? Anong gagawin niyo saakin? Nasaan ang aking inay? (Sunod-sunod na
tanong niya habang siya ay naluluha)
(Sinampal siya ni jake)
JAKE : Tumahimik ka! ( At doon siya’y sinimulan nang halayin ng hapon)
TAAS NG KURTINA
CLARITA: Bitawan mo ako! Tulonggg! (Umiiyak sya ng umiiyak)
JAKE: Tumahimik ka (sampal)
Pagkatapos ng apat na minutong pagsisigaw at pagiiyak ni clarita)
BABA NG KURTINA
Doon sa sahig ay naiwang nakahandusay si clarita patuloy sa pagiyak at puno ng pasa ang kanyang
katawan. Nakita niya sng kanyang kasamahan sa loob ng selda. Tila wala sa sarili ang isa. At ang isa
naman ay tila kinakabahan at may balak na gawin. Maya maya pa nang umupo na si clarita ay
biglang tumayo si Rivera. Tumingin muna siya sa paligid, at nang masigurong walang tao ay tumakbo
na siya palabas ng selda dala dala ang kanyang manika. Nakita iyon ng mga kawal at ito’y hinabol.
MICHAEL: Nakawala ang bihag! Mga kano, habulin siya!! (Sigaw niya at biglang hinabol si rivera)
TAAS NG KURTINA

IKATLONG KAGANAPAN: SA KALSADA


BABA NG KURTINA
Takbo nang takbo si rivera. Takot na takot at umiiyak.
RIVERA: Tulongggg! Tulungan niyo akooo! (Pagsisigawan niya habang patuloy sa paghabol ang
mga kano)
Maya-Maya ay binaril na ito ng isa nilang kasamahan at humandusay sa kalsada.
TASS NG KURTINA

IKAAPAT NA KAGANAPAN: SA SELDA


BABA NG KURTINA
Dumating bigla ang kanilang pinuno. (Warren, Johnray)
RUSTIQUE: Mga kano! (Sigaw niya) Lumapit kayoo! Habang si kuya warren ay nakaupo lamang sa
gilid nag-aantay dumating ang mga kano.
RUSTIQUE: May nakawalang bihag, hanapin ninyo ang kanilang tagabantay, at siya’y ng atin nang
maparusahan. Magdali kayo! (Utos niya dito)
Umalis na sila. At sa kanilang paghihintay ay dumating na ang mga kano. Dala-dala si Gloria ng mga
kawal)
GLORIA: Bitawan niyo ako, ano ba ang nagawa konh kasalanan? (Pagmamakaawa niya, habang
dala-dala siya ng mga kano)
MICHAEL & VILLAFRANCA: Tumahimik ka!
Nang mailapit na at ibinagsak si kricel sa sahig ng mga ito. Takot na takot siyang umiiyak. Habang si
clarita ay natatakot na baka siya’y saktin rin. Ngunit si racy ay wala paring pakealam.
GLORIA: Bakit ako’y naririto? Sa aking pagkakaalam ay wala akong nilabag ni isang utos ninyo!
Bakit ako’y inyong ipinadakip sa kanila? (Umiiyak at nagmamakaawang tanong niya)
Tumayo bigla si kuya warren habang ang dalawang kawal ay nasa gilid lamang. At ang dalawa pa ay
hawak hawak si Gloria sa braso.
WARREN: Dahil sa iyong kapabayaan, nakatakas ang isang bihag!
GLORIA: Nakatakas? H-hindi ko po alam ang mga sinasambit ninyo. Pakawalan na ninyo ako
(pagmamakaawa niya)
RUSTIQUE: Sasagot ka pa! (Sabay sampal sa kanyang mukha)
WARREN: Bigyan siya ng matinding parusa! (Pag-uutos niya. Umalis na siya at binugbog sinipa at
sinuntok si kricel. Habang siya ay humihingi ng tulong. Matapos bugbugin ay umalis na sila. Nahuli sa
linya si philip. Nakita iyo ni Celia at siya’y nilapitan. Hinawakan niya ito sa paa. Habang ang ibang
mga kano ay nakaalis na. .
TAAS NG KURTINA

IKALIMANG KAGANAPAN: SA BAHAY NI JESUSA


BABA NG KURTINA
Naglilinis ang dalawang magkapatid, an gina nila ay naglalabada habang ang kapatid nitong si Jose
ay nakaupo lamang sa gilid.
JESUSA: Jose, jose! Lumapit ka nga rito! (Sambit ng kapatid)
Tumayo si jose at lumapit.
JOSE: Ano ho ba iyon! (Pag aagsik ni jose)
JESUSA: Ikaw naman ay gumawa rin ng gawaing bahay, ikaw naman ang mamahala sa gawaing
pangkusina. Hugasan mo ang ating pinagkainan. (Utos ng kaniyang kapatid)
JOSE: Puro na lamang ako, nais ko namang mamahinga kahit bahagya lamang! (Inis na sambit niya
at bumalik sa kinauupuan)
Tinignan ng magkapatid ang kanilang tiyo.
GENOVA: Ah inay, ako nalamang po ang gagawa ng iyong ipinag uutos kay tiyo. Madali lang naman
iyon gawin. (Sagot niya, at lalong nainis si Jose. Nilapitan sya ng kanyang ina)
JESUSA: Napakabuti mo talaga anak, maraming salamat ha at tinutulungan ninyo ang inyong ina.
(Haplos sa ulo)
GENOVA: Maliit na bagay lamang ho iyon inay. (Dumeretsyo na siya sa hugasan at bumalik na ang
in asa pagkakaupo)
Inis na inis si Jose dalhin sa pangyayari.
JOSE: Nakakapag init talaga ng dugo iyang mga anak sa labas ng aking kapatid! (Mahinang sambit
niya.)
Tumingin sa orasan si Jesusa. Tumayo at pumunta kay jose.
JESUSA: Jose, ikaw na muna ang bumili ng ating bigas, sapagkat ang iyong mga pamangkin ay
naglilinis ng ating tahanan. (Sambit nito kay jose, inabot ang pambili at umalis nang nagdadabog si
jose)

TINDAHAN*
JOSE: Nakakapag kainit! Tignan ko lang kung hindi ka mag hinagpis sa aking gagawin. (Tingin ng
masama at bumalik na sa tahanan.)
Natapos na maglaba ang kanilang ina habang ang magkapatid ay nagtutupi naman ng kanilang
damit. Lumapit ang kanilang ina.
JESUSA: Mga anak ko, makinig kayo sa inyong ina. Ako ay sasaglit lamang sa bayan, sasagap ako
ng balita sa inyong ama. Tatlong araw na mula nang siya ay kunin sa atin. Nais ko lamang masiguro
na siya’y nasa maayos na kalagayan.
ROSA: Babalik din ho ba kayo ka agad inay?
JESUSA: Oo anak, saglit lamang ako roon. Bantayan mo iyong kapatid ha. Tandaan ninyong dalawa
ang bilin ko sainyo, huwag na huwag kayong lalabas ng bahay, hanggat ako ay hindi pa dumarating.
Naiintindihan ba ninyo?
GENOVA: Oho inay, mag iingat ho kayo ha.
ROSA: Bilisan niyo lamang inay, sa iyong pagbalik, tayo ay kakain na.
JESUSA: Asahan ninyo, oh sige na, ako ay tutuloy na sa bayan. Magiingat kayo mga anak ha.
(Sambit niya)
ROSA&GENOVA: Opo inay. Magiingat din ho kayo.
Umalis na ang kanilang ina at tanging si Jose at ang magkapatid na lamang ang natira sa tahanan.
Makalipas ang pagaantay na makabalik ang kanilang ina, ay biglang tumayo si Jose at lumapit sa
kanila.
JOSE: Genova, ako’y iyong samahan. (Sambit niya)
GENOVA: Saan ho tayo patutungo tiyo?
JOSE: Sa iyong ina, ako’y nagaalala na sakaniya, tumatakip silim na subalit hindi pa rin siya
dumarating.
ROSA: Saan kayo paparoon tiyo? Bakit iyo pang isasama ang aking kapatid?
JOSE: Pu-puwede ba’y huwag ka nalamang makealam? Buhay ng aking kapatid ang nakasalalay
dito. Kaya’t tayo na genova (Kinuha ang kamay niya, pinigilan naman ni rosa)
ROSA: Ikaw ba’y may gagawing hindi maganda saaking kapatid? Kabilin bilinan nang aming ina, na
huwag kaming lalabas hanggang siya ay wala pa! Ngunit ano itong iyong sinasambit? Paparoon kayo
sa aking ina? Hindi ako makakapayag na lumabas ang kapatid ko na kasama ka! (Sabi nito)
JOSE: Ang tigas talaga ng iyong ulo! (Tinulak) Halika na genova! nag iintay na ang iyong ina.
Napilitang sumama si genova. Makalipas ang sandali. Tuliro at nag aalala na si rosa. Maya maya pa
ay dumating na ang kaniyang ina. Lumapit siya.
ROSA: I-ina (niyakap, ngunit nagulat siyang wala ang kanyang kapatid) Ina, nasaan ho ang aking
kapatid?
JESUSA: Hindi ba’t kayong dalawa ang magkasama? Bakit saakin mo siya hinahanap?
(Nagulat si rosa)
JESUSA: Bakit ba ika’y nagkakaganyan! Ano bang nangyari?
ROSA: Inay! Si genova, si genova ho sinama ni tiyo!
JESUSA: Annooo??
ROSA: Inay pinigilan ko siya ngunit kaniya parin niyang ipinilit na sila’y pupunta sa iyo, dahil siya’y
nag aalala saiyo. (Umiiyak at nag aalala)
JESUSA: Diyos kong mahabagin (Napaupo, at tumulo ang luha) Ang aking bunso (Tuluyan nang
umiyak)
ROSA: Patawad inay hindi ko nabantayan ang aking kapatid (umiiyak at niyakap na siya ng kanyang
ina)
JESUSA: halika anak, hanapin natin sila! (Sambit niya)
ROSA: Inay baka lalo lamang tayong mapahamak!
Biglang dumating si Jose.
JOSE: Ateee ateeee!! (Sigaw niya)
JESUSA: Saan mo dinala ang aking anak? Ha? Saan?
JOSE: Ate! Si genova, dinakip ng mga hapones 😭
JESUSA: Anoo?? (Tumulo ang luha niya)
ROSA: Isa kang bulaan! Niligaw mo ang kapatid ko! Ikaw ang may kasalanan nito! (Sigaw niyaa)
Umiyak na ang mag ina. Napag desisyonang sundan nila si genova. Tumayo si jesusa.
JESUSA: Halika anak, hanapin natin si genova. (Kinuha ang balabal at ipinasuot sakaniya) Isuot mo
ito at tayo’y pupunta na.
Lumarga na ang mag ina at sakanilang pag lalakad may nakasalubong silang hapon.
VILLAFRANCA: May bihag! Kuninn sila! (Utos niya sa kanyang mga kano at agad naman silang
dinakip)
JESUSA: Anong gagawin nyo? Bitawan niyo kami!
ROSA: Inayy, inayyy, bitawan niyo ako!
TAAS NG KURTINA

IKAANIM NA KAGANAPAN: SA SELDA


Ang magina ay dinala sa selda, kung saan si kricel at sheila ay naroroon. Ka agad niyakap ni jesusa
ang kaniyang anak. Maya-maya ay nakilala ni jesusa si kricel, ang kanyang matalik na kaibigan.
Niyakap niya ito at doon sila’y nagiyakan. Biglang dumating ang mga sundalo, at sinabing may mga
mamamayang filipino ang nag aalsa.
BABA NG KURTINA
JOHNPAUL: Pinunoo! (Tumakbo papalapit kay warren) Mayroong mga kalalakihan sa labas, tila nais
nilang maghiganti at kunin ang mga bihag.
WARREN: Tipunin ang lahat ng kano, at sugudin sila!
JOHNPAUL: Masusunod! (Umalis na siya)
WARREN: Ikaw! (Michael) ikaw muna ang mahahala sa pagbabantay sa mga bihag! Siguraduhin
mong hindi sila makatatakas!
MICHAEL: Masusunod! (Umalis na si warren)

Binulungan ni jesusa si kricel, ngunit pumiing si kricel matapos sabihin sa kaniya. Tumayo si jesusa at
kumuha ng pamatok, at pinukpok iyon kay michael.

JESUSA: Gloria! Itakas mo na sila! Magmadali kayo! (Sambit niya)


ROSA: Sila? N-ngunit papaano ka inay? Hindi ako aalis saiyong tabi! Dito na lamang ako! (Sagot
niya)
Tinanggal niya ang pagkakakapit ng kanyang anak at tumalikod.
JESUSA: Umalis ka na, dahil kailanman ay hindi kita itinuring na anak! (Tumulo na ang kaniyang
mga luha, niyakap ni rosa sa likod ang kanyang ina)
ROSA: inayy, sama-sama tayong aalis inay! Hindi kita maaaring iwanan (umiiyak)
JESUSA: Gloria! (Tinanggal nila sa pagkakayakap si rosa sa kanyang ina, at nagpupumiglas na
umiiyak si rosa)
Nang makaalis na sila ay humarap na ang kaniyang ina, napaluhod siyang umiiyak)
JESUSA: Patawad aking anak! Ito lang ang tanging paraan upang ikaw ay mailigtas ko, hindi ko na
kakayaning pati ikaw ay maranasan ang pagsamantalahan (umiiyak) Patawad anak, patawad. Mahal
na mahal ko kayo ng iyong kapatid 😭😭
Umiiyak siya ng umiiyak.

TAAS NG KURTINA

IKAPITONG KAGANAPAN: SA LABAS


BABA NG KURTINA
Nagkita ang dalawang panig, hapon at ang mga Pilipino sa pangunguna ni Richard sinundan ni philip,
raymond, ralph ar pider. Naghamunan sila.
RICHARD: Mga kasama! Ipaghiganti natin ang ating mga mahal sa buhay, paslangin ang dapat
paslangin, kahit ang buhay natin ang kabayaran. Para sa bayan! (Sigaw at taas ang kamay)
LAHAT: Para sa bayan!
PHILIP: Magpapaapi lamang tayo sa ating asawa, ngunit hindi kailanman magpapaalipin sa mga
dayuhan! (Sigaw niya) Sugod!!!! (Sumugod at nilabanan nila ang mga hapon!)
Habang sila ay nag papatayan, lumabas si Genova pasaan at punit-punit ang damit. Tuliro at tila wala
sa kanyang sarili. Maya-maya ay lumabas din ang kanyang ina. At sila ay nagkita. Napahinto sila
habang patuloy sa paglalaban ang mga hapon at pilipino.
GENOVA: I-ina? Ina (umiyak, papunta na sana siya nang siya’y tamaan ng ligaw na bal asa kanyang
dibdib.)
Tila nawala si Jesusa sa kanyang sarili nang makita niya ang kanyang anak, tumulo ang kanyang
luha at nilapitan.
JESUSA: Oh bunso ko! Hindi maaari (Umiyak nang umiyak)
Maya-maya ay siya naman ang sinaksak ng hapones. Napatay ang lahat ng mga hapones, pati ang
ibang pilipino, ang tanging natira ay si richard na lamang, ngunit bumagsak din ang kaniyang
katawan. Kinuha niya ang bandera ng Pilipinas at itinayo niya ito, at tuluyan na rin siyang bumagsak
hawak hawak ang watawat.
TAAS NG KURTINA
(Si jesusa at genova lang ang matitira)
Nakahandusay ang mag ina. Dumating naman si Rosa, Clarita at Gloria. Nakita niya ang kaniyang
ina, nilapitan niya ito at tila bumagsak ang kaniyang katawan. Iniwan ito nila sheila at gloria.
Kumanta siya. Pagkatapos kumanta lalabas ang mga babaeng naging biktima. Matamlay at maiyak
iyak ang mata, pagkatapos lumabas ng mga ito, lilinya din sila ara at melissa. At doon ay may mag
nanarrate. Sabay ilalabas ang banner na may nakasulat na. (JUSTICE FOR COMFORT WOMEN!)
Papasok ang mga kalalakihan, at magb-bow ang lahat. Wakas!

You might also like