FILIPINO REVIEWER
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG
                         KATUTUBO
PANITIKAN (Literature)
     Ang panitikan      o literatura ay nagmula sa salitang Latin na “littera” na
      nangangahulugang “letra” o “titik”
     Ayon kay Webster: Ito ay anumang bagay na naisatitik, may kaugnayan sa pag-iisip at
      damdamin ng tao, totoo man, o kathang-isip lamang.
     Ayon kina Atienza, Ramos, Salazar, at Nazal: Ang panitikan bilang walang kamatayang
      pagpapahayag ng damdamin (endless expression of feelings) ng tao bilang tugon
      niya sa kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap na mabuhay at madama ang ligaya
      mula kaniyang kapaligiran.
KASAYSAYAN (HISTORY) NG PANITIKAN
  1. Negrito o Ita
        Batay sa “Waves Migration Theory” ni Henry Otley Bayer (Chua, 2013) ang
           kauna-unahang naninirahan (first people to live) sa Pilipinas ay ang mga Ita o
           Negrito na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao.
        Gumamit sila ng busog at pana (bow and arrow) sa paghahanap ng kanilang
           makakain. Wala silang masayadong nalalaman sa panitikan kundi awitin at
           pamahiin lamang.
  2. Indonesyo
         Ang mga Indones o Indonesyo na nagmula sa Timog-silangang Asya na may
           kabihasnang nakahihigit (better than) sa mga Negrito ay nakarating din ng
           bansa.
         Ang unang mga grupo nila na nakarating sa Pilipinas ay may lahing Mongol at
           Kaukaso kaya’t mapuputi at manilaw-nilaw ang balat nila.
         Sila ay may sariling sistema ng pamahalaan at pamumuhay.
         May dala silang panitikan gaya ng epiko, kuwentong-bayan, alamat, pamahiin, at
           pananampalataya.
  3. Malay
         Tatlong pangkat (in three groups) nila ang nakarating sa Pilipinas.
         Ang unang grupo ay nagdala ng pananampalatayang pagano at awiting
          panrelihiyon.
         Ang ikalawa ay may dalang wika, alpabeto, awiting-bayan, kuwentong-bayan,
          alamat, at mga karunungang-bayan.
         Ang huling grupo naman ay nagdala ng pananampalatayang Islam.
  4. Intsik
         Sila ay nanirahan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas kaya’t mahigit 600 na mga salita
          (words) nila ay naging bahagi ng wikang Filipino.
  5. Hindu
         Ang unang mga grupo nila ay naggaling sa Borneo. Sila ang nagdala ng
          pananampalatayang Budismo, epiko, at paniniwala sa mahika.
         Ang ikalawang grupo ay nagdala naman ng pananampalatayang Bramanistiko,
          epiko, awiting-bayan, at liriko.
             Marami ring mga salita nila na naging bahagi ng wikang Filipino tulad ng guro,
              bansa, mukha, likha, dukha at iba pa.
     6. Arabe at Persiyano
             Sila ay nanirahan (lived in) sa Mindanao at Sulu kasama ang maraming
              mangangalakal (businessmen).
             Nagdala rin sila ng mga epiko, kuwentong-bayan, dula, at alamat.
 7. Imperyo Madjapahit
         Maraming karatig bansa ang kanilang nasakop.
         Dahil dito, nagkaroon ng paglalapit-lapit at pagpapalitan ng kalakal at kultura tulad na
          lamang sa mga kuwentong-bayan ng Cebu, Panay, Negros, at Palawan na katulad sa
          mga kuwentong mayroon sila.
 8. Imperyo ng Malacca
        Nang bumagsak (failed) ang imperyo ng Madjapahit, sila naman ang naging
         pinakamakapangyarihan sa silangan.
        Ito ay imperyong Muslim na lumaganap sa Borneo, Luzon, at Mindanao.
        Nagtatag sila ng pamahalaang pinamunuan (government ruled by) ng mga sultan o
         rajah.
                                       AKDANG PATULA
AKDANG PATULA: Ito ay nasa anyong patula at ang daloy ng paglalahad ng taludtod nito
ay nasa masining na pagpapahayag. May sinusunod itong bilang ng pantig, tugmaan,
taludtod, may masusing pagpili ng mga salita, at gumagamit ng matalinhagang pahayag.
Tulang Pasalaysay: Ito ay naglalahad at naglalarawan ng mga makulay at mahalagang tagpo
sa buhay ng tao gaya ng kuwentong pag-ibig, pakikipagsapalaran, pakikidigma, kagitingan, at
tagumpay mula sa naranasang kahirapan.
URI NG TULANG PASALAYSAY
     1) Epiko: Ito ay tumatalakay sa kabayanihan at pakikipagtunggali (Kabayanihan"
        means heroism, and "pakikipagtunggali" means struggle or conflict) ng
        kinikilalang bayani (hero) ng isang pook. Mayaman ang uring ito sa elemento ng
        kababalaghan. Isinisiwalat din nito ang kultura at pamumuhay (culture and lifestyle)
        sa isang partikular na pook o relihiyon. Halimbawa ng Epiko: Biag ni Lam-ang, Labaw
        Donggon, Ibalon, Hudhud
     2) Tulang Liriko: Ito ay nagpapahayag ng marubdob na damdamin (intense emotions"
        or "deep feelings ) sa paksa. Karaniwang maikli at madaling maunawaan ang mga
        ito. Itinatampok sa tulang ito ang emosyon at pagmumuni-muni ng makata.
          Uri ng Tulang Liriko
                 a. Awiting-bayan
                       Ito ay kantahing-bayan ng mga ninuno.
                       Karamihan sa mga ito ay tumatalakay sa pang-araw-araw na buhay,
                          karanasan, kaugalian, damdamin, relihiyon, at pamumuhay ng mga tao
                          sa bayan.
                      Halimbawa ng awiting-bayan: Leron, Leron Sinta, Bahay Kubo,
                       Paruparong Bukid, Dandansoy
            b. Karunungan-bayan
                   Ito ay nagpapahayag ng mga kaisipang nabibilang sa kultura at
                     naglalayong magturo ng kagandahang-asal.
                   Nakatutulong ito sa pag-angkin ng kamalayang tradisyonal na
                     nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural ng bayan.
                   Halimbawa ng karunungang-bayan: kasabihan, sawikain, bugtong,
                     salawikain
                             KARUNUNGANG BAYAN
KARUNUNGANG BAYAN: Sumasalamin sa kultura, nakaugaliang paniniwala at tradisyon
ng ating mga ninuno.
   1. Salawikain
          Patalinhagang pahayag na ginagamit ng mga matatanda noong unang panahon.
          Nangangaral at inaakay ang mga kabataan sa mabuting-asal.
          May sukat at tugma
          Halimbawa:
                 o Pagkahaba-haba man ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy.
                 o Kapag may tiyaga, may nilaga.
                 o Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
                 o Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
                   paroroonan.
   2. Kasabihan
          Ginagamit sa panunukso at pagpupuna sa Gawi o kilos ng isang tao.
          Literal ang kahulugan nito.
          Ito ay anumang salita, parirala, o pangungusap na naglalaman ng isang aral,
            karunungan, o katotohanan na tinanggap ng madla upang gawing batayan o
            huwaran sa buhay.
          Halimbawa:
               o Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
               o Anuman ang gagawin, makapitong isipin.
               o Ang taong walang tiyaga, walang yamang mapapala.
               o Titingkad ang iyong kagandahan kung maganda rin ang iyong kalooban.
               o Ang talagang matapang, nag-iisip muna bago lumaban.
   3. Sawikain
         Mga salita/parirala na patalinhaga (may nakatagong kahulugan) masining na
            paraan ng pagpapahayag.
         Halimbawa:
                o Bukas na aklat, Butas ang bulsa, Ibaon sa hukay
                o Halimaw sa galing, Nagbibilang ng poste, Kapit-tuko
   4. Tanaga
          ito ay sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog na may sukat na pitong pantig
           ang bawat taludtod at may apat na taludtod naman sa bawat saknong.
          Halimbawa
               o Magsikhay ng mabuti, Sa araw man o gabi, Hindi mamumulubi,
                  Magbubuhay na hari
              o   Mataas man ang bundok ay hindi mo Makita, paano mo ba ako maaaring
                  madama?
              o   Mataas man ang bundok, Pantay man sa Bacoor, Iyang mapagtaluktok, Sa
                  pantay rin aanod.
   5. Bugtong
        Palaisipan nasa anyong patula
        Pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.
        Ito ay binibigkas ng patula
        Nagsilbi rin itong libangan o pampalipas oras ng kabataan o matatanda kapag
         nagsama-sama
        Halimbawa:
             o May binti, walang hita, May tuktok, walang mukha.
             o Kung kailan mo pinatay, Saka pa humaba ang buhay.
             o Isang balong malalim, Punong-puno ng patalim.
             o Hindi tao, hindi hayop, Walang gulong, tumatakbo.
                                           TULA
TULA: Ang tula ay binubuo ng mga elemento upang maging mabisa ang pagpapahayag nito
ng damdamin at karanasan.
ANYO NG TULA
  1. Tradisyonal: Ito ay uri ng tula na may sinusunod na sukat at tugma. Naglalaman ito ng
     talinhaga. Halimbawa:
            Pilipino ang may-akda
            Hindi galing sa banyaga
            Ito ay sadyang mahiwaga
            Sa Kastila ay mas matanda
                   * Baybayin sa Aking Piling- Cassandra U. Conception
  2. Malayang Taludturan: Ang tula sa uring ito ay isinusulat nang walang sinusunod na
     patakaran.Walang tiyak na sukat at wala ring tugmaan ngunit mananatili dapat ang
     kariktan nito sa paggamit ng talinhaga. Halimbawa:
            Kahit anong sakuna at unos
            Ako ay hindi basta-basta matitibag
            Babangon at dadalhin sa mukha ang ngiti
            Dahil ako ay isang matapang na Pilipino
                   *Sigaw- Rose Ann S. Alejandro
  3. May sukat na walang tugma: Ang uri ng tulang ito ay may partikular na sukat ngunit
     hindi kakikitaan ng tugmaan. Halimbawa:
            Buhay ko man ay kay pait
            Puno man ng dalamhati
            Ako ay hindi titigil
            Pangarap ay aabutin
                   *Sikap, Sipag- Rusell Irene L. Lagunsad
  4. Walang Sukat na may Tugmaan: Ang tula sa uring ito ay walang sinusunod na sukat
     ngunit nagtataglay ng tugmaan. Halimbawa:
           Sariwa pa ang mga alaal,
           Alaalang pilit binubura,
           Ngunit sa bawat pagtatangka,
           Pagkatao ay nawawala
                   *Pana-panahon- Mark Jimboy B. Daroy
ELEMENTO NG TULA
1. Saknong
     Ito ay grupo sa loob ng isang tula na binubuo ng dalawa o higit pang mga linya na
      tinatawag na taludtod.
     Ang bilang ng linya ay depende sa estilo ng manunulat ng tuls.
     Ang mga sumusunod ay ilan sa ginagamit na bilang ng mga linya at katawagan:
          o dalawang linya: couplet
          o tatlong linya: tetrain
          o apat na linya: quatrain
          o limang linya: quintet
          o anim na linya: sestet
          o pitong linya: septet
          o walong linya: octave
2. Sukat
     Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
     Maaaring sukat ng tula sa bawat taludtod:
          o Wawaluhin:
                   nagbinata ang mga sanggol
                   sa dalaga ay manunuyo
                   nilakbay niya’y malayo
                   panahon ang iginugol
          o Lalabindalawahin:
                   pinili ng Diyos ang isang mortal
                   at silang dalawa nga ay nagpakasal
                   bagaman marami ang galit at ayaw
                   pag-iibigan nila ang nangibabaw
          o Lalabing-animin
                   hindi mapigilan ang binata sa kaniyang nais
                   nang marinig ang ay nagmamadaling umalis
                   nakipaglaban sa asawa, parehong puro pawis
                   ang kawawang binata ay ikinulong nang mabilis
          o Lalabingwaluhin
                   isinilang ang mga anak, ama’y agad nilang hinanap
                   nagkasundo silang magtulungan sa kahit anumang hirap
                   nakipagsagupaan sa kalaban, panganib ay hinarao
                   nailigtas ang ama at ang pamilya nga ay naging ganap
3. Tugma
     Ito ay ang pagkakasintunog ng huling pantig ng huling salita sa bawat taludtod.
     Isa itong katangian ng tula na kaiba sa mga akdang tuluyan.
4. Talinhaga
     Ito ang paggamit ng mga matalinghagang salita o pahayag na nagtataglay ng malalim
       na kahulugan, kadalasan ay hindi literal kundi nagpapahiwatig ng mas malalim na
       konsepto damdamin.
5. Kariktan
     Ang kagandahan ng tula na nararamdaman ng mga mambabasa, na maaaring makuha
       sa tamang pagpili ng mga salita, sukat, at tugma.
6. Persona
     Ito ay tumutukoy sa nagsasalita sa loob ng tula.
     Maaaring ang may akda at ang persona ay iisa lamang o hindi kaya ay ibang katauhan
       naman.
7. Tono
     Ito ang tawag sa naiibang kalidad ng tunog na nabubuo sa pamamagitan ng
      pagsasama-sama ng mga titik at salitang bumubuo sa bawat taludtoran.
     Ilan sa mga halimbawa:
         a. Anapora: Ito ang tawag sa paraan ng pag-uulit kung ang inuulit ay ang mga
            salita o pariralang nasa unahan ng taludtod.
                   Panahon na upang puso ay patibayin
                   Panahon na upang kamao ay itaas
                   Panahon na upang iwagayway ang bandera
         b. Epipora: Ito ang tawag sa pag-uulit ng salita kung ang mga salitang inuulit ay
            matatagpuan sa dulo ng bawat taludtod.
                  Mayroon tayong minanang lupa
                  Ito ang pinaglabang lupa
                  Ang ninunong lupa
                  Ang ating lupa
         c. Onomatopeya: Ito ay tinatawag ding paghihimig. Nagagawa ito sa pamamagitan
            ng paggamit ng mga salitang ang tunog ay siya ring kahulugan nito.
                  Dagundong ng kulog
                  Lawiswis ng kawayan
                  Tilaok ng katyaw
                  Kuliling ng sorbetes
                  Kalampag ng pinto
                                          EPIKO
Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t-ibang
grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o
mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan.
EPIKO NG HINILAWOD (Epiko ng mga Bisaya)
Alam mo ba…
Ang Ilog Jalaur o Jalaud sa Ilo-ilo na may sinaunang pangalang Halawod ay siyang pinagmulan
o tagpuan ng kilalang epiko ng mga Panay na may pamagat na Hinalawod
Ang Epikong Hinalawod ay nangangahulugang “Mga Kuwento mula sa Bukana ng Ilog
Halawod” ay isang epiko ng mga sinaunang nanirahan sa lugar na tinatawag na Sulod sa
Panay.
                                  AWITING BAYAN
KATANGIAN NG MGA AWITING-BAYAN
     Ito ay nagsasalaysay at naglalarawan ng mga karanasan, pamumuhay, at tradisyon.
     Ito ay gumagamit ng mga payak na salita upang madaling matandaan at makanta ng
      lahat.
     Ito ay pasaknong na may sukat at tugma
     Ito ay may melodiya na lilitaw sa damdamin o mensahe ng awitin.
IBA’T-IBANG URI NG AWITING BAYAN
  1. Dalit: awit panrelihiyon o himno ng pagkilala sa Diyos o Mahal na Birhen.
     Halimbawa:
            Ikaw ang pinakatangi,
            O Birhen na maawain.
            O Birheng Maria ng kaligtasan,
            Maawa ka sa amin
  2. Diona: awit sa panahon ng pamamanhikan sa pamilya ng napupusuang dalaga o
     tungkol sa pag-iisang -dibdib.
     Halimbawa:
           Umawit tayo at ipagdiwang
           Ang dalawang pusong ngayo’y ikakasal
           Ang daraanan nilang landas
           Savugan natin ng bigas
  3. Dung-aw: awit sa panaghoy o paghagulgol sa taong namatay
     Halimbawa:
           Paalam na, mahal kong anak,
           Kami na’t lilisan.
           Ang Diyos nawa ikaw’y kaawaan,
           Biyayaan ng kaligayahan.
  4. Elehiya: awit sa paggunita sa pumanaw upang ipahayag ang lungkot o pagmamahal sa
     yumaong minahal.
     Halimbawa:
           Diyan ka na, anak ko,
           Sa iyong hihigaan
           Na malungkot na tahanan
           Na naghihintay para sa lahat.
  5. Kumintang: Awit tungkol sa pakikidigma o pagharap sa isang labanan.
     Halimbawa:
           Ang nuno nating lahat,
           sa kulog ay hindi nasisindak,
           Sa labanan, ‘di-naaawat,
           Pinuhunan buhay, hirap,
           Upang tayong mga anak
           Mabuhay nang panatag
6. Oyayi: Awit pampatulog o panghele sa bata na may banayad na melodiya.
   Halimbawa:
         Matulog ka na bunso,
         Ang ina mo’y malayo;
         At hindi masundo,
         Daa’y walang magturo
7. Soliranin: awit ng mga manggagawa.
   Halimbawa:
          Hala gaud tayo; pagod ay titiisin
          Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin,
          Kahit malayo man kung ating ibigin,
          Daig ng malapit na ayaw lakbayin.
8. Talindaw: awit ng mga bangkero o sa pamamangka.
   Halimbawa:
         Sagwan, tayo’y sumagwan
         Ang buong kaya’y ibigay.
         Malakas na hangin
         Baka tayo’y tangayin,
         Pagsagwa’y pagbutihin