0% found this document useful (0 votes)
77 views11 pages

Week 1

Handouts

Uploaded by

mycode.jeff.9504
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
77 views11 pages

Week 1

Handouts

Uploaded by

mycode.jeff.9504
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

PERSONAL LESSON SEQUENCE FOR WEEK 1:

THOUGHT PROVOKING QUESTION #1:


Gaano nyo kaalam ang kultura ng Pilipinas?

LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #1:

THOUGHT PROVOKING QUESTION #2:


Gaano kaimportante sainyong palagay ang pagkilala at pagunawa sa mga kultur ng mga
katutubo natin dito sa Pilipinas?

LESSON EXEMPLAR THOUGHT PROVOKING QUESTION #1:


Sa inyong palagay, marunong na bang sumulat ang ating mga ninuno? Patunayan.
Pamilyar ba sainyo ang ganitong sulatin? (Show the two images)
Ano tawag mo sa lingguahe na ito?
Ano ang Baybayin sainyong sariling kaalaman?

CORE INFORMATION #1:


Ang Baybayin (baybay, to spell) ay ang isa sa sinaunang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang
Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila.
Ang mga titik ay binubuo ng mga katinig at patinig at kadalasang sinusulat mula kaliwa
patungong kanan.
Ang dapat tandaan sa paggamit ng Baybayin ay kung paano baybayin ganun din isusulat.
Mayroon 17 alpabeto ang Baybayin, walang alpabeto para sa borrowed words kaya naman
kinakailangan silang isulat base sa kung paano bigkasin ng mga Pilipono, halimbawa “C” magiging
“K” at “F” magiging “P”.

LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #2:

IMPORTANCE OF THE LESSON #1


Ang tuon sa unang kuwarter ay tungkol sa Panitikan sa Panahon ng Katutubo.
Ang pag-aaral tungkol dito ay magpapalalim ng ating pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino.
Ito ay magbibigay kaalaman tungkol sa ating identidad, tradisyon, kultura at lipunan.
LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #3:

CORE INFORMATION #2:

Ang panitikang Pilipino ay nagmula sa ating mga katutubo na ginagamit upang ipahayag ang kanilang
nararamdaman.
Ang Panitikang Pilipino ay nagsimula sa mga Negrito at Aeta.
Panitikan – ay isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga
teksting pampanitikan.
Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan at puwersang pangkasaysayan na
nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog at pag-unlad ng panitikan sa
Pilipinas.
LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #4:

Mga halimbawa ng panitikan ng ating mga katutubo:


Pagsusulat ng Mangyan sa kawayan gamit ang Ambahan, ang sariling sakin ng Baybayin.
Alibata, ang katutubong Abakada.

Sariling Panitikan bago dumating ang mga Kastila


Kwentong Bayan Kantahing Bayan Kasabihan
Alamat Karunungang-bayan Bugtong
Epiko Salawiakin Palaisipan

Dalawaing uri ng Panitikan


Pagsasaling Bibig (pasalindila) Nasusulat (pasalinsulat)

Pasalindila
Tugmang-bayan
Awiting-bayan
Salawikain
Bugtong
Bulong
Epiko

THOUGHT PROVOKING QUESTION #3:


Sa inyong palagay ano ang importansya ng panitikan sa ating bansa?

IMPORTANCE OF THE LESSON #2


Sa pamamagitan ng panitikan nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na ipakilala ang
ating lahi sa iba.
Mula sa angking kakayahan ng ating Katutubo nakalika sila ng mga sulating sumasalamin sa
mga matanadang kaugalian at tradisyon ng ating kultura.

LESSON EXEMPLAR THOUGHT PROVOKING QUESTION #2 and #3:


Ano ang pasalindila at pasalinsulat na panitikan?
Ano ang mga panitikan sa panahon ng katutubo?

LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #5:

LESSON EXEMPLAR THOUGHT PROVOKING QUESTION #4 and #5:


Bilang mag-aaral, paano kayo makakatulong upang maraming kabataan ang mahikayat na
bumasa ng panitikang Pilipino? Mula sa inyong sagot, ano ang inyong kinagigiliwan? Bakit?
LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #6:

LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #7:


BASA-TALA: Basahin ang teksto at gawing gabay ang mga katanungan sa pag-unawa nito.

Panitikan sa Panahon ng mga Katutubo

Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila noong ika-16 na siglo, may mayamang kaban ng
panitikan na ang ating mga ninuno. Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga
bugtong, sawikain, kuwentong-bayan, alamat, epiko, kasabihan, palaisipan at iba pa.

Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng ibang bansa na pasalindila (oral) at
pasalinsulat (written) na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at kaugaliang panlipunan,
paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, relihiyon, adhikain at mga pangarap. Kalimitang
nagtitipon-tipon ang mga katutubo upang pakinggan ang mga salaysayin, pamamahayag at iba pa. Paulit-
ulit na pinapakinggan ang mga panitikan hanggang sa ito’y matanim sa kanilang isipan. Sa palagiang
pakikinig at pagbigkas ng mga panitikan, nagawa nilang maisalin ito sa susunod na henerasyon. Isinulat
at iginuhit naman ang ibang akda sa mga kahoy, kawayan, bato at dahon.

Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa paniniwalang galing
ito sa diyablo. Ngunit di nalipol ang lahat na panitikan mga kantahing-bayan, bugtong, salawikain,
kasabihan at iba pa dahil ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao.

Ita o Negrito
Batay sa “Waves Migration Theory” ni Henry Otley Bayer (Chua, 2013) ang kauna-unahang
naninirahan sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito na ang ibig sabihin ay maliit at maitim na tao. Mayroon
na silang mga bulong, awitin at kasabihan na ginagamit noon. Ang mga Indones o Indonesyo na nagmula
sa Timog-silangang Asya na may kabihasnang nakahihigit sa mga Negrito ay nakarating din
ng bansa. Marunong na silang magtanim ng halaman at mangisda. Mayroon silang mga alamat at epiko,
pamahiin at mga bulong na uri ng panitikan. Ang mga Ifugao at mga Kalinga sa Mountain Province ay
mula sa unang Indones sa bansa.
Ang mga Malay o Malayo naman ay nagdala ng pananampalatayang pagano at awiting
panrelihiyon. Sila ay mga ninuno ng mga Musilm sa Mindanao.

Ngunit sa teorya naman ni Peter Bellwood ng Australian National University, naniniwala siyang ang tunay
na mga ninuno ng ating lahi ay ang mga Austronesian na eksperto sa paglalayag. Sinuportahan naman
ito ng Pilipinong historian na si Floro Quibuyen noog 2020 na naniniwalang nagmula sa Taiwan ang mga
Austronesian.

Sa kabuoan, ang katutubong panitikan ay tagapagbatid ng kultura sa bawat rehiyon ng bansa. Sa


pamamagitan ng panitikan, naipapahayag ang kanilang damdamin hinggil sa daigdig na nakapalibot sa
kanila. Sa mga tulang Pilipino, makikita ang pagiging orihinal at malikhain.

LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #6:


LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #8:
LESSON EXEMPLAR ACTIVITY #9:

Valuing and Reflection


1. Nalaman kong _________________________________________________.
2. Naranasan kong _______________________________________________.
3. Naramdaman kong ____________________________________________.
4. Para sa akin, ang mga panitikan sa panahon ng katutubo ay______________.
5. Bilang mag-aaral____________________________.
Quiz #1:

You might also like