0% found this document useful (0 votes)
251 views4 pages

Panitikan

The document discusses the definition and forms of Philippine literature or panitikan. It defines panitikan as artistic expression using written or oral language. There are two main forms - tuluyan, which is written in prose, and patula, which is written in meter, rhyme and verse. Some specific genres mentioned include fables, parables, legends, short stories, anecdotes, essays, plays, biographies, novels and news articles. The document also discusses poetic forms like narrative, lyric and dramatic poetry, and poetic games involving riddles and debates.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
251 views4 pages

Panitikan

The document discusses the definition and forms of Philippine literature or panitikan. It defines panitikan as artistic expression using written or oral language. There are two main forms - tuluyan, which is written in prose, and patula, which is written in meter, rhyme and verse. Some specific genres mentioned include fables, parables, legends, short stories, anecdotes, essays, plays, biographies, novels and news articles. The document also discusses poetic forms like narrative, lyric and dramatic poetry, and poetic games involving riddles and debates.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

PANITIKAN

Ang salitang ito ay nagmula sa salitang Latin na literature na may kahulugang


kasulatan na nabuo ng mga sulat. Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang
pang-titik-an na kung saan ang unlaping pang ay ginamit at hulaping an.

Mga Akdang Pampanitikan


Sa panahon ngayon, nawawalan na ng pagpapahalaga sa ating sariling panitikan. Ito
ay dahil sa patuloy na paggalawa at pagbago ng mundo kung saan ang kultura ay
sabay rin na nagbabago ang kultura. Makikita naman natin ito sa wika pa lamang at
pinipili na ng karamihan ang mga panitikan na nagmumula sa mga ibang dayuhan.
Kaya upang maibalik natin ang buhay ng ating sariling panitikan, kailangan natin ito
bigyang pagpapahalaga simula sa ating mga sarili pa lamang. Ipalaganap natin ito sa
pamamagitan ng paggamit ng sarili nating wika kung kaya naman natin. At sa mga
simpleng “quotes” na makikita sa mga ating panitikan, pwede doon magsimula at
makukuha natin ang kanilang atensyon.

Sa ating makabagong panahon nararapat lang natin isa buhay at pag-aralan ang mga
pinagpasa-pasahang panitikan sa ating henerasyon. Mas tangkilikin natin ang ating
mismong panitikan katulad ng mga nobela at mga epikong babasahin. Alam naman
natin na magaganda rin ang mga panitikan sa ibang mga bansa na marami ring
tumatangkilik sa ating bansa gayunpaman dapat nating manghikayat na dapat
tanggapin at mahalin ang mga magaganda gawang literatura ng ating mga Pilipino. Sa
simpleng pagbabahagi ng mga gawang literatura ng ating mga Pilipino sa social
media, ito ay maaring magbigay ng simpleng inspirasyon sa ating mga kabataan na
kung bakit natin kailangan pahalagahan ang ating panitikan. Pwede rin nating ituro ito
sa mga nakakabatang kapatid o kamag-anak ang mga panitikang ito upang mapaunlad
ang sarili nilang pag-iisip. Sa paraang ito ay mapapanatili at mapapaunlad ang ating
mga panitikan habang ito’y pasalin-salin sa bawat henerasyon.

Ano nga ba ang Panitikan?


Ang aral ay karaniwang ibinibigay sa paraang wakas sa pamamagitan ng kasabihan o
salawikain. Ang panitikan ay isang masining na paghahayag batay sa paggamit ng
salita at kapwa nakasulat at oral na wika. Ito rin ang pangalan ng isang pang-
akademikong paksa at ang pangalan ng teorya na nag-aaral ng mga akdang
pampanitikan. Ang aralin ay madalas na nagtatapos sa isang salawikain o isang
parirala. Ang mga damdamin, karanasan, at kagustuhan sa isip ay sinasabi o
ipinahahayag sa pamamagitan ng panitikan.

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,mga damdamin mga


karanasan hangarin at diwa ng mga tao. Karanasan at panaginip ng sangkatauhan na
nasusulat sa masining o malikhaing paraan. Sa pamamagitan ng estetikong anyo at
kinaapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan, natitiyak
ang kawalang-maliw nito. Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito isinisiwalat ng tao sa
malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, daigdig at pinapangarap.

ANYO NG PANITIKAN
May dalawang pangunahing anyo ang panitikang Filipino: tuluyan at patula. Ang
tuluyan ay panitikang nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap. Ang patulang
panitikan naman ay nasusulat nang may sukat, taludtod, at saknong.

1.Pabula- mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit ang layun gisingin
ang isipan ng mga mambabasa, higit ng mga bata makahuhubog sa kanilang ugali at
pangunahing tauhan kuwentong ito. sa mga pangyayar bilang m pagkilos. Tampok
ang mga hayop

2. Parabula kuwento o salaysay na hango sa banal na kasulatan na mailarawan ang


isang katotohanang moral o ispiritwal sa paraan.

3. Alamat - salaysaying hubad sa katotohanan; tungkol sa pinagmulan ng mga bagay


ang paksa nito.

4. Maikling kuwento-salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari sa


kakintalan.

5. Anekdota - mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling


salaysaying ito na ang tanging layunin nito ay makapagbigay-aral sa mga mambabasa.

6. Sanaysay- pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang


paksa, suliranin o pangyayari.

7.Dula- itinatanghak sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nihahati ito sa ilang yugto,


at sa bawat yugto ay maraming tagpo.

8.Talambuhay- tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Maaring ito'y pang-iba o


pansarili.

9.Nobela- mahabang salaysaying nahahati sa mga kabanata. Hango sa tunay na buhay


ng tao ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang panahon. Ginagalawan ito ng
maraming tauhan.

11. Balita - isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan,


pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa
buong bansa o maging sa ibayong dagat.

Uri ng Akdang Patula

1. Tulang Pasalaysay ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga tagpo o pangyayari


sa buhay, halimbawa'y ang kabiguan sa pag-ibig, ang mga suliranin at panganib sa
pakikidigma o kagitingan ng mga bayani.

a. Epiko nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat


nauukol ito sa mga kababalaghan. Ito'y nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan na
naging matagumpay laban sa mga panganib at kagipitan.
b. Awit at korido - mga paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran. Mga pangunahing tauhan nito ay mga hari't reyna. prinsipe't
prinsesa na nagkakaisa sa kaharian. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit
nang mabagal sa saliw ng gitara, samantalang ang korido'y may sukat na 8 pantig at
binibigkas sa kumpas ng martsa
c. Balad-may himig na awit dahil ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay
nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan, nagpapasama na ito sa tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig
2. Tulang Liriko-ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni, pangarap
at iba't ibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng ibang tao. Ang uring
ito ng tula ay maikli at payak.

a. Awiting bayan ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o


pamimihagti, pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.

b. Soneto-tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw


na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito'y naghahatid ng aral sa mambabasa.

c. Elehiya nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan o kaya tula


ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

d. Dalit awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting


pilosopiya sa buhay.

e.Pastoral - may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

f. Oda nagpapahayag ng isang papuri o panaghoy o iba pang masiglang damdamin;


walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

3. Tulang Pandulaan - katulad ito ng karaniwang dula, ang kaibanahan nga lamang
ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang patula. Maaaring
isama sa uring ito ang mga tulang binibigkas sa sarswela at komedya.

a. Trahedya uring dulang angkop sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o


pagkawasak ng pangunahing tauhan.

b. Komedya isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay


may layong pukawin ang kawilihan ng manonood. Nagwawakas ito nang masaya.
Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na
nakapagpapasaya sa damdamin ng manonood.

c. Melodrama-karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang


opera. Ngunit ngayon, ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa
komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit naging kasiya-siya
ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula.

d. Parsa (Farce)- uri ng dula na may layuning magpasaya sa pamamagitan ng mga


kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa.

e. Saynete(Sketch) - uri ng dula na ang pinapaksa ay mga karaniwang pag-uugali ng


tao o pook.
4. Tulang Parnigan kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo, at balagtasan.

a. Karagatan - ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog


ahangaring mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya sa dagat sal niya
ang mga binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang
makakakuhay pakakasalan niya. Sa larong ito, isang kunwa'y matanda ang tutula
hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may
tandang puti. Ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay tatanungin ng
dalaga ng mga talinghaga.

b. Duplo-ito ang humalili sa karagatan. Ito'y paligsahan ng husay sa pagbigkas at


pangangatuwiran ang patula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga
sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro ito upang aliwin ang mga
namatayan.

c. Balagtasan - ito ang pumalit sa duplo at ito'y sa karangalan ng "Sisne ng Panginay


na si Francisco "Balagtas" Baltazar". Ito'y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula,
bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.

You might also like