0% found this document useful (0 votes)
120 views6 pages

Ap 10

1st quarter exam

Uploaded by

CHONA VERGARA
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
120 views6 pages

Ap 10

1st quarter exam

Uploaded by

CHONA VERGARA
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 6

FIRST PERIODICAL TEST IN ARALING PANLIPUNAN GRADE 10

Pangalan:_____________________________________________
Paaralan:_____________________________ Iskor:_________

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang pinaka tamang sagot.
1. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung
A. kilalang tao ang mga kasangkot
B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?


A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi
nakaaapekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa
lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa
pamumuhay ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan.

3. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan,


pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan
B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan

4. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?


I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I, II, III B. I C. I, II, III, IV D. I, II

5. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong


isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III

6. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong


panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV C. I, II
7. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting
mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain.
II. Damdaming makabayan.
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV
8. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?
A. tahanan B. paaralan C. palengke D. pabrika

9. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________


A. Fuel wood harvesting C. Illegal mining
B. Illegal logging D. Global warming

10.Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng


basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang
A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura

11.Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin sa


basura at may adbokasiyang zero waste.
A. Greenpeace C. Mother Earth Foundation
B. Bantay Kalikasan D. Clean and Green Foundation

12.Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on Climate
Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa Pilipinas?
A. Republic Act 7586 C. Republict Act No. 9729
B. Executive Order No. 23 D. Republic Act No. 8749

13.Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong mapasidhi


ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?
A. Republic Act 2706 C. Republic Act 2649
B. Presidential Decree No. 705 D. Presidential Decree No. 1153

14.Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at mga
yaman nito.
A. The Chainsaw Act
B. Indigenous People’s Rights Act
C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. National Cave and Resources Management and Protection Act

15.Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang


epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit

16.Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?
A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit

17.Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang kaagapay ng
pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan?
A. mga NGO C. mga pulis
B. mga katutubong Pilipino D. mga forest rangers

18.Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay
nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Paglipat ng pook tirahan C. Pagdami ng populasyon
B. Illegal na pagtotroso D. Illegal na pagmimina
19.Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas
ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
A. pagbaha
B. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
C. pagguho ng lupa
D. lahat ng nabanggit

20.Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,


kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
A. Hazard B. Disaster C. Risk D. Resilience

21.Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring
maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagbagsak ng ekonomiya
B. Pagtaas ng bilihin D. Pagdami ng basura

22.Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon
ng sakuna, kalamidad, at panganib.
A. Hazard Assessment C. Disaster management
B. Capacity management D. Disaster

23.Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at
kalamidad?
A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong
sektor.
B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian, at
sa kalikasan.
D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.

24.Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa pagkamit ng isang maayos na


lipunan?
A. Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral.
B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan nang maayos
ang kani-kaniyang responsibilidad.

25.Alin sa sumusunod ang dapat gawin sa paghahanda sa pagdating ng bagyo at iba pang
kalamidad?
A. Laging buksan ang radyo at makinig sa pinakahuling ulat sa mga artista.
B. Magtabi ng sobrang baterya upang may kapalit.
C. Makinig sa haka-haka o tsismis sa lagay ng panahon.
D. Talian ng matibay na lubid o alambre ang mga haligi ng bahay at bubong upang
hindi tangayin ng hangin.

26.Bakit mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan?


A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mailigtas ang maraming ari-arian.
C. Hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na plano ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.

27.Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?


A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana
B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana
D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng pagbaha

28.Ano ang nararapat gawin kapag inabutan ng baha sa daan?


A. Maglaro sa baha C. Humanap ng ibang daan
B. Lumangoy sa baha D. Subuking tawirin ang baha

29.Si Mang Fernan ay nakatira malapit sa Bulkang Taal. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas

30.Alin ang isinasagawa sa paaralan upang maiwasan ang ano mang sakuna kung may
lindol?
A. athletic meet C. fire drill
B. earthquake drill D. fun run

31.Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa pagbaha?
A. karton C. malaking gallon
B. malaking bag D. paying

32.Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon
at kasama ang inyong bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung
naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig
C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana

33.Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?


I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III. pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

34. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol
sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III

35. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng


Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakatataas na kinauukulan.
B. Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galing sa nakatataas na
kinauukulan
C. Pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga
maaaring maging epekto ng bagyong paparating.
D. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng
pamayanan ay nabibigyang pansin.
36.Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng bottom-up approach?
A. Ang kaunlaran ng isang pamayanan ay nakasalalay sa kakayahan ng mga
mamamayan na simulan at panatilihin ito.
B. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng
pamayanan ay nabibigyang pansin.
C. Pananaw lamang ng namumuno ang nabibbigyang pansin sa paggawa ng plano.
D. Nakasalalay sa kamay ng mga mamamayan ang responsibilidad sa pagbabago.

37.Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng kahinaan ng top-down approach?


A. Limitado ang pagbuo sa disaster risk management plan dahil tanging ang
pananaw ng mga namumuno ang nabibigyang-pansin sa pagbuo ng plano.
B. Nabibigyang-pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga
hazard at kalamidad.
C. Madaling nakararating ang mga plano at dapat gawin kapag mayroong mga
sakuna.
D. Ang mga suluraning dulot ng kalamidad ay madaling nabibigyan ng solusyon.

38.Ang yugtong ito ay binubuo ng mga gawain na naglalayong maibalik sa dating


kaayusan ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad.
A. Paghahanda sa Kalamidad C. Pagtugon sa Kalamidad
B. Rehabilitasyon sa Kalamidad D. Paghadlang sa Kalamidad

39.Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa


iba’t ibang kalamidad.
A. Pagtataya ng Kapasidad C. Pagatataya ng Peligro
B. Pagtugon sa Kalamidad D. Paghahanda sa Kalamidad

40.Ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM Plan ay tinatawag na ________


A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
C. Pagtugon sa Kalamidad
D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad

41.Nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng pagtataya ng panganib o hazard
assessment at pagtataya ng kakayahan o capability assessment.
A. Paghahanda sa Kalamidad
B. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
C. Pagtugon sa Kalamidad
D. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad

42.Layunin ng Paghahanda sa Kalamidad ang sumusunod maliban sa:


A. magbigay impormasyon C. magbigay ng pagbabago
B. magbigay payo D. magbigay ng panuto

43.Sa pagsasagawa ng pagtatasa ng kakulangan at kahinaan o vulnerability assessment,


mahalaga na masuri ang sumusunod na salik maliban sa:
A. Elementong nalalagay sa peligro
B. Lokasyon ng mga mamamayang nasa peligro
C. Mamamayang nalalagay sa peligro
D. Lokasyon ng mga elementong nasa peligro

44.Ito ay isang paraan sa pagsasagawa ng hazard assessment kung saan sinusuri ang
mga panganib na nararanasan sa lugar at ang antas ng pinsala.
A. Hazard Mapping C. Hazard Profiling
B. Historical Profiling D. Risk Management
45.Ang gawaing ito ay isinasagawa upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang
malawakang pinsala nito sa pamamagitan ng aktibong pakikibaghagi ng mga
mamamayan.
A. Community Based Disaster Risk Reduction Management Approach
B. Community Preparedness and Risk Management Approach
C. Philippine Disaster Risk Management
D. Philippine Disaster Risk Reduction Management Council

46.Sa pagbuo ng CBDRRM plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng
isang lugar upang maging handa sa pagtama ng iba’t ibang panganib at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng personal plan para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at tulungan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pampinansiyal upang matustusan ang pangangailangan
ng mga tao.

47.Bahagi ng Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad ang mga hakbang at gawain na


nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang
pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A. Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod sa
pampamahalaan
B. Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang
komunidad
C. Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing
pangangailangan at gamut

48.Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Upang maging matagumpay


ang CBDRRM Approach nangangailangan ito ng masusing pagpaplano at ___________
A. tapat na pinuno
B. suporta ng mga Non-Governmental Organizations
C. sapat na pondo
D. pakikibahagi ng lahat ng sektor ng lipunan

49.Ang pagbuo ng CBDRRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng


pagtukoy sa mga pangangailangan ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunud-
sunud sa mga yugto ng pagbuo nito?
I. Paghahanda sa Kalamidad
II. Pagtugon sa Kalamidad
III. Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad
IV. Paghadlang at Mitigasyon sa Kalamidad
A. I, II, III, IV B. IV, I, II, III
B. II, I, III, IV D. I, IV, II, III

50.Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga


mamamayan upang maging handa sa mga kalamidad?
A. Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan
ang mga mamamayan.
B. Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan sa pamayanan.
C. Ipagbigay alam ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan na maaring
magdulot ng kapahamakan.
D. Magsagawa ang mga pinuno ng pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at
tulong sa mga maaapektuhan.

You might also like