Government Property
NOT FOR SALE
  NOT
                                                                   9
                         Filipino                                  11
            Unang Markahan - Modyul 3
        Pagsusuri sa Mga Pangyayari, at ang
         Kaugnayan Nito sa Kasalukuyang
                Lipunang Asyano
                         (design your own cover page)
           Department of Education ● Republic of the Philippines
Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 3,Wk.3 - Module 3: Epiko
First Edition, 2020
       Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
       Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro
Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD.,CESO V
                        Development Team of the Module
Author:             Celia C. Gornez
Reviewers/Evaluators/Editors:             (Fe B.Reponte_Rossell S. Areola)
Illustrator and Layout Artist:
Management Team
Chairperson:    Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
                Regional Director
Co-Chairpersons:     Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V
                     Asst. Regional Director
                     Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
                     Schools Division Superintendent
                     Nimfa R. Lago,PhD, CESE
                     Assistant Schools Division Superintendent
                     Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD
Members              Neil A. Improgo, EPS-LRMS
                     Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
                     Henry B. Abueva OIC-CID Chief
                     Levi M. Coronel, EPS-Filipino
                     Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
                     Meriam S. Otarra, PDO II
                     Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Iligan City
Office Address:       General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax:              (063)221-6069
E-mail Address:    iligan.city@deped.gov.ph
                                                                                9
                          Filipino
             Ikatlong Markahan- Modyul 3
         Pagsusuri sa mga Pangyayari, at ang
          Kaugnayan Nito sa Kasalukuyang
                   Lipunang Asyano
           This instructional material was collaboratively developed and reviewed
   by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
   We encourage teachers and other education stakeholders to email their
   feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
   at action@ deped.gov.ph.
        We value your feedback and recommendations.
        Department of Education ● Republic of the Philippines
This page is intentionally blank
                        Talaan ng Nilalaman
                                              Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya     ………………………………              1
Nilalaman ng Modyul      ………………………………              1
Alamin                   ………………………………              1
Pangkalahatang Panuto    ………………………………              1
Subukin                  ………………………………              2
Aralin     1             ………………………………
           Balikan       ………………………………
           Tuklasin      ………………………………
           Suriin        ………………………………
           Pagyamanin    ………………………………
           Isaisip       ………………………………
           Isagawa       ………………………………
Aralin 2                 ………………………………
           Balikan       ………………………………
           Tuklasin      ………………………………
           Suriin        ………………………………
           Pagyamanin    ………………………………
           Isaisip       ………………………………
           Isagawa       ………………………………
Buod                     ………………………………
Tayahin                  ………………………………
Karagdagang Gawain       ………………………………
Susi ng Pagwawasto       ………………………………
Sanggunian               ………………………………
Aralin 3                 ………………………………              4
           Balikan       ………………………………              4
           Tuklasin      ………………………………              4
           Suriin        ………………………………              5
           Pagyamanin    ………………………………              7
           Isaisip       ………………………………              7
           Isagawa       ………………………………              7
Buod                     ………………………………              9
Tayahin                  ………………………………              9
Karagdagang Gawain       ………………………………
Susi ng Pagwawasto       ………………………………              10
Sanggunian               ………………………………              11
This page is intentionally blank
                                           Modyul 3
                              Konseptong Pangwika 3
      Pangkalahatang Ideya
        Mahusay! Nagtagumpay ka! Ngayon maaari mo akong samahan
na maglakbay sa Timog Kanlurang Asya, puntahan at alamin natin ang
panitikan ng India. Tulad ng maraming bansa sa mundo, mayaman din
ito sa mga kdang pampanitikan tulad ng epiko. Sa panitikang ito
masasalamin sa kanilang mga naisulat ang kanilang mga pangarap,
mithiin, paniniwala, kultura at tradisyon.
      Nilalaman ng Modyul
          Sa araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-
uunawa sa epiko mula sa India na may pamagat na “Rama at Sita” na
isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva. Bibigyang-tuon din kung paano
maipakikita sa mga epiko ang kabayanihan ng isang tao. Ang
pangangalaga ng dangal ng tao at paghahatid sa mga pagpapasyang
moral.
             Alamin
Sa katapusan ng aralin, inaasahan ang mag-aaral ay masining na nakapaglalarawan
sa mga natatanging kulturang Asyano na masasalamion sa epiko. (F9PB-IIIg-h-54)
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
            Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
            Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
            Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.
Icons na Ginagamit sa Modyul
              Alamin      Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
                          mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
                          na ito.
                          Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
              Subukin     tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
                          masususuri kung ano na ang iyong natutunan
                          kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
                          Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
              Balikan     pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
                          mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
                          na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
                          Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
              Tuklasin    pamamagitan ng iba’t ibang gawain
              Suriin      Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at
                          nararapat mong matutunan upang malinang ang
                          pokus na kompetensi.
              Pagyamani   Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong
              n           natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
                          ang kasanayang nililinang.
              Isaisip     Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong
                          mahahalagang natutunan sa aralin.
              Isagawa     Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang
                          mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
                          mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.
                     Subukin
                     Gawain 1. Name the Picture Game
                   Mahuhulaan mo ba?
1. Ako ay isang relihiyosa.
Pag-ibig ko’y ipinadama sa tao.
Nakilala ako sa buong mundo.
sa taguring the Living Saint ay Sagot: ________________
makilala ako nang ako’y buhay
pa.
Sino ako?
2. Simbolo ito ng pagmamahal .
Gusaling ipinagawa ni Shah
Jahan upang magsilbing
libingan ng kaniyang asawang
si Mumtaz Mahal.
Ano ito?
                                Sagot: _________________
3. Isa itong bansa sa Timog
kanlurang Asya
Si Pratibha Patil ang pangulo
nila
Kahanga-hanga kanilang
pilosopiya
Kagandahan, katotohanan at
kabutihan
Ito ang kanilang
pinahahalagahan               Sagot:________________
Anong bansa ito?
4.Pinakatanyag na pagbati ng
mga Hindu
Isinasagawa kapag bumabati o
namamaalam
Ang dalawang palad ay
pinagdaraop at nasa ibaba ng
mukha.
Mahuhulaan mob a kung anong
salita ito?
                                    Sagot: ________________
                 Rama at Sita (Isang Kabanata)
                      Epiko-Hindu (India)
                Isinalin sa Filipino ni Rene O.
   Aralin       Villanueva
      3
              Balikan
              Napag-aralan mo na sa nakaraang aralin ang tungkol sa
              epiko. At nagamit mo na ang iyong matalas na pag-iisip
              at pag-uunawa sa pagbibigay ng paghihinuha sa mga
              pangyayari sa akda kung ano ang maaaring kinalabasan
              nito. Ngayon, karugtong ng pagtalakay ng epiko ihanda
              ang iyong sarili at isip sa ating paglalakbay muli sa
              Timot Kanlurang Asya.
              Tuklasin
          Ngayon, mag-isip naman kayo ng mga salitang
magpapakilala o may kaugnayan sa India
                               INDIA
        Natuklasan natin na ang India ay mayaman sa kultura, paniniwala,
pananampalataya at pakikipagkapwa. Bakit kaya kailangan nating malaman ito?
Paano mo mapahahalagahan ang kultura at mga paniniwalang ito?
                   Suriin
             Kaya, basahing mabuti at unawain ang panitikang “Rama at Sita” na
isangepiko ng India.Pagkatapos mabasa ang akda sagutin ang mga tanong sa
ibaba.
                         Rama at Sita (Isang Kabanata)
                                Epiko-Hindu(India)
                    Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon
sila mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa
kanila. Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si
Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “
Gusto kitang maging asawa”, sabi nito kay Rama. “ Hindi maaari sabi ni
Rama, “ may asawa na ako”Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya.
Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si
Surpanaka.Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para
patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang
nakalayo kay Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang
kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “ Sino ang
may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi
niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya
itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin daw
niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan mo
ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.”
Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid. Pumayag siyang
ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang
sarili sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama
at Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “ Kakampi
nila ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita
nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nagisip
sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang
gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang
usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,”
paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama
ang kanyang pana at busog. “ Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang
mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni
Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “ Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si
Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. « Hindi,
kailangan kitang bantayan,”sabi nito.Ilang oras pa silang naghintay nang bigla
silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero
ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro gusto mong
mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.”sabi nitokay Lakshamanan.
Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang mahal niya
ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na
sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa.
Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot
ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi nakapagpigil si
Ravana.“ bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna ng
Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana.
Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwahen
hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si
Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang
buhok.Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at
mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni
Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang
agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito
bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila.Pagkatapos ay
naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.Dinala ni
Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin
mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.”,Sabi ni Ravana.
Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang
Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero
mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si
Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni
Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang
makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa
asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.
Pagsasanay 1.Sagutin ang mga tanong.
      1. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
      2. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang maagkapatid na Rama?
      3. Ipaliwanag at bigyang patotoo ang pilosopiya ng India na “Pinagpapala ng
         Diyos ang maganda, maalino, at kumikilos nang naayon sa lipunan.”
      4. Ano ang mga kulturang Asyano ang makikita sa binasa? Ihambing ito sa
         kultura ng bansang Pilipinas.
               Pagyamanin
               Pagsasanay 2. Punan ng sagot ang loob ng kahon.
Mga pangyayari ng akda                       Kulturang may pagkakatulad sa
                                             Pilipino
1..
2.
3.
                          Isaisip
              Unawain at pagnilayan ang pahayg na ito.
              1. Paano nagkakatulad ang epiko ng mga bansa sa Silangang Asya?
              2. Masasalamin ba sa epiko ang pilosopiya ng India? Patunayan.
        Isagawa
  Pumili ng isang tauhan sa epikong nabasa o alinmang epiko. Magsaliksik tungkol
sa kanyang kasuotan at sikaping makakuha nito. Almin din ang pakikipagsapalaran
na kaniyang pinagdaanan at pinagwagihan sapagkat sasabihin ninyo ito sa inyong
pagtatanghal. Magkakaroon kayo ng pagtatanghal ng kasuotan ng bayani ng epiko.
Kayo ang gaganap na mga tauhan sa epiko na napili ninyo. Ang inyong pagganap
batay sa sumusunod na pamantayan, kasuotan o props, pagganap ng tauhan,
kulturang lumitaw sa epiko.
 RUBRIKS PARA SA PAGTATAYA NG PAGTATANGHAL NG KASUOTAN AT MGA T
                         AUHAN SA EPIKO
                                            Kasiya-siya (4)         Hindi Kasiya-siya (3)
                     Lubhang
                     kasiya-siya (5)
Kasuotan             Naaangkop ang mga      May mga tauhang         Hindi angkop ang
                     kasuotang ginamit ng   angkop ang              kasuotang ginamit ng
                     mga                    kasuotan, may ilang     lahat ng tauhan
                     tauhan.                tauhang hindi wasto
                                            ang kasuotang
                                            ginamit.
                     Naaangkop ang lahat    May ilang props na      Hindi angkop lahat ng
Props                ng ginamit             hindi angkop ang        props na
                     Na props.              Pagkakagamit.           ginamit.
                     Makatotohanan at       Hindi naging            Hindi naging
Pagkakaganap ng      kapanipaniwala ang     makatotohanan at        makatotohanan at di-
Tauhan               pagkakaganap ng        kapanipaniwala ang      kapanipaniwala ang
                     mga tauhanmula         pagkakaganap ng         pagkakaganap ng
                     saapananalita,         ilang tauhan mula sa    mga tauhan
                     galaw, at              pananalita, galaw, at   Mula sa pananalita,
                     ekspresyon ng mga      ekspresyon ng mga       galaw, at
                     mukha.                 mukha.                  ekspresyon ngmga
                                                                    mukha.
                     Buong linaw na         Hindi gaanong           Walang naipakitang
                     naipakita ang          malinaw ang kultura     kultura ng bansang
Kulturang            kultura ng bansang     ng bansang              pinanggalingan ng
pinalutang sa akda   pinanggalingan ng      pinanggalingan ng       akda.
                     akda.                  akda.
Buod
Ang epiko o epic sa Wikang Ingles ay isang uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t
ibang etniko na tumatalakay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan laban sa mga
katunggali nito.
Isa ang India sa mga bansang nasa Timog Kanlurang Asya. Hindi lingid sa
karamihan na ang bansang ito ay may napakaraming tradisyon. Halos sa loob ng
apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga
Hindu. Ang mga ito ang pumukaw ng interes ng mga dayuhang manlalakbay. Tulad
halimbawa ng Namaskar o Namaste ay ang pinakatanyag na uri ng pagbati ng mga
Hindu. May pagkakaiba at pagkakatulad man dapat pahalagahan ang kultura at
paniniwala dahil ito’y tatak ng bawat bansa. Mananatiling buhay hanggang sa
kasunod na salinlahi.
             Tayahin
             Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
             1. Ang ugaling makikita sa katauhan ni Ravana.
                    a. Mabait       b. maunawain          c. masama
             2. Ano ang sinasagisag ni Sita sa akda?
                        a. Ulirang asawa
                        b. Talusaring asawa
                        c. Palamarang asawa
             3. Alin sa pahayag ang pilosopiya ng Hindu?
                       a. Kapag may isinuksok may madudukot
                       b. Kung ano ang itinanim siyang aanihin
                       c. Kung ano ang puno siyang bunga
             4. Anong uri ng panitikan ang Rama at Sita?
                       a. Alamat       b. epiko      c. kwentong- bayan
             5. Ano-anong kulturang Asyano ang makikita sa epiko “Rama at
                Sita?”
                        a. Pagmamalasakit at ang matibay na ugnayan
                        b. Pagigig matapang at makapangyarihan
                        c. Pagiging magalang at bukas-palad
 Susi ng Pagwwasto
Subukin
 1. Mother Teresa
 2. Taj Mahal
 3. India
 4. Namaste
Pagsasanay 1.
  Nasa guro ang pagwawasto
Tayahin
   1. C
   2. A
   3. B
   4. B
   5. A
Mga Sanggunian
           Romulo N. Peralta, Donabel c. Lajarca et al. Panitikang Asyano 9 na
            Baitang Modyul ng Mag-aaral, Unang Edisyon, Vibal Group Pubishing
            House, Pasig City 2014
  For inquiries and feedback, please write or call:
  Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
  DepEd Division of Cagayan de Oro City
  Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro
  Telefax:            ((08822)855-0048
  E-mail Address:     cagayandeoro.city@deped.gov.ph