0% found this document useful (0 votes)
62 views13 pages

Araling Panlipunan

Grade 9 1st quarter

Uploaded by

kirainakinu
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
62 views13 pages

Araling Panlipunan

Grade 9 1st quarter

Uploaded by

kirainakinu
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 13

ARALING PANLIPUNAN

KAHULUGAN NG EKONOMIKS
 Pag-aaral kung paano tutugunan ang walang hanggang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
 Pangunahing layunin nito ang pagtugon sa suliranin ng KAKAPUSAN.
Nanggaling sa salitang Griyego na:

KAKAPUSAN(SCARCITY)
 Hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman upang mapunan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao
KAKULANGAN
 Pansamantalang hindi kasapatan ng pinagkukunang-yaman na kayang
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Mga Dahilan ng Kakapusan
 Maaksayang paggamit ng pinagkukunang-yaman.
 Non-renewability ng ilang pinagkukunang-yaman.
 Kawalang-hanggan ng pangangailangan ng tao.
KASIYAHAN(SATISFACTION)
 Dinudulot sa tao dahil sa mabuting pasya.
DUSA(SUFFERING)
 Dinudulot sa tao dahil sa di-mabuting pagpapasya.
Ninanais ng tao ang maging masaya at iniiwasan ang pagdurusa.
Pinipili ng tao ang bagay na nagdudulot ng LUBOS na pakinabang.
PAGKAKAIBA NG PANGANGAILANGAN AT KAGUSTUHAN
PANGANGAILANGAN
 Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay
 Kung ioagkakait ito maaring magdulot ng sakit o kamatayan
KAGUSTUHAN
 Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maari tayong mabuhay kahit
wala ito

Herarkiya ng Pangangailangan ni Abraham Harold Moslow


SELF-ACTUALIZATION
 need for development creativity, growth.
SELF-ESTEEM
 need for self-esteem, power, control, recognition.
LOVE/BELONGING
 need for love, belonging, inclusion.
SAFETY
 need for safety, shelter, stability.
PHYSIOLOGICAL
 need for air, food, water, health.
Mahahalagang Konsepto sa Ekonomiks
-Bahagi na ng buhay ng tao ang pagkakaroon ng mga choices.
 TRADE-OFF
-ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang
bagay.
 Sa ginagawang SAKRIPISYO ay may OPPORTUNITY COST
-tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na
handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
 INCENTIVE.
-Sa ginawang desisyon mayroong iba pang pakinabang na
maaring makaapekto sa inyong pagpili.
 MARGINAL THINKING
- paggamit ng resources ng efficient o walang sayang. Pinag-
iisipang mabuti at pinag-aaralan ang options bago
magdesisyon.

KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Bilang bahagi ng lipunan, magagamit mo ang kaalaman sa ekonomiks
upang maunawaan ang mga napapanahong isyu na may kaugnayan sa
mahahalagang usaping ekonomiko ng bansa.
Bilang kasapi ng pamilya, maaari mo ding magamit ang kaalaman sa
ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian na
mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan.
Makroekonomiks (Macroeconmics)
- ay tumitingin sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Maykroekonomiks (Microeconomics)
- ay tungkol sa galaw at desisyon ng bawat bahay kalakal at
sambahayan.

APAT NA PANGUNAHING KATANUNGANG PANG-EKONOMIYA


• Ano ang produkto o serbisyong gagawin?
• Paano gagawin ang produkto o serbisyo?
• Para kanino ang produkto o serbisyo?
• Gaano karami ang gagawing produkto o serbisyo?

Kaakibat ng kahalagahan ng ekonomiks ang kasabihang, Rational


people think at a margin.
SAMBAHAYAN
- gumagawa ng desisyon kung paano hahatiin ang limitadong resources
sa maraming pangangailangan at kagustuhan
PAMAYANAN
- kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo
ang gagawin.
PRODUKSYON
- Paglika ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan
at kagustuhan ng tao.
- Proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input)
upang mabuo ang isang produkto(output)
SALIK NG PRODUKSYON
-Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal.
PRODUKTO
LUPA
MANGGAGAWA
KAPITAL
ENTREPRENYUR

LUPA (LIKAS YAMAN)


- Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan.
MANGGAGAWA (LAKAS PAGGAWA)
- Tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo
- Tumutukoy sa mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa
paglikha ng mga kalakal o paglilingkod.
 MGA URI NG LAKAS-PAGGAWA
a) WHITE-COLLAR JOB
- kakayahang mental
b) BLUE-COLLAR JOB
- kakayahang pisikal
KAIPTAL (YAMANG KAPITAL)
- Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal at
paglilingkod.
- Tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto
 URI NG KAPITAL AYON SA PAGPAPALIT ANYO
a) CIRCULATING CAPITAL
- Mabilis magpalit-anyo at mabilis maubos
b) FIXED CAPITAL
- Hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit
ENTREPRENYUER
- Tumutukoy sa mga taon namamahala sa ibang salik ng produksyon
- Tinatawag ring bilang negosyante
 KATANGIAN NG MATAGUMPAY NA ENTREPRENYEUR
a) Kakayahan sa pangangasiwa ng negsyo.
b) Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamailihan.
c) May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan
ng negosyo.

HALAGA NG PRODUKSYON
LUPA=UPA
MANGAGAWA=SAHOD
KAPITAL=INTEREST
ENTREPRENYUR=INTEREST

URI NG HALAGA NG PRODUKSYON


FIXED COST
Mga gastusin na hindi nagbabago kahit mataas o walang produksyon
VARIABLE COST
Mga gastusin na nagbabago habang tumataas ang produksyon
TOTAL COST
Kabuuang gastusin ng produksyon
MARGINAL COST
Tumutukoy sa karagdagang gasstos-pamproduksyon
KONSEPTO AT SALIK NG PAGKONSUMO

PAGKONSUMO
Pagbili at paggamit sa mga kalakal o serbisyo upang tugunan ang kanilang
pangangailangan.
Kasiyahan (Satisfaction)
Dinadanas ng isang tao kapag natutugunan ang pangangailangan

Paraan ng Pagkonsumo
 Direct Consumption(Tuwirang Pagkonsumo)
- Pagkonsumo ng mamimili
- Agad na nakukuha ang kasiyahan mula sa produkto
 Consumption goods
- Mga produktong kinokunsumo ng mamimili

 Indirect Consumption (Di-Tuwirnag Pagkonsumo)


- Pagkunsumo ng BAHAY-KALAKAL
 Intermediate goods
- Produktong kinokonsumo ng bahay-kalakal

Uri ng Pagkonsumo
 DIREKTA
- Agarang natatamo ang kasiyahan at kapakinabangan sa paggamit o
pagbili ng produkto o serbisyo.
 PRODUKTIBO
- Ang layunin ng paggamit o pagbili ng produkto ay upang makabuo ng
panibagong bagay na kapakipakinabang.
 MAAKSAYA
- Sobra o labis kung ihahambing sa kanyang pangangailangan o
kagustuhan.
 MAPAMINSALA
- Kung ito ay nagdudulot ng pinsala o banta lalo na kalusugan ng taong
gumagamit nito.
Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo
• Pagbabago ng Presyo
-Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag
mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang
kanilang binibili kung mataas ang presyo nito.
• Kita
- Habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang
kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang
banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng
kakayahang kumonsumo.
• Mga Inaasahan
-Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng
kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon
bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap.
• Pagkakautang
- Magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan
ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo.
• Demonstration Effect
- Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood
sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo.
Mga Batas ng Pagkonsumo
1. Batas ng Pagkakaiba (Law of Variety)
- Nagpapaliwanag kung bakit ang bawat mamimili ay iba-iba ang binibili
at ginagamit na uri o klase ng produkto.
2. Batas ng Pagkakabagay (Law of Harmony)
- May mga pagkakataon na ang tao ay nais na bumili ng mga bagay na
nababagay sa isa’t isa.
3. Batas ng Imitasyon (Law of Imitation)
- Ang tao ay mahilig manggaya at ito ang dahilan kung bakit
nagbabago ang ating pagkonsumo sa mga produkto at serbisyo.
4. Law of Economic Order
- Ang pagpapasya na bigyan ng prayoridad ang mas mahalagang bagay
o pangangailangan kaysa sa mga luho
Karapatan at Tungkulin ng mga Mamimili

Mamimili
- Tumutukoy sa taong bumibili at gumagamit ng mga produkto
at serbisyo
- Tinatawag din sila bilang konsymer

Mga Katangian ng MATALINONG MAMIMILI


• MAPANURI
- Sinusuri ang produktong bibilhin
• NAGHAHANAP NG MGA ALTERNATIBO
- marunong humanap ng pamalit na kalakal na makatutugon din sa
pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili.
• HINDI NAGPAPADAYA
- laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa
pagsusukli at paggamit ng timbangan.
• MAKATWIRAN
- Isinasaalang-alang niya ang presyo at kalidad sa pagpili ng isang
produkto.
- Inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang.
• SUMUSUNOD SA BADYET
- Tinitimbang ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet.
- Hindi nagpapadala sa popularidad ng produkto
• HINDI NAGPAPADALA SA ANUNSIYO
- Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi
nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer.
• HINDI NAGPAPANIC BUYING
- pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang
mapataas ang presyo
- ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng
sitwasyon.
Mga Batas na Nagbibigay Proteksyon sa Mamimili

Republic Act 7394


(Consumer Act of the Philippines)
- proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili.
8 KARAPATAN NG MGA MAMIMILI
1. Karapatan na magkaroon ng pangunahing pangangailangan
- May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan,
pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang
mabuhay.
2. Karapatan na magtamo ng kaligtasan
- May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka
laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o
mapanganib sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa Patalastas
- May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at
mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at
hindi matapat na gawain.

4. Karapatan sa Pagpili
- May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa
halagang kaya mo
5. Karapatang Dinggin
- May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay
lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang
patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang Mabayaran at Matumbasan sa Anumang
Kapinsalaan
- May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na
nagbuhat sa produkto na binili mo
7. Karapatan na Maturuan Tungkol sa Pagiging Matalinong
Mamimili.
- May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol
sa iyong karapatan.
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
- May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga
kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at
maayos na pagkatao
5 TUNGKULIN NG MGA MAMIMILI
1. MAPANURING KAMALAYAN
- tungkuling maging listo at mausisa
2. PAGKILOS
- tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak
sa makatarungang pakikitungo.
3. PAGMAMALASAKIT SA LIPUNAN
- tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng
mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan
4. KAMALAYAN SA KALIKASAN
- tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran
5. PAGKAKAISA
- tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng
lakas

CONSUMER PROTECTION AGENCIES


Department of Trade and Industry (DTI)
- Nagpapatupad ng mga batas hinggil sa kalakalan at industriya
Food and Drugs Administration (FDA)
- Nangangasiwa sa pagsusuri na ligtas ang mga gamot, pagkain at mga
produktong kosmetiko na ibebenta sa pamilihan.
Environmental Management Bureau (DENR-EMB)
- Namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran laban sa polusyon
Energy Regulatory Commission (ERC)
- Nagbabantay sa mga kompanya ng kuryente, gasoline at iba pang
katulad na produkto.
Professional Regulatory Commission (PRC)
- Nangangasiwa sa mga gawain ng propesyonal tulad ng mga
accountant, doctor, engineer, atbp
National Consumer Affairs Council
-Itinatag upang paunlarin ang pamamahala, koordinasyon at
kahusayan ng pagpapatupad sa mga programang may kaugnayan sa
mga mamimili.

You might also like