Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
                SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC
Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________
Paaralan: ___________________________ Petsa: ___________________
                      GAWAING PAMPAGKATUTO
               Homeroom Guidance Program Module 12
                 Unang Markahan – Ikaanim na Linggo
                     Pag-unawa sa Sarili at Kapwa
              Kapasidad sa Paggawa ng Wastong Desisyon
I. Panimula
      Ayon kay Socrates, isang tanyag na pilosopo, “To Know Thyself is the
beginning of wisdom”. Gaano mo nga ba kilala ang iyong pagkatao? Bakit
mahalaga na maunawaan ang sarili? Mahalagang bagay sa ating buhay
na bago magsagawa ng anumang aksyon at desisyon dapat na kilalanin
muna ang ating sarili. Ang pagkilala sa sarili ay makatutulong upang
malaman din kung ano nga ba ang iyong mga mithiin. Ito rin ay maaaring
magbigay ng kasagutan sa tanong na, “saan ka patutungo?”. Kaya naman
naniniwala si Socrates na kapag lubusang kilala ang sarili, simula ito ng
pagkakaroon ng karunungan.
      Ang pagkilala sa sarili ay parang isang “compass”, itinuturo nito ang
landas ng iyong patutunguhan sa buhay. Nagbibigay ito ng direksyon kung
saan ka nga ba patutungo. Ito ay nagiging daan upang makikilala rin tayo
ng ating kapwa.
      Sa iyong pagkilala sa sarili, nakapagdudulot ito ng tunay na pag-
unawa sa ating kapwa. Ang iyong mga karanasan sa buhay tulad ng
kapighatian o kasiyahan at kabiguan o tagumpay, ang lahat ng iyong mga
karanasan ay magbubunga ng kalinawan at karunungan. Ito ay
makatutulong upang lubos na maunawaan at mapangalagaan ang
saloobin ng kapwa.
    Mahalaga na maunawaan ang ating sarili upang maipagpatuloy ang
paggawa ng wastong aksyon at desisyon. Isa itong mabisang paraan upang
matamasa ang tunay na kapayapaan sa sarili at sa kapwa.
     Tandaan na sa iyo nagsisimula ang mga desisyon na maaaring
makabuti at makasama sa iyong sarli at sa iyong kapwa. Ang kaligayahan at
kapayapaan ng iyong buhay ay sa iyo rin nagsisimula.
II. Kasanayang Pampagkatuto
     Naipaliliwanang na ang sarili ay may kapasidad na makagawa ng
tama o maling aksyon o desisyon.
      Koda: HGSPS-Ig-9
III. Mga Layunin
      Ang gawaing pampagkatuto na ito ay naglalayong malinang ang
iyong kaalaman tungkol sa kapasidad ng sarili na makagawa ng tama o
maling aksyon o desisyon.
      Inaasahan na iyong maisasagawa ang mga sumusunod na layunin:
1. matutukoy ang iba’t ibang pananaw tungkol sa kapasidad ng tao sa
paggawa ng tama o maling aksyon at desisyon
2. maipapakita ang mga paraan sa paggawa ng tamang aksyon at
desisyon
3. maibabahagi ang mga gawain na nagpapamalas ng wastong desisyon
na makatutulong sa sarili at kapwa
IV. Pagtatalakay
       Karaniwang nakikilala tayo ayon sa ating katayuan sa lipunan, sa mga
kaibigan, at sa pamilya. Nakikilala rin tayo mula sa iba’t ibang
pangangailangan ng ating katawan at sa pagpapahayag ng ating saloobin
at kaisipan.
       Ang pagkakilala ng ating kapwa sa ating pagkatao ay may kaibahan
sa tinatawag nating kamalayan sa sarili. Ang kamalayan sa sarili ay tungkol
sa tunay na pagkilala sa iyong pagkatao. Nakatutulong ang kamalayan sa
sarili upang lubusang makilala ang ating katauhan mula sa iyong
nararamdaman at isipan. Sino ka nga ba talaga? Bakit ganito ang iyong
nararamdaman? At bakit ganito ang iyong naging reaksyon at desisyon?
         Nakasaad sa Johari’s Window na ang tao ay may apat na anyo ng
sarili (the Known, Hidden, Blind, and Unknown Self) Ang Known Self ay ang
anyo ng iyong sarili na iyong nakikita at ganon din nakikita ng iba. Malaya
mong naibabahagi ang ganitong anyo ng iyong sarili sa kapwa. Ang Hidden
                                     2
Self ay anyo ng sarili na ikaw lang ang may alam. Hindi mo ito binabahagi sa
iba dahil mas gugustuhin mo na ito ay manatili lamang sa iyo. Ang Blind Self
ay anyo ng sarili na hindi mo napapansin sa iyong sarili ngunit, napapansin
ito ng iyong kapwa sa iyong pakikisalamuha. Maaari ang iyong
pagkakakilala sa saril ay isang maunawain na tao ngunit, ang iba ay hindi
sumasang-ayon dito. Ang Unknown Self ay anyo ng iyong sarili na hindi mo
pa natutuklasan at hindi pa natutuklasan ng iba sa iyo. Binubuo ito ng mga
kakayahan at talento na hindi pa nahuhubog.
       Bawat isa ay may kanya-kanyang kapasidad. Kailangan lamang na
magtiwala sa sarili sa mga desisyon na maaari mong maisakatuparan.
Tandaan na upang malaman ang iyong mga kapasidad, kailangan na
kilalaning mabuti ang iyong sarili.
      Ang mga kapasidad na mayroon ang bawat indibidwal ay maaaring
makaapekto sa sarili at kapwa. Ang kapasidad sa paggawa ng wastong
desisyon ay mahalagang pagnilayan. Kilalanin ang sarili at sikaping gumawa
ng wastong desisyon upang magkaroon ng maunlad na sarili at
pagsasamahan.
      Anu-ano nga ba ang mga paraan na makatutulong sa paggawa ng
wastong reaksyon at desisyon? Unawain ang mga sumusunod na talakayan
upang mabigyang linaw ang iyong kaisipan sa paggawa ng wastong
desisyon na makabubuti sa sarili at kapwa.
   1. Bigyang-pansin ang kahalagahan ng pagdedesisyon. Bago
      magdesisyon, dapat na mapagtanto ang maaaring maidulot nito sa
      iyong buhay at sa buhay ng iyong kapwa. Pag-isipang mabuti ang
      desiyon na gagawin. Isaisip na ang bawat desisyon ay maaaring
      magbunga ng magkakarugtong na pangyayari. Kaya nararapat
      lamang na isipin kung ito ay makabubuti o makasasama sa sarili at
      kapwa.
           Ang iyong desisyon ay mahalaga at kailangan mo itong gawin
      sa bawat sandali. Maaaring malinang nito ang iyong sarili gayundin
      naman ang mga taong nakakasalamuha. Wastong desisyon ang
      dapat na isagawa upang hindi ito pagsisihan.
   2. Isangguni ito sa mga taong pinagkakatiwalaan. Minsan may mga
      desisyon na hindi ka siguradong gawin. Marahil iyong Iniisip na ito ay
      maaaring maging dahilan ng iyong pagkakamali. Sa mga ganitong
      pagkakataon dapat lamang na ipaalam ang iyong desisyon sa mga
      taong pinagkakatiwalaan. Maaaring makatulong ang iyong pamilya
      at kaibigan upang maging wasto ang iyong mga desisyon.
           Ang kaisipan at paniniwala ng iba ay maaaring magbigay ng
      bagong pananaw. Isang magandang gawi na makinig din sa kanilang
                                     3
  mga payo. Mas lalong lumalawak ang iyong pananaw kapag
  nakakikinig sa mga bago at makabuluhang ideya. Mas lalong
  napagtitibay at napabubuti nito ang iyong desisyon.
3. Pagnilayan ang mga nakalipas na desisyon. Ang nakalipas ay
   maaaring maging basehan ng iyong mga desisyon. Tunay na
   maraming aral ang maaaring matutunan sa nakaraan. Di ba’t
   magandang pagnilayan ang mga naging desisyon sa nakalipas
   upang maging kaaya-aya ang mga desisyon sa kasalakuyan?
        Pagnilayan kung anong mga desisyon ang nagbunga ng
  magandang resulta. Pag-isipan din kung ito nga ba ay nakatulong sa
  iyong sarili at kapwa. Bigyang-pansin kung paano maiwawasto ang
  mga desiyon na ginawa sa nakalipas upang hindi na ito maulit sa
  kasalukuyan at sa mga darating pang panahon. Ang mga desisyon sa
  nakalipas ay maaaring makapagpabago ng iyong pagkatao. Kung
  kaya marapat lamang na piliin ang mga desisyong maaaring
  makapagpaunlad ng iyong pananaw sa buhay.
4. Magkaroon ng iba’t ibang pagpipilian. Ang pagkakaroon ng
   maraming pagpipilian ay makabubuti upang magkaroon ng wasto at
   tunay na kapaki-pakinabang na desisyon. Tandaan na nakasalalay sa
   iyong pagpipilian ang magandang bunga nito. Kung iisa lamang na
   desisyon ang panghahawakan maaaring maranasang magkamali. Sa
   kabilang banda ang maraming pagpipilian ay nabubunga ng kritikal
   na pag-iisip.
        Sa pagkakaroon ng kritikal na pag-iisip nabibigyan ng puwang
  ang pag-unawa sa maaring maging resulta ng iyong isasagawa. Sa
  ganitong paraan maiiwasan ang makasakit sa sarili at sa kapwa. Ang
  pagbabago ng kaisipan ay hindi maituturing na kahinaan. Bagkus, ito
  ay dapat na sanayin lalo na sa mga desisyon na kinakailangan nang
  malalim na pag-iisip.
5. Isaalang-alang ang iyong layunin at pagpapahalaga. Ang ating
   pagpapahalaga ay nakapag-uudyok ng ating mga layunin, aksyon,
   at desisyon. Samantala, ang layunin ay nagpapalinaw ng ating
   prayoridad sa buhay at nagiging gabay sa ating desisyon.
       Mainam     na    isaalang-alang  ang    iyong layunin   at
  pagpapahalaga bago gawin ang isang desisyon. Mas lalong
  magiging maganda ang kahihinatnan ng iyong desisyon kung ito ay
  nakaugnay sa iyong layunin at pagpapahalaga.
       Kung kaya pagnilayan muna ang iyong layunin at
  pagpapahalaga upang ang iyong aksyon at desisyon ay maging
  wasto at makabuluhan.
                                4
              Ang bawat isa ay may kapasidad na gumawa ng wastong
      desisyon. Kailangan lamang na maging maingat at magkaroon ng
      kritikal na pag-iisip upang ang pagsisisi ay malayong maranasan.
V. Mga Gawain
Gawain 1. Written Tasks
A.1 Panuto: Basahin ang mga pagpipilian. Piliin ang pangungusap na
nagsasaad ng wastong pamamaraan ng pagdedesisyon. Isulat ang titik sa
patlang.
__________1. A. Pakinggan ang pananaw at ideya ng iyong kapwa.
            B. Sapat na ang iyong kaisipan upang mapagtanto ang
               wastong desisyon.
__________2. A. Magdesisyon ayon sa iyong kagustuhan.
            B. Pagnilayan ang maaaring maging bunga ng iyong desisyon.
__________3. A. Isantabi ang layunin at pagpapahalaga dahil wala itong
               maitutulong sa pag-iisip ng desisyon.
            B. Ang iyong layunin at pagpapahalaga ay nagbibigay-linaw sa
                dapat isagawa sa sitwasyon.
__________4. A. Ang mga nakalipas na desisyon ay hindi makatutulong sa
               Kasalukuyan.
            B. Sa pag-iisip ng wastong paraan na isasagawa, magbalik-
              tanaw sa nakalipas na desisyon.
__________5. A. Sanayin na magkaroon ng mga pagpipilian na desisyon.
            B. Nakagugulo lamang sa isipan ang maraming pagpipilian.
A.2 Panuto: Ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon? Piliin ang wastong
sagot sa kahon. Isulat lamang ang titik sa patlang.
__________1. Madalas na magkamali sa iyong mga desisyon
__________2. Sa iyong pagdedesisyon maaaring makasakit ito sa damdamin
ng kapwa.
__________3. Ang naging desisyon sa nakaraan ay walang maidudulot na
tulong sa kasalukuyan.
__________4. Iilan na lamang sa mga kabataan ang may pagpapahalaga sa
kabutihang-asal. Ito ay nakalilimutang ipasok sa paggawa ng mga aksyon.
                                      5
__________5. Pinagwawalang-bahala ng nakararami ang maaaring maging
epekto ng desisyon sa ating kapwa. Walang pakialam sa anuman ang
magiging kahihinatnan nito.
        A. Upang di magkamali sa mga desisyon, pagnilayan ang
           maaaring maging bunga nito.
        B. Isiping mabuti ang kahihitnan ng iyong mga desisyon upang
           di makasakit sa saloobin ng ating kapwa
        C. Kailangan na pahalagahan ang maaaring maidulot ng
           desisyon sa iyong buhay at sa kapwa.
        D. Makatutulong na magkaroon ng pagpapahalaga sa
           kabutihang-asal upang ang mga desisyon ay maging wasto.
        E. Pag-isipan ang mga pangyayari sa iyong buhay lalo na ang
           iyong sa nakalipas upang sa ganon maitama ang mga
           pagkakamali.
Gawain 2. Performance Tasks
B.1 Panuto: Mag-isip ng awit na maaaring maghatid ng mensahe sa
kahalagahan ng wastong desisyon. Humango ng apat na linya sa awit at
isulat ito sa kahon sa ibaba. Magbigay ng maikling pagpapaliwanag dito
                 __________________________________________________
                                Pamagat ng Awit
     ______________________________________________________________________
     ______________________________________________________________________
     ______________________________________________________________________
       __________________________________________________________________
            Ang awit na ito ay ____________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
                                      6
                      RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
                             25                 20                   15           Puntos
                       Ang mensahe ng       Di-gaanong          Medyo magulo
      Nilalaman             awit ay        naipakita ang        ang mensahe
                           mabisang       mensahe ng awit
                           naipakita
    Kaugnayan sa       May kaugnayan      Di-gaanong may          Kaunti ang
       Paksa             sa paksa ang      kaugnayan sa         kaugnayan sa
                             awit          paksa ang awit       paksa ng awit
                        Napakaganda         Maganda at         Maganda ngunit
  Pagpapaliwanag              ng            maayos ang          di-masyadong
                       pagpapaliwanag     pagpapaliwanag         maayos ang
                                                               pagpapaliwanag
  Pagsulat ayon sa      Gumamit ng         Nakasunod sa          Di gaanong
     wastong           wastong balarila   wastong balarila      ipinakita ang
                                          ngunit mayroon       wastong balarila
    grammar o                               ding hindi
      balarila
    Kabuuan 100
*Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng
puntos para sa gawain.)
B.2 Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Ilagay sa tsart ang mga dapat
isagawa.
   Mga desisyon na          Paano ito nakatulong sa          Paano ito nakatulong sa
ginawa sa kasalukuyan                sarili?                         kapwa?
                                          7
                        RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
                    PAMANTAYAN                              %        PUNTOS
   1. Naging makatotohanan ang mga desisyon                 40
   2. Nagtataglay ng wastong desisyon                       30
   3. May kaugnayan sa paksa                                20
   4. Paggamit ng wastong bantas                             5
   5. Maayos na pagkakasulat                                 5
   Kabuuan                                                  100
  *Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay
   ng puntos para sa gawain.)
VI. Pagsusulit
Panuto: Piliin ang titik na nagpapaliwanag sa pagkakaroon ng wastong
desisyon. Isulat ito sa patlang.
                 A. Magkaroon ng iba’t ibang pagpipilian
                 B. Pagnilayan ang mga nakalipas na desisyon
                 C. Isangguni ito sa mga taong pinagkakatiwalaan.
                 D. Bigyang-pansin ang kahalagahan ng pagdedesisyon.
                 E. Isaalang-alang ang iyong layunin at pagpapahalaga
__________1. Ang pakikinig ay simula ng pagkatuto. Kapag may mga
desisyon na hindi sigurado, ugaliing pakinggan ang ibang opinyon.
__________2. Mag-isip ng hindi lamang isang desisyon. Kapag marami ang
maaaring isagawa, piliin lamang ang sa tingin mo na makabubuti sa
sitwasyon.
__________3. Sa paggawa ng desisyon, dapat alinsunod ito sa iyong
pagpapahalaga sa buhay. Ano nga ba ang iyong pinahahalagahan?
__________4. Ang mga desisyon na ginagawa ay maaaring makapagdulot
ng mabuti at masama sa kapwa. Kaya dapat na pagnilayan ang maaaring
maging resulta ng ating mga desisyon.
                                         8
__________5. Tandaan na maaaring makatulong sa pagbuo ng wastong
desisyon ang pag-alala sa mga nakalipas na pangyayari sa ating buhay.
May mga aral na maaaring matutunan sa nakaraan.
VII. Pangwakas
Panuto: Gumawa ng isang sanaysay na nagpapakita ng kahalagahan ng
wastong desisyon. Ilagay sa sanaysay ang mga naging aral mo sa buhay.
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
     _______________________________________________________________
                      RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN
                 PAMANTAYAN                                %        PUNTOS
  1. Nilalaman                                             30
  2. Organisasyon ng mga ideya                             30
  3. Pokus sa paksa                                        20
  4. Wastong paraan ng pagsusulat                          10
  5. Istilo ng pagsusulat                                  10
  Kabuuan                                                  100
 *Paalala: HUWAG SAGUTAN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay
  ng puntos para sa gawain.)
                                        9
VIII. Sanggunian
      Self-Awareness – Who am I?
      https://warwick.ac.uk/services/wss/topics/selfawareness/
      The Johari Window
      http://psychcentral.com/blog/archives/2008/07/08/the-johari-window/
      Getting Support
      https://warwick.ac.uk/services/wss/
      Understanding Yourself and Others
      https://www.nytimes.com/2018/10/25/style/journaling-benefits.html
      Understanding Other People
      https://www.skillsyouneed.com/ips/understanding-others.html
      Understanding Others
      https://www.psychologytoday.com/us/blog/between-
      cultures/201606/understanding-others
      6 Reasons We Make Bad Decisions, and What to Do About Them
      https://www.verywellmind.com/why-you-make-bad-decisions-2795489
      9 Habits That Lead to Terrible Decisions
      https://hbr.org/2014/09/9-habits-that-lead-to-terrible-decisions
      Decision-Making Capacity
      https://plato.stanford.edu/entries/decision-capacity/
      Know Thyself
      https://idioms.thefreedictionary.com/know+thyself
      Benefits of Knowing Thyself
      https://www.lifepulseinc.com/know-thyself-beginning-wisdom/
      Tips for Making Decisions
      https://au.reachout.com/articles/decision-making-101
      7 Ways to Make Life Changing Decisions
      https://www.lifehack.org/articles/communication/7-ways-to-make-life-
      changing-decisions.html
                                      10
IX. Susi sa Pagwawasto
                   Written Works                           Pagsusulit
                5. A           A. 2
                 4. B                                                   5. B
                 3. B          1. A
                                                                        4. D
                 2. B          2. B                                     3. E
                1. A           3. E                                     2. A
                 A.1           4. D                                     1. C
                               5. C
X. Grupo ng Tagapaglinang
               Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pagkatuto
   Manunulat:                      Christina A. Latoga
   Patnugot:                       Madilene E. Supan
   Tagapagsuri ng Nilalaman:       Ana Gracia G. Catalan
                                   Emma Concepcion V. Espino
   Patnugot ng Wika:               Noel A. Quirante
   Grupo ng Tagapaglinang:         Dionisio D. Madriaga, PhD
                                   Aurora S. Francia
                                   Hazel Vi D. Corpuz
                                       11