0% found this document useful (0 votes)
60 views7 pages

Activity Sheet - Grade 10

activity sheet grade 10

Uploaded by

joan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
60 views7 pages

Activity Sheet - Grade 10

activity sheet grade 10

Uploaded by

joan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

Pangalan: Baitang at Pangkat:

Pangalan ng Guro:
CODE: EsP10MP-Ic-2.3

ACTIVITY SHEET SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO


10:
“Paghubog Ng Konsyensiya Batay Sa Likas Na Batas Moral”
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Unang Araw

A. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
2.3 Napatutunayan na ang konsyensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral ay
nagsisilbing gabay sa tamang pagpapasiya at pagkilos
B. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO

PANIMULA: Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya? Nakatutulong ito sa tao na


makilala ang katotohanan na kailangan niya upang magamit nang mapanagutan ang
kaniyang kalayaan. Anumang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunlarin ang
kaniyang kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang
mabuti.

Paghubog ng Konsensiya

1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan.


Kung talagang nais na mahubog ang konsensiya, kailangang mangibabaw ang
layuning gawin ang mabuti at piliin ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
Maipakikita ang pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod:
a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na
sangkot sa isang kilos.
b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga
mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes.
c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong
isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito

2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Hinuhubog natin ang konsensiya


kapag nagdarasal o nanalangin tayo. Ang regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa
takdang oras sa bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw
ng pag-iisip, at kapayapaan ng puso

PANIMULANG GAWAIN:
PANUTO: Tukuyin kung paaano nakakatulong ang Likas na Batas Moral sa mga
sumusunod:

KONSENSIYA:

PAGPAPASIYA:

KALAYAAN:

Page 1 of
7
Pangalan: Baitang at Pangkat:
Pangalan ng Guro:

PAGSUSURI:
PANUTO: Basahin ang talinghaga na nasa ibaba at sagutan ang mga tanong.
Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at
Publikano
Isang araw ay may dalawang lalaki na pumasok sa templo upang manalangin, ang
isa ay Pariseo at ang isa ay publikano o maniningil ng buwis.
Tumayo ang Pariseo at pabulong na nanalangin ng ganito, “O Diyos, nagpapasalamat
ako sa iyo pagkat hindi ako katulad ng iba – mga magnanakaw, mga mandaraya,
mga mangangalunya – o kaya’y katulad ng publikanong ito. Makalawa akong nag-
aayuno sa loob ng isang linggo; nagbibigay ako ng ikapu lahat kong kinikita.”
Samantala, ang publikano ay nakatayo sa malayo, ni hindi makatingin sa langit at
dinadagukan ang kanyang dibdib. Sinabi niya, “‘O Diyos, mahabag po kayo sa akin na
isang makasalanan!” Ang publikano ay umuwing kinalulugdan ng Diyos samantalang
ang Pariseo ay hindi. Dahil ang sinumang nagpapakataas ay ibinababa, at siyang

1. Ano ang moral na pagpapahalaga ang isinasaad ng talinghaga?

2. Ayon sa ipinakita ng Pariseo, nahubog ba niya sa tama ang kanyang konsensiya?Ipaliwanag

3. Bakit mas kinalugdan ang ginawa ng publikano kaysa sa ginawa ng Pariseo?

PANUTO: Alamin at unawain ang mga napapanahong isyung moral at


isulat ang implikasyong panlipunan ng mga ito

PAGLALAPAT

ISYUNG MORAL IMPLIKASYON SA LIPUNAN

Nagiging sanhi ng iba’t-ibang krimen at


Halimbawa: Paggamit ng ipinagbabawal na
pagkasira ng buhay ng gumagamit
gamot
nito.

Katiwalian at korapsyon

Prostitusyon

Aborsyon

Pagpapatiwakal (Suicide)

Pang-aabusong sekswal

Page 2 of
7
Pangalan: Baitang at Pangkat:
Pangalan ng Guro:

PAGGANAP
PANUTO: Magbigay ng mga limang katangian na dapat taglayin at limang mga
masamang katangian na dapat nating iwasan sa paghuhubog ng konsensiya.

MASAMA MABUTI

KONSENSIYA

PAGSASABUHAY
PANUTO:
1. Gumawa ng sariling tseklist patungkol sa iyong mga ginawa buong linggo.
2. Mula sa mga nailista lagyan ng tsek ang mga kilos na nakatulong sa
paghubog ng iyong konsensiya.
3. Gumawa ng repleksyon o reyalisasyon sa mga nagawang kilos at isulat ito sa
kuwaderno.
4. Tiyakin na may dalawang kopya ka nito upang maipasa ang isa sa iyong guro

TANDAAN:
Anumang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunlarin ang kaniyang
kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang mabuti
Kapag pinag-uusapan ang konsensiya, pinaguusapan din ang pagbubukas ng kalooban sa
pagunlad ng pananampalataya at espiritwalidad. Kung kaya masasabing may kinalaman
ang paghubog ng konsensiya sa pag-unlad ng buong pagkatao tungo sa pagiging

PAGTATAYA
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa iyong natutuhan sa buong aralin.

1. Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya?

2. Ibigay ang mga pamantayan na dapat sundin sa paghahanap at paggalang sa katotohanan

Inihanda ni: Joan G. Bayangan


Reference for further Enhancement:
Books:Batayang Aklat sa EsP 10
Lindawan National High School
p. 58-59

Page 3 of
7
Pangalan: Baiting at Pangkat:
Pangalan ng Guro:
CODE: EsP10MP-Ic-2.4

ACTIVITY SHEET SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10:


““Paghubog Ng Konsyensiya Batay Sa Likas Na Batas Moral”
Unang Markahan / Ikaapat na Linggo / Pangalawang Araw

A. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
2.4 Nakagagawa ng angkop na kilos upang itama ang mga maling pasyang ginawa
B. MGA HAKBANG SA PAGKATUTO
PANIMULA: Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog ang pagkatao
batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na
ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Sa proseso ng
paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang sumusunod:

ISIP- Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam


at pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin,
pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging
maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na
nararapat gawin, pag-unawa sa birtud

KILOS-LOOB - Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos


tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili
ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad

PUSO. Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa


pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang

KAMAY. Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti,


pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga
birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay na
susuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga

PANIMULANG GAWAIN:
PANUTO: Magbigay ng halimbawa ng “Pitong Kasalanang Nakamamatay o Seven
Deadly Sins.

1. Katakawan (Gluttony)

2. Pagnanasa (Lust)

3. Kasakiman (Greed)

4. Katamaran (Laziness)

5. Malabis na pagkagalit (Wrath)

6. Pagkainggit (Envy)

7. Pagmamataas (Pride)

Page 4 of
7
Pangalan: Baitang at Pangkat:
Pangalan ng Guro:

PAGSUSURI
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Alin sa mga nabanggit na kasalanan ang iyong madalas na nagagawa?

2. Ano ang naging masamang epekto nito sa paghubog ng iyong konsensiya?

3. Paano nakakatulong ang konsensiya sa mga pagsasagawa ng kilos at pagpapasiya?

PANUTO: Magbigay ng paraan upang itama ang “Pitong


Kasalanang Nakamamatay o Seven Deadly Sins.

PAGLALAPAT

1. Katakawan (Gluttony)

2. Pagnanasa (Lust)

3. Kasakiman (Greed)

4. Katamaran (Laziness)

5. Malabis na pagkagalit (Wrath)

6. Pagkainggit (Envy)

7. Pagmamataas (Pride)

PAGGANAP
PANUTO: Tuwing bagong taon may mga New Year’s Resolution o mga pagbabagong gagawin.
Batay sa mga natutuhan mo sa paghubog ng konsensiya gumawa ng “My Conscience’s
Isulat ang mga pangakong gagawin upang mahubog ang konsensiya sa tama
at mabuti.

“My Conscience’s Resolution”

Page 5 of
7
Pangalan: Baitang at Pangkat:
Resolution”

Page 6 of
7
Pangalan: Baitang at Pangkat:
Pangalan ng Guro:

PAGSASABUHAY
PANUTO:
1. Balikan ang ginawang tseklist na iyong ginawa noong nagdaang lingo.
2. Tukuyin ang mga kilos na gusto mong bigyang pansin.
3. Gawan ng action plan o plano upang mabago at mapabuti ang nagawang kilos.
4. Gamitin ang format na nasa ibaba.

KILOS NA NAIS BIGYANG PANSIN GAGAWING PAGBABAGO

TANDAAN:
 Mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng konsensiya.
Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o
masama sa hinaharap.
 Ang ating kakayahan na maunawaan at pillin kung ano ang mabuti patungo sa
mabuting paraan ng pagkilos ay nagmumula sa konsensiyang nahubog nang
mahusay. Ang pagsunod sa utos ng konsensiya ay hindi lamang ang paggawa ng
mabuti kundi higit sa lahat, ang pagiging mabuting tao, ang pagpapakatao

PAGTATAYA:
PANUTO :

Sa proseso ng paghubog ng konsensiya paano makakatulong ang mga sumusunod:

ISIP KILOS-LOOB

PUSO KAMAY

Reference for further Enhancement:


Book:Batayang Aklat sa EsP 10 p. 59-
60 Inihanda ni: Joan G. Bayangan

Lindawan National High School

Page 7 of
7

You might also like